Duke's Pov
Narito kami ngayon nila Renz at Trevor sa may bandang basement at kasalukuyang hinihintay ko dumating si Xinn. Nababagot na ako sa pangako niyang siya ang bahala kay Matthew , iilang araw na ang nasayang at hindi man lang ako nakaganti sa hayop na yun.
"Balita ko ililipat na si Matthew sa Sanford University , nasabi sa akin ni Daddy kagabi" singit naman sa usapan ni Trevor habang ako naman ay hinahawak hawakan ang aking kamao sa sobrang inis.
Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niyang pangtatraydor sa akin , hindi pwedeng ganun na lang. Kahit tarantado ako ay iniingat ingatan ko pa din naman ang pangalan ko. Kaso lang dahil sa tarantadong yun ay mas lalong nasira ang tiwala sa akin ni Grand Dad. Ni iisang kusing ay wala akong makukuha dahil sa gagong matthew na yun.
"Tsk kaya nga. Buti nalang at pinalad pa tayong masingit dito sa GIU kasi kung hindi baka pinalayas na din ako sa bahay. Thanks to Tito Danerie talaga" wika nito saka napatingin sa akin , buti nalang kako at napapayag ni Mom si Dad na magawan ng paraan ang pagpasok ko sa Unibersidad na ito.
Kasi kung hindi? Hindi ko na din alam kung saan ako pupulutin , ilang araw din akong na grounded at kasalukuyang nakikisabay kay Trevor gayung pinagko commute ako ni Dad. Kinuha niya din yung mga susi ng pinakamamahal kong mga sasakyan pero buti ay hindi niya na pina hold ang cards ko gayung wala naman akong pagkukuhanan ng pera kung sakali.
"Oh ayan na pala si Xinn!" Turo naman ni Renz sa naglalakad na si Xinn na may hawak hawak pang gatorade na kulay blue.
"Xinn akala ko ba gagawin mo yung sinabi mo sa lalong madaling panahon? Bakit wala pa rin bro? Umasa ako sa sinabi mo ngunit mukhang binibigo mo ako" pagprangkang wika ko dito , napangiti naman siya saka biglang tinapon ang hawak niyang gatorade sa isa sa mga sasakyan na narito sa basement.
"Hays badtrip! Bakit kaya sila magkasamang dalawa!" Tugon naman nito ngunit nakakapagtaka lang gayung iba ang sagot niya sa katanungan ko.
"Ano? Sino ang magkasamang dalawa na tinutukoy mo? Yung plano Xinn baka nakakalimot kana" dagdag kong muli sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
"Chill ka lang Duke , pinapaamo ko pa si Matthew gayung pati ako ay hindi makapasok sa bahay nila" wika niyang pabalik saka inupuan ang nakapark na Lamborghini dito na para bang walang pakialam kung magasgasan ito.
"Gago bro! Ang mahal ng inuupuan mo , baka magasgasan yan" pagsaway naman ni Renz sa kanya.
"Pag ma may ari ko to kaya wala kong pakialam kung magasgasan to , I could buy more cars if may galos ang punyetang sasakyan na to!" Galit niyang wika , well mayaman sila Xinn at kahit ganyan kayabang ang pananalita niya ay may katotohanan naman ang mga iyun.
"Ano bang problema mo ah? At ganyan na lamang katindi ang inis na nadarama mo sa ngayon" seryosong katwiran ko din sa kanya , napatingin naman siya kaagad at tsaka naglabas ng sigarilyo na nakatago sa bulsa ng kanyang damit.
"Wala , I can handle it myself. Basta siguraduhin mo lang Duke na tutulungan mo akong mapalapit kay Maxine kapag natapos tong issue kay Matthew" turan niya pa na ikinatango ko , ayun ang nais niyang mangyari na kapalit sa pagtulong niya sa akin.
At basic lamang iyun gayung pinsan ko naman si Maxine at kayang kaya ko na paglapitin ang dalawang iyun kung nanaisin ko. Malas niya lang kasi mukhang hindi siya matitipuhan ni Maxine gayung mataas ang standars nun , kaya wala din siyang nakakarelasyon dati gayung napapahiya lang sa kanya.
"Makakaasa ka pero bago yun siguraduhin mo muna na maayos ang plano mo" saad ko saka nilisan na ang lugar gayung oras na para sa susunod kong klase.
As much as possible kailangan ko pa din pasukan ang mga iyun kahit na buryong buryo na ako sa pagtuturo ng Professor namin.
++++
Maxine's Pov
Kasalukuyang pabalik na ako ng classroom nang may maramdaman ako na kumakalam ang sikmura ko , marahil ay dahil sa mga kinain namin ni Jaydee. Kaya dali dali akong nagtungo sa restroom na malapit lang dito at tsaka pumasok sa loob ng banyo , bahagyang tinusok ko ang ngala ngala ko nang sa ganun ay maduwal ako at successful naman ang aking ginawa gayung naisuka ko lahat ng kinain ko kanina.
Ito nga ang kinaiinisan ko sa lahat gayung dahil sa napaka sensitibo kong sikmura ay nagkakagulo kaagad ang tyan ko kapag may kinakain ako na labas sa madalas kong kinakain.
Pinunasan ko na ng tissue ang aking bibig at tsaka nagtungo na sa may lababo , naghilamos muna ako at tsaka nagmumog. Nang matapos ako doon ay napatingin ako sa may salamin at nakita ko si Francese na nakatingin sa akin at tila bay madami itong nais sabihin sa akin.
"You know that you can't eat that food pero pinilit mo pa din? Ano bang pumapasok sa isipan mo at kahit na mahihirapan ka ay pinilit mo pa din?" Mahabang tanong nito sa akin , pinunasan ko nalang ulit ang aking bibigan saka sinagot ang katanungan niya.
"I just want to try it.." mahinang sagot ko dito na siyang dahilan upang mapataas ang kilay niya.
"Try what? Gusto mo bang ma food poison na naman ah? That cheap food would make you hospitalized again Maxine. Dapat natuto kana sa karanasan mo dati" medyo madiing dagdag niya pa sa akin , hindi ko alam kung concern ba siya o nagagalit dahil kasama ko si Jaydee.
"I can handle myself Francese. No need to worry and besides that food is delicious." Sagot ko naman dito na dahilan upang mapabuntong hininga siya bago muling magsalita.
"Do you like him that much?" Nabigla naman ako sa itinanong niya sa akin. Maging ang bibig ko ay hindi ko na maisara gayung kahit ako ay naguguluhan na din sa ngayon.
I thought noong una ay attracted lang ako sa kanya that's why hinahanap hanap ko siya sa baryo nila ngunit nitong nakakasama ko siya mukhang mas nako confirm ko sa sarili ko na hindi lang ito basta bastang paghanga , mukhang tuluyang nagugustuhan ko na siya.
"What kind of question is that francese? Are you insane why would I..." Hindi naman natapos ang sinasabi ko nang biglaang bumungad sa pintuan ng banyo si jaydee at kita sa mata nito ang pagkadismaya.
Mukhang narinig niya ang sinabi ko.
"That's what I wanted to hear , Thank you for being honest" turan ni Francese saka naglakad na palabas ng restroom.
"Oum okay ka lang Maxine? Mukhang tama nga ang rinig ko at hindi ka talaga kumakain ng mga pagkaing nasa gilid gilid lang" sambit nito saka inaantay lamang ang aking kasagutan.
"I'm sorry dahil mukhang nanghina ka dahil sa akin. Dapat tinanggihan mo nalang ang offer ko sayo kanina." Malungkot na katwiran niya pa.
"No need to be sorry Jaydee , it was my fault. I'm sorry for not being honest. I would lie if I say na hindi masarap ang kinain natin kanina and thankful ako dahil first time na may nag aya sa akin na kumain at tsaka nilibre pa ako." Nakangiting saad ko dito at napatango na lamang siya sa akin.
"Ito nga pala tubig. Inumin mo yan at pati itong gamot para kumalma ang sikmura mo. Mauna na ako at magsisimula na ang klase ko" pagpapaalam niya tsaka umalis na kaagad , mukhang I offended him sa sagot ko kanina.
I was just cornered sa katanungan ni Francese at hindi ko namalayan na nasa labas na pala si Jaydee that time. I don't know kung coincidence lang o baka sinadya ni Francese na itanong iyun sa akin.
Gosh it's freakin insane , maybe I should go na din sa classroom gayung magsisimula na din yung klase ko.
Kindly Vote and Follow , Thank you!
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee