37 ( THE THIEF )

90 13 0
                                    

Cole's Pov

"Kumuha lang kayo nang kumuha at ako ang bahala sa mga iyun , ilagay niyo na lamang sa basket na ito" turan ko sa ibang mga kaklase ko dito sa canteen , break time na kasi at saktong narito din sila Duke na tahimik lang na kumakain habang may kasamang lalaki na bagong binubully nila.

"Grabe Cole! Salamat ah , mukhang mabubusog kami nang dahil sa libre mo!" Wika naman ni Tricia sa akin at tsaka masaya na kumuha ng tinapay sa may stall.

Ako naman ay napaupo na lang sa gilid habang pinagmamasdan ang paligid ko , nakita ko din kasi sila Jaydee kasama yung isa na mukhang kaibigan niya.

Himala lang gayung may nakilala at nakalapit siya sa section nila gayung siya lang naman ang musmusin sa klase nila. Kung ako sa lagay niya ay mahihiya ako na makipagkaibigan sa hindi ko naman ka uri at lalo na gayung palamunin lang naman siya sa tahanan namin.

"Oum Cole okay na daw ,  tara bayaran na natin sa cashier" paghila sa akin ni Tricia at tsaka naglakad na patungong cashier , napatingin naman ako sa mga basket na dala ng iba kong mga kaklase at masasabi kong sobrang dami nga noon.

Sana lang talaga magkasya tong pera ko , dalawang libo lang kasi ang nasa wallet ko at ito na din ang natitirang baon ko sa linggong ito at kasama din dito yung mga dagdag na ibinibigay ni Ina sa akin kapag may naibebentang baboy.

"1356 po lahat ng pagkain na inorder niyo ,  Cash po ba o card sir? Kung card pahiram po ng ID" Tanong naman sa akin ng nagbabantay dito , napadukot na lamang ako ng aking wallet at mabilis na kinuha ang dalawang libo.

"I'll take cash nalang wala kasi akong dalang card sa ngayon" turan ko dito na ikinamangha naman ng iba kong kaklase , mukhang kumbinsidong kumbinsido sila na mayaman ako.

"Okay , ito na po yung sukli" wika niya saka ibinigay yung sukli sa akin , napakagat naman ako nang ibabang labi nang palihim saka inilagay sa aking bulsa yung barya na natira.

"Grabe maraming salamat dito Cole ah! Buti nalang at may nakilala kaming mabait at mayaman na katulad mo! Bonus pa na ang gwapo mo!" Pagpuri naman sa akin ng iilang kaklase ko na nagpangiti sa akin nang malawak.

"Wala yun , isa pa ang sabi nga nila share your blessings!" Tugon ko sa kanila bigla namang naglakad papalayo si Mari sa hindi malamang dahilan.

Hinayaan ko na lamang siya na umalis saka naupo na kaming lahat dito sa canteen upang kumain , naguguluhan din ako sa aksyon niya ngunit baka may nais lang siyang gawin kung kaya'y hindi na siya nakapag paalam pa.

"Uy tol! Palibre naman ng Strawberry Milk! Kaklase mo din naman kami diba guys?" Halos mamutla naman ako nang marinig ang tinig na iyun , nanggagaling kasi kay Duke.

"A-ah sige ba , saglit lang ilan ba kayo ah? Kailangan niyo pa ba ng bread?" Pag alok ko sa kanya na siyang ikinangiti nito maging ang mga kasama niya.

"Oo ba , mukhang tiba tiba ka naman eh! Padagdag na din ng dalawang red juice para sa dalawang tuta ko!" Dagdag pa nito habang hawak hawak ang mga buhok ng dalawang binubully nila kanina pa.

Wala naman na akong nagawa kundi ang bumunot ng pera saka binili ang nais niya. Pagbalik ko ay iniabot ko iyun kaagad at nginitian niya naman ako ngunit alam kong plastic na ngiti ang mga iyun.

Nilagyan niya ng straw ang strawberry milk na ibinigay ko saka ininom habang yung dalawang juice naman ay ibinuhos niya sa ulo nung dalawang binubully niya.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon