Jaydee's Pov
Hindi ko alam kung bakit hindi ko kinakayang panuorin ang nangyayari sa ngayon , nakahandusay at tila bay nahihirapan si Chino sa paghinga ngunit hindi man lang nila inaawat si Xinn na tigilan na lamang ang pagsapak at itulak nalang sana nito si Chino palabas ng linyang bilog.
Habang papalapit ako ay biglaan namang nagsalita si Maxine ngunit hindi ko na iyun masyado pang inintindi sa halip ay dali dali kong isinangga ang aking kamay sa kamao ni Xinn na ilalapat sanang muli sa nagdurugong mukha ni Chino.
"Bitawan mo ako Garcia! Hindi ikaw ang manlalaro dito kaya wag kang mangialam!" Utos nito sa akin at halata sa kanya ang gigil , yung tipong kaya niya pang higitan ang ginawa niya ngayon kay Chino kung walang pipigil sa kanya.
"Kung gusto mong ipanalo ang laban , pwede bang itulak mo na lamang siya palabas? Nakikita mo namang nahihirapan na siya. Hindi pa ba sapat yun para malamang panalo kana?" Katwiran ko dito na ikinatawa niya na lamang at tsaka tumayo at binigyan ako ng isang sapak na ikinatumba ko.
"Alam mo pakialamero ka talaga ano? Gusto mo bang ikaw ang bida? Hindi porket ikaw ang nangunguna sa Golden Section ay uurungan na kita!" Pagduro niya pa sa akin , ako naman ay napahawak sa may bandang panga ko gayung parang tumabingi iyun sa lakas ng pagkakasuntok nito.
Nalasahan ko din ang dugong nagmumula sa aking labi at maging sa aking ilong.
"Damn you Xinn! Di ka ba titigil ah? Anong klase tao ka ah! Napaka hipokrito mo!" Sigaw naman ni Angela dito na ikinangisi na lamang ni Xinn , nagtungo na itong muli kay Chino at tsaka itinuloy ang kanyang ginagawang pagsipa dito.
Dali dali naman akong nagtungo sa may gitna upang pigilan siyang muli.
"Just rolled him out" pakikiusap ko dito ngunit winasiwas naman nito ang pagkakahawak ko sa kanya na naging dahilan ng aking pagkatumbang muli ngunit mabilis akong nakatayo this time.
"Jaydee..." Pagtawag naman sa akin ni Maxine ngunit hindi ko siya pinansin gayung mas abala ako na pigilan si Xinn sa ginagawa niya kay Chino.
Hindi ko man kilalang lubusan si Chino ngunit hindi naman maaari na tignan ko lamang siya na nahihirapan sa ngayon , hindi kakayanin ng konsensya ko kung humantong ito sa kanyang kamatayan gayung walang ginagawa ang mga professor namin upang aksyunan at tulungan siya.
"Ah hindi ka talaga titigil ah?" Itinulak ako nitong muli at tsaka hinawakan sa may pala kwelyuhan at akmang aambahan muli ng suntok nang biglaang mapaluhod siya sa mismong harapan ko at may nakapulupot na na kamay sa may bandang leegan niya na dahilan upang mahirapan siya sa paghinga.
"Okay , that's it. Let's declare the victory for Mr. Xinn Calvin Montenegro!" Pagsingit ni Master V sa usapan at mabilis namang binitawan ni Francese si Xinn na ngayon ay gulat na gulat pa din sa nangyari.
"Damn it! I'm not done yet!" Asar na saad nito at dali dali naman akong tinulungan ni Angela upang makatayo.
Gulat pa ding napatingin ako kay Francese na ngayon ay bumalik na sa may baba , sa pangalawang pagkakataon ay tinulungan niya na naman akong muli.
"Jaydee , let's go muna sa infirmary para gamutin yang sugat mo" pag aya naman sa akin ni Angela , napatango na lang ako gayung sa dami ba namang nangyari ay hindi ko na din madama ang kirot ng sugat ko pero ramdam ko ang pag agos ng dugo na nagmumula sa aking ilong.
"You need to go back as soon as possible Jaydee at Angela gayung hindi pa natatapos ang Golden Task niyo , Now number 2 players proceed to the Field Area for your Golden Task!" Pagmando sa amin ni Master V at napatango naman si Angela at tsaka agad agad akong inalalayan palabas ng PD area.
+++
Francese Pov
Kasalukuyang nakatanaw lang kami ngayon sa naglalaban na sina Justin at Wayne , Field Area ang Golden Task nila at ang gagawin nila ay magpapaligsahan at magpapabilisan sa pag gulong sa putikan at pagkatapos nun ay susuotin ang isang malaking gulong na may kabigatan at tsaka tatakbong muli at tsaka aapakan ang mga balloons na nakalagay sa may damuhan hanggang sa finish line.
"Queen? Okay ka lang ba?" Tanong naman sa akin ni Amanda , bahagyang napatango na lamang ako at iniisip pa din ang nangyari kanina.
At tsaka sinabunutan ng kaunti ang uluhan ko gayung nagdesisyon na naman ako nang hindi nag iisip , kitang kita ko kanina ang mga mata ng Professor namin dahil sa ginawa kong pagtulong kay Jaydee.
"Queen , oy itigil mo yan! Nasasaktan kana sa ginagawa mo!" Pagsaway sa aking muli ni Amanda habang ako naman ay hindi na maipinta sa mukha ang hiya at pagiging kabado.
Mukhang makakarating ang balitang ito kay Daddy , sana lang wala siyang ibang sabihin mamaya sa bahay. Saksi din si Uncle Brix sa kaganapan ngayon. Pero despite ng ginawa ko ay hindi ko pa din talaga malaman kung bakit nawawalan ng pakialam si Maxine sa kanyang paligid kapag si Jaydee na ang kasama sa usapan. Muntikan niya pa itong tulungan sa harap mismo ng Daddy niya , mukhang inilalapit niya talaga ang kanyang sarili sa kapahamakan.
"Ngayon na realize mo na ang ginawa mo kanina? Pambihira ka naman Queen oh , bakit ka naman nakisali sa gulo kanina. Paano na lamang kung nasaktan ka din?" Nag aalalang turan ni Amanda sa aking muli , hindi naman ako basta bastang masasaktan ng kahit sinuman. Unless malikuran ako.
"Hindi ko din alam Amanda" maikling tugon ko sa kanya saka napasapo ng aking noohan.
"Kakaiba kana din! Anong nangyayari sa inyong mag pinsan ah? At mukhang interesadong interesado kayo kay Garcia?" Tanong niya namang muli , sakto naman sa kanyang katanungan ay ang pagpasok nila Jaydee at Angela sa Field Area.
Kahit ako hindi ko din malaman kung bakit kapag siya na ang kasama sa mga nagyayari ay kusang gumagalaw ang aking katawan upang matulungan man lang siya.
Hindi kaya'y ang paghanga kong ito sa taglay niyang kabaitan ay mas lumalalim na? Ngunit hindi maaari ang ganitong nararamdaman ko. Natigil naman ang aking pag iisip nang biglaang umulan na aking ikinabahala , dali dali akong umalis sa field area gayung may trauma ako sa ulan at alam yun ni Maxine.
"Wait teka lang Queen! Hintayin mo naman ako. Queen saglit!" Pagtawag sa akin ni Amanda ngunit nagdire diretso lang ako sa paglabas hanggang sa mapunta ako sa isang bakanteng room at doon ako nagtaklob ng aking tenga nang sa ganun ay hindi ko marinig ang kulog at kidlat na nanggagaling sa labas.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee