Jaydee's Pov
Unti unti nang nagsialisan yung iba naming kaklase at narinig ko na magtutungo ang lahat sa cafeteria na matatagpuan sa kalapit na building namin. Itong building kasi na kinaroroonan namin ay may daanan din patungo sa kabilang building na kinaroroonan ng ibang mga estudyante.
Bale ang mga kagaya lang namin na nabibilang sa Golden Section ang may kakanyahan na lumusot doon at hindi pwedeng tumungtong ang sinumang estudyante na hindi kabilang sa Golden Students na nakasaad sa rules ng mga nasa ibabang level namin.
"Oum ang mabuti pa Mr. Genius , magtungo na din tayo papuntang cafeteria kagaya nung iba" aya naman sa akin ni Angela , nahihiya man ay wala na akong nagawa gayung hinawakan na ako nito sa may bandang palapulsuhan.
"It's a yes or yes kaya tara na" dagdag niya pa napatango na lamang ako bilang pag sang ayon sa kanya saka kinuha yung bag ko.
Tinitignan naman kami ng ibang lalaki na narito pa sa classroom ngunit iniwasan ko na lamang ang tignan sila pabalik , nang makalabas na kami sa room ay nakasunod lamang ako kay Angela na naglalakad habang hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Siya nga pala Jaydee? Anong SNS account mo? Para maadd kita" sambit naman nito sa akin , napakunot naman ang noohan ko gayung hindi ko naman alam ang kanyang sinasabi.
"Ano yung SNS?" Tanong ko rito , napatingin naman kaagad siya sa akin na tila bay tinitignan ako kung nagbibiro lang ba ako.
"Seriously? You don't know SNS? Are you joking ba or not. Oum to sum it up it's like Facebook or Instagram jaydee" pagpapaliwanag niya naman sa akin na ikinlaro ng aking isipan , well familiar ako doon pero hindi sa term na ginamit niya.
"Ah ganun pala yun. Meron naman akong account pero hindi ko masisigurado sayo na lagi akong online gayung hindi ako masyadong nagsi cellphone Angela" sagot ko naman sa kanya habang siya ngayon ay napapangiti na lamang.
"You're so rare as well as interesting , hmmp you should make time for it since lahat ng mga gawain natin ay accessible lamang sa phone or other gadgets" tugon niya naman sa akin saka hinawakan ang bandang balikat ko gayung mas matangkad siya sa akin.
"Don't worry , I'll help you naman if you need help on it" dagdag niya pa napangiti na lamang ako sapagkat napakabait talaga ni Angela , natutuwa ako gayung sa unang araw ng aking klase ay nagkaroon ako ng kaibigan.
Hindi naman na kasi ako nangangarap pa na may makasama kasi nga mahirap lang ako at napapalibutan ako ng mayayamang mga estudyante sa section namin.
Pero mabuti na lamang at mismong si Angela ang lumapit sa akin , ngayon hindi na ako nag iisa.
Nang makarating kami sa cafeteria ay nagulat ako sapagkat napakalawak nito kung aking susukatin ay magkatumbas ito ng pinagsamang bente na classroom na lawak nito , makikita ko din ang samot saring mga putahe na nakapalibot dito at maging ang mga desert at mga ibinibentang tubig.
"Doon tayo maupo jaydee" turo pa ni Angela sa bakanteng upuan , wala naman na akong nasabi pa kundi ang sumunod na lamang sa nais niya.
Ibinaba na namin ang aming gamit at tsaka hinila na ako nito patungong linya , bale linya iyun para sa mga Golden Students lang. Iba iba kasi ang linya na dapat pilahan at by section lagi.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee