21 ( MASK MAN )

83 14 1
                                    

Jaydee's Pov

Natapos na ang panghuling klase namin kung kaya'y nag aayos na ako ng gamit ko , nagpaalam na din sa akin si Angela gayung may urgent daw siyang pupuntahan kaya mukhang mag isa akong uuwi ngayon.

Nasabi niya din kasi na one of this days daw ay nais niyang sumabay sa akin para mag commute , lagi nalang daw kasi siyang nagdadrive at napapagod na din siya.

Habang nag aayos ay nakita kong lumabas na yung mga lalaking kaklase namin maging yung sobrang tahimik naming kaklase na mukhang lalaki ngunit babae pala na si Gabrielle , napansin ko na ni isa sa amin ay wala talaga siyang kinibo. Mukhang mas gusto niyang mapag isa kesa kilalanin kaming mga kaklase niya.

"Queen? Mauna na ako ah , nag aantay na kasi si Coleen sa labas. Ingat ka sa pag uwi ah , ses you tomorrow!" Pagpapaalam ni Amanda kay Francese na ngayon ay nakatayo na ngunit hindi pa din lumalabas sa silid.

Maging si Maxine ay nandito din kasama si Sela , mukhang nag aantayan silang dalawa gayung nalaman ko na magpinsan pala silang dalawa.

"Max wala ka pa bang balak umuwi? Mauna na din kami ni Chiquita ah? Dadaan pa kasi kami sa shop ko , ililibot ko muna siya doon" rinig kong wika ni Sela saka napatango na lamang at napakaway sa kanya si Maxine.

Medyo nakaramdam tuloy ako ng kaunting kaba gayung tatlo na lamang kami ang narito sa silid kaya nagmadali na akong isukbit ang bag ko saka dali daling naglakad  palabas ngunit napahinto ako nang biglang tawagin nila ang aking pangalan.

"Jaydee.." sabay nilang wika na mas lalong ikinakabog ng dibdib ko gayung sino ba naman ang hindi kakabahan sa lagay na ito. Ang dalawang prinsesa ng pamilyang Pinlac na isa sa pinaka mayaman sa lungsod namin ay tinawag ang musmusing lalaking tulad ko.

Lumingon na lamang ako ng paunti tsaka tinignan silang dalawa na nagtataka din kung bakit sabay silang tinawag ako.

"Kilala mo din siya Francese? Paano mo siya nakilala?" Nauna nang tanong ni Maxine dito , napalunok naman ako ng iilan nang mapatingin sa akin si Francese. Hindi ako magsisinungaling sa parteng hindi ko kayang tumagal na pagmasdan din siya gayung napakaganda niyang dilag at sing puti niya ang papel.

"Nope , I didn't" mabilis na sagot niya na lamang saka kinuha ang bag at umalis na ng silid na ikinapagtaka ko din maging si Maxine.

"Oum ano nga pala yun maxine? I mean bakit mo ako tinawag?" Magalang na tanong ko dito , napalihis naman kaagad ang kanyang mata nang magtagpo ang bawat mata namin.

At tila bay biglaang nahiya siya sa akin gayung kinuha niya ang kanyang bag saka naglakad patungong pintuan at huminto.

"I just want to ask if uuwi kana? Nais ko sanang ayain ka na sumabay sa akin ,  pauwi na din naman ako at madadaanan ko ang baryo niyo" nakatalikod na turan nito , napangiti na lamang ako ng paunti dahil sa sinabi niya.

At naiisip ko talaga na tanggihan iyun kasi nga baka makasagabal pa ako sa kanya ngunit ngayong mag gagabi na ay mukhang wala na din akong choice pa kundi ang tanggapin ang alok niya sa akin gayung nagmamagandang loob lang naman siya.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon