Cole's Pov
Nakaupo lang ako sa may upuan dito habang si Inay ay hinahaplos haplos ang aking likuran , kanina pa umalis si Tatay para isugod si Jaydee sa hospital. Bigla kasi siyang nawalan ng malay at hindi na ako magtataka kung isa na naman yun sa mga pakulo niya para kaawaan siya ni Tatay.
"Ang mabuti pa anak ay magpahinga ka na muna sa kwarto mo , ako na ang bahala sa Ama mo kapag dumating siya. Kakausapin ko siya nang sa ganun ay hindi ka niya mapuruhan. Sige na pasok kana sa loob" mahabang litanya ni Inay sa akin , kahit ngayon ay ramdam ko ang pag nginig ng aking buong katawan dahil sa takot na maaaring gawin ni Ama sa akin.
Sinunod ko na lamang ang nais ni Nanay kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nahiga. Napabuntong hininga na napapikit ako para sakaling mabilis akong makatulog nang biglaang bumukas ang pintuan ang aking kwarto.
Nakita ko si Ama ngayon at halatang halata sa mukha niya ang labis na galit , agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa may bandang kwelyuhan at kinaladkad palabas.
"Berting bitawan mo ang anak mo! Parang awa mo na , hindi niya naman sinasadya!" Pag awat ni Inay rito ngunit hinawi lang siya ni Itay at tsaka nagdire diretsong kaladkarin ako palabas ng bahay.
Pagkatapos niya akong itulak palabas ay may kinuha naman siya sa loob at naaaninag ko na yun , isa siyang dos por dos at mukhang alam ko na ang gagawin nito sa akin.
"Tay parang awa mo na! Nagsisisi na hu ako sa aking ginawang pagnakaw kay Jaydee. Humihingi po ako ng patawad!" Mabilis na wika ko saka dali daling lumuhod sa kanya , hindi naman siya nagpatinag gayung isang malakas na hampas ng kahoy ang aking naramdaman sa may binti ko na siyang dahilan upang mapahiga ako sa sakit nun.
"Berting tama na! Pakiusap , nasasaktan na ang anak mo! Uunahin mo pa ba yung nararamdaman ng pamangkin mo kesa sa sarili mong anak ah?" Dagdag ni Nanay saka lumapit ito sa akin , mabilis naman na lumapit si Ama saka hinawakan akong muli at sinuntok na siyang ikinahiyaw ni Inay.
"Ano ba huh! Berting ang sabi ko tama na! Hindi na makatwiran yang ginagawa mo sa anak mo!" Wikang muli ni Nanay saka binigyan nang malakas na sampal si Tatay nang sa ganun ay magising ito.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ka barumbado yang anak mo Sanya! Kasi lagi mong kinukunsinti!" Malakas na sumbat ni Tatay dito saka kinuhang muli ang dos por dos ngunit pilit naman siyang hinaharang ni Nanay.
"Matagal akong nagbulagbulagan sa mga pinagsasabi niya sa pinsan niya ngunit hindi na matatapos ang ganitong sitwasyon kung hindi yan magtatanda!" Itinulak niyang muli si Nanay na siyang ikinatumba nito , ako naman ay pilit na gumagapang palayo kay Tatay kahit na sobrang sakit na ng dalawang binti ko.
"Tay pakiusap hindi na po mauulit , patawad po. Wag niyo na po akong saktan!" Pagmamakaawa kong muli gayung baka sakaling maawa si Tatay sa akin ngunit nabigo ako gayung mas lalo pa siyang lumapit sa akin at pinanghahampas ako ng sunod sunod ng hawak niyang dos por dos.
Puro lamang sigaw ko ang naririnig ko mismo dito habang si nanay naman ay naiiyak na lamang at walang magawa sa ginagawa ngayon ni Tatay sa akin.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee