36 ( FEAR )

71 13 1
                                    

Cole's Pov

Nakatungtong lang ang aking uluhan sa may lamesa ng aking upuan , antok na antok pa talaga ako ngunit kinailangan ko pa ding pumasok ng maaga nang sa ganun ay hindi ako malate , kaunti pa lamang kami dito sa classroom at pinipilit ko talaga na limutin ang naging kaganapan kahapon at hindi na bigyang pansin pa nang sa ganun ay matahimik ang aking kalooban.

"Cole? Tara canteen muna tayo! Wala pa naman si Professor eh! Magliwaliw muna tayo sa labas , maaga pa naman eh" wika naman ng kaibigan kong si Mae , nais ko pa sanang tumanggi ngunit pinilit ko na lamang ang aking sarili na umalis na muna dito sa classroom.

Isa pa tama naman siya na masyado pang maaga at iilan pa lang naman kami ang nandirito sa classroom na ito.

"Oum sama ako mae!" Bati naman ng isa pa naming kaklase na babae , hindi ko siya masyadong nakakausap nitong week ngunit nakakausap siya ni Mari kung kaya'y okay lang naman sa akin ang kanyang pagsama.

Don't get me wrong ah , hindi lang ako palasama sa mga kapwa ko lalaki gayung most of them are bullies at hindi ko alam kung maaari ko bang pagkatiwalaan.

"Oh edi tara tricia! Ipakilala na din kita dito kay Cole habang patungo tayo sa canteen" tugon naman ni Mari sa kanya at tsaka nauna nang maglakad , ako naman ay nakasunod lang sa kanilang dalawa.

"Cole tuliro ka na naman , siya nga pala si Tricia naging kaibigan ko lang this week.  Mabait siya cole" pagpapakilala naman nito , agad naman inabot ng babae ang kanyang kamay sa akin upang makipagkamay.

Wala na din naman akong nagawa pa kundi ang kamayan din siya pabalik gayung mukha naman siyang mabait at ayon din sa sinabi ni Mae sa akin.

"Ikinagagalak kong makilala ka Tricia!" Bati ko sa kanya saka binigyan ito nang malawak na ngiti , maganda siyang babae kung tutuusin at napakaganda din ng mga ngiti na ibinibigay niya sa akin.

Kung titignan ay para bang wala siyang ka proble problema sa buhay niya habang ako? Hindi ko na alam kung may paglalagyan pa ba ako ng problema. Gayung mas lumala naman ang problema sa aming tahanan nang dumating ang salot na Jaydee na yun.

Hindi na natahimik sa pag aaway ang aking mga magulang dahil sa kanya , lumaki na ang ulo niya at halos gabihin na lagi sa pag uwi dahil lang sa naging Golden Section siya.

Eh kung tutuusin hindi naman nagkakalayo ang mga oras ng pag uwi namin sadyang baka napapabarkada siya at sinasadyang umuwi ng gabi nang sa ganun ay hindi na masyadong gumawa ng gawaing bahay na ako ngayon ang pumupuna gayung naroon si Ama lagi sa bahay sa tuwing uuwi na ako.

"Cole? Oum ngayon ko lang napansin na naka Iphone ka  , bibihira lang kasi ang mga nagkakaroon niyan sa Elite Section. Wag mo sanang mamasamain kung itatanong ko ito? Mayaman kayo no?"  Napataas naman kilay ko nang biglaang itanong niya iyun sa akin , hindi ko alam ang isasagot ko sa oras na ito.

"Alam mo ba na malaki ang advantage ng pagiging mayaman lalo na kung nasa Elite Section ka gayung maiiwasan mo ang mga bully kagaya nila Duke"  mahabang dagdag  niya pa sa akin habang ako naman ay nakikinig lang sa kanyang sinasabi.

"Paano mo naman nasabing maiiwasan mo ang bully sa school na ito dahil lang sa pagiging mayaman Tricia?"  Tanong ko naman dito pabalik habang nakapila na sa mga bibili sa canteen , kaunti lang naman ang tao ngunit medyo may kahabaan ang pila.

"I heard it kay Duke mismo na naiinis siya sa mga taong mahihirap kaya mostly nang nabubully niya sa classroom ay mga mahihirap na hindi kayang ipaglaban ang kanilang sarili sa iba since alam niya na mas superior siya doon at walang kalaban laban ang katulad natin sa Unibersidad na ito" mahabang pagkukuwento niyang muli na sanhi upang magkaroon ako ng ideya sa aking isipan.

"Pasensya kana ngunit hindi mo ako katulad Tricia , masasabi kong magkapantay lang kami ng estado nila Duke! At kailanman ay hindi niya ako pwedeng galawin gayung mananagot siya kay Daddy kapag nagkataon" pagmamayabang ko sa kanya na ikinagulat din ni Mari sapagkat ang alam niya lamang ay mahirap ang aming pamilya ngunit sa ngayon ay kailangan ko talagang magsinungaling sa lahat nang sa ganun ay masecure ko ang kaligtasan ko sa eskwelahan na ito.

"Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko! Siya nga pala anong trabaho ng Dad mo? May company ba siya? Ang swerte mo naman gayung ipinanganak kang may silver spoon na" hangang hanga na saad nito sa akin saka hinawakan pa ang aking balikat.

"A-ah si Dad? Siya lang naman ang nagmamay ari ng Panasiatic Corpotel Incorporation , nagtapos din siya sa kursong Engineering" dagdag ko pa sa aking kasinungalingan na mas lalong ikinanlaki ng kanyang mga mata.

"Wow! Grabe ka , hindi ka talaga masyadong vocal pero napakayaman mo pala talaga Cole! Sa sunod ay igala mo kami doon ah?" Wika pa ni Tricia habang tuwang tuwa sa saya nang marinig ang aking kwento , si Mari naman ay halatang halata na hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Mamaya ko na lamang sa kanya sasabihin kung bakit kinailangan kong magsinungaling.

"Oum siya nga pala kung gayun maaari ba kitang maging kaibigan na? Nang sa ganun ay hindi din ako mapasali sa bubullyhin sa school na ito. Nakikiusap ako Cole" pagmamakaawa pa nito sa akin na ikinatango ko na lamang.

"Oo ba akong bahala sa inyo! Oum ang mabuti pa ay kumain na tayo , Pumili na kayo ng gusto niyo at ako na ang bahala sa bill!" Turan ko sa kanila at hindi naman maipinta ang saya na nadarama ni Tricia nang sabihin ko iyun habang si Mari naman ay nananahimik na lamang sa may gilid , alam kong mali ako sa oras na ito ngunit nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

Wala na din akong karapatan pa na bawiin ang aking sinabi gayung mapapahiya lamang ako sa kanila at hindi magiging maganda ang kahihinatnan nun kapag nangyari.

"Hoy chubs! Ang sabi ko diba banana milk bakit strawberry to ah! Hindi ka talaga nakikinig nang maayos sa inuutos sayo ah!" Sigaw naman nang kakarating lang na grupo nila Duke , mabilis naman na kumabog ang dibdib ko nang makita ko sila.

Yung lace talaga ni Duke ang sumagi sa aking isipan at yung mukha nang lalaki habang nahihirapang huminga at labis na namumula ang mukha.

"Ngunit ang ipinabili niyo sa akin ay Banana Milk Master Duke" pagsagot pa nang lalaki na dapat pala ay hindi niya na ginawa gayung isang malakas na suntok ang kanyang nakuha mula kay Duke.

"Sumasagot ka pa talaga ah! Sinisi mo pa ako sa katangahang taglay mo! Mukha ka na ngang baboy , nagawa mo pang baliktarin ako!"  Sigaw pa nito na nagpatigil sa mundo nang mga taong naririto sa ngayon , bahagyang napaatras naman ako nang magtapat ang mga mata naming dalawa.

"Ang mabuti pa ay sa labas na tayo kumain , Mukhang maganda ang araw at nababagay ang kape sa umagang ito" kinakabahang turan ko saka inaya na sila upang umalis , nauna na ako gayung sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko , hanggang sa makakaya ko ay kailangan kong lumayo sa grupo nila.

Gayung masasabi kong napaka delikado nilang mga nilalang at kayang kaya talaga nilang pumatay nang mga taong humaharang sa kanila. Talagang tama ang kasabihan na mas matakot tayo sa mga taong nabubuhay kesa sa mga patay.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon