44 ( OTHER GS )

82 12 0
                                    

Lorelaine's Pov

Pabalik na ako sa hidden room namin kung saan matatagpuan din yung ibang mga Golden Students , I'm not aware na may isinasagawa palang task ang First Year kung kaya'y aksidenteng may nakakita sa akin at nasaktuhan pa na siya ang Rank 1 sa batch nila.

What a shame gayung sobrang weak pa ng taong naging Rank 1 sa batch nila , masyado siyang payat at parang isang tulak lang ay matutumba na kaagad. Hindi niya kakayanin kami na mga kapwa niya Rank 1 kung dumating na ang panahon para sa battle of the best na pinakainaantay ng lahat.

Yes you heard it right. We are just waiting for the right time na ipakilala na kami ng buo patungong batch 1 hanggang batch 3. I secretly saw some of the new students which is mga batch 4 and all of them are geniuses but being smart without a killing skill is just a trash.

Again , you heard it right. We kill to survive that's why some of us are alive and some of them are resting , forever.

"Pres! Saan ka na naman galing. Kanina pa hinahanap ni Primo mukhang may meeting na naman kayong mga Class President." Bungad naman sa akin ni Tyrone habang ngumunguya pa ng bubblegum agad ko namang tinapik nang malakas ang bandang leegan niya na dahilan upang mailuwa niya ang kanyang nginunguyang bubblegum.

"I told you many times na bawal ang bubblegum dito sa room Tyrone!" pagsaway ko sa kanya habang siya naman ay patuloy sa pag ubo gayung nabilaukan ito.

"Is your trauma back? Laney naman you know that I can't stop being addicted to it. Ito lang ang nagbibigay buhay sa akin sa paaralan na ito. Please just consider it okay?" reklamo niya naman nung mahimasmasan na siya , hindi ko na lamang siya pinansin at nagdire diretso na ako sa isa pang room kung saan naroon sila Primo , Fidge at Ziah.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay nagulat naman ako nang makita ang mga ginagawa nila gayung seryosong nagbabasa si Primo ng libro , Si Ziah naman ay nagmimake up lamang mukhang may balak na naman na landiin si Primo mamaya at panghuli ay si Fidge na abalang abala sa paggawa ng tricks habang hawak hawak ang kanyang paboritong kutsilyo.

"Where did you go? Kanina ka pa namin hinihintay dito Laney! Saan ka na naman ba nagsisisuot ah?" Wika ni Ziah saka ibinaba ang kanyang make up kit , napatingin naman sa akin si Primo na tila bay parang may nais itanong sa akin.

"You sneak out again right? mukhang masayang masaya ka talaga na gumala at makita ang mga bagong salta." Seryosong wika ni Fidge , edi alam niya na pala na nag sneak out ako tapos nag abala pang magtanong sa akin.

Tsk akala ko pa naman matalino siya pero parang nagiging bano na siya sa paglipas ng panahon na namalagi siya dito.

"Laney you know that your actions will lead on torturing your batchmates. Hindi ka pa din ba aware dun? Ipinapahamak mo lamang ang sarili mo sa ginagawa mo" Seryosong turan ni Primo saka tumayo pa at tsaka lumapit sa akin na para bang nagbabanta.

"I know what I'm doing at isa pa it's Saturday that's why I can do what I wanted to do Primo" Pagsagot ko sa kanya saka napaupo sa may upuan , I'm just getting a lot of information na magagamit ko din sa mga baguhan.

Since masasayang naman ang oras ko kapag tumunganga lang ako dito sa hidden room , mas mabuti nang may gawin kesa umupo nalang maghapon kagaya ng ginagawa nila.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon