14 ( SUPPLIES )

82 16 1
                                    

Jaydee's Pov

Linggo ngayon kung kaya'y naisipan ko na magpunta muna sa simbahan upang magpasalamat sa mga natanggap kong biyaya nitong mga nakalipas na araw.

Kasama ko si Klarylle na nakasuot ng maong na pantalon at mabulaklaking damit na off shoulder na bumagay sa kanya gayung maputi siya , matangkad at magandang bata.

Si Tiyo naman ay nais sanang sumama kaso lang ay ipinatawag siya sa kanyang pinagtatrabahuhan , Si Tiya naman ay sinamahan si Cole na kuhanin ang record nito sa dating school namin at tsaka bilhan na din siya ng mga gamit para sa unang araw ng pasukan bukas.

"Kuya Jaydee? Sabi daw ni Tatay ay puntahan daw natin siya sa kanyang pinagtatrabahuhan pagkatapos nito" bulong sa akin ni Karylle habang nagmi misa yung pari sa harap.

Bahagyang napatango naman ako sa kanya at tsaka itinuon muli ang aking atensyon sa may unahan. Madami dami ang tao dito sa baclaran ngunit pinalad kami na makaupo na malapit sa unahan kung saan mas tanaw at rinig naman ang sinasabi ng pari.

Tungkol nga iyun sa identidad na meron ang isang tao. Dapat maging mapagmasid tayo sa mga kaya at gusto nating gawin sa buhay , sa madaling salita dapat may plano at may nais tayong patunguhan sa hinaharap.

Habang nakikinig muli sa sinasabi nung nasa harapan ay isang matanda naman ang nakakuha ng aking atensyon , may hawak siyang saklay at nakatayo lamang siya sa gilid ng simbahan kung kaya'y naisipan ko na lamang na tumayo at tsaka tawagin ito upang maupo sa aking kinauupuan.

"Nay maupo na po kayo rito nang sa ganun ay hindi po kayo mahirapan" wika ko sa kanya at napangiti naman ito nang malawak.

Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo na siya sa kinauupuan ko.

"Maraming salamat iho. Pagpalain ka pa lalo ng panginoon" tugon niya sa akin at iniayos ko naman ang saklay niya upang hindi humarang sa harapan niya.

Buong misa ay nakatayo na lamang ako at tsaka itinuon nang mabuti ang sinasabing leksyon ng pari na dapat naming pakantandaan.

Nang matapos na ang misa ay nagpasalamat muli sa akin si Lola at tsaka umalis na sa simbahan , ako naman at si klarylle ay patungo na sa kalye trese kung saan nagtatrabaho si Tiyo Berting.

Maingat kami sa mga gamit namin gayung madaming modus operandi at mga snatcher dito , bale kung hindi ka maingat ay baka umuwi ka na lamang na hindi kasama ang mga gamit na dala dala mo nung umalis ka ng inyong tahanan.

Madami namang nagkalat na kapulisan ngunit mas matalino ang mga magnanakaw ngayon , Gamay na nila ang mga lugar na dapat lusutan at yung mismong kinaroroonan ng pulis na nagbabantay.

"Ang lalim ng iniisip mo kuya jaydee? Okay ka lang ba ah?" Tapik naman sa akin ni Klarylle na nagpabalik ng wisyo ko.

"A-ah oo naman , ayos lang ako klarylle. Wag kang mag alala!" Paninigurado ko sa kanya saka itinuon muli ang mata ko sa dinaraanan naming lubak lubak ngayon.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon