49 ( TORTURE )

59 6 0
                                    

Duke's Pov

Break time namin ngayon at kasalakuyang nakaupo lang kami dito sa cafeteria habang inaantay ang pagdating ng pagkain namin , napabuntong hininga na lamang ako gayung sobrang ingay talaga lagi dito. Kung sana naayos lang ang plano at naganap ang binalak namin nila Matthew edi sana nakakamit ko ang magandang trato at ang mga high tech na equipment sa Golden Section.

Napatigil naman ako sa pag iisip nang marinig ko ang mumunting usapan ng mga kaibigan ko na nasa gilidan ko lamang.

"Something is fishy talaga sa lalaking iyan? Hmm his stuffs is not that expensive but look at him , treating his friends into snacks and meals. How come that he is a rich brat? Mukhang nagpapanggap lang siya."  Mahabang sambit ni Vanessa habang hawak hawak ang icecream na halos matunaw na dahil mas inuuna niya ang pagdada kesa kumain. Makikita din ang makapal na make up nito at ang mukhang espasol niyang mukha gayung nasobrahan sa pulbo o cream na sinamahan niya pa nang mapulang lipstick.

"Nako vanessa , hindi bat parang nagtutunog kang bitter dyan? Kung naiinggit ka sa kanya baka sakaling ilibre mo nalang din kami ng alak sa bar niyo" pagbibiro naman ni Trevor na ikinairap na lamang ni vanessa.

"Tsk ako maiingit dyan? Ako pa talaga trevor ah , baka gusto mong pati bote ng alak ay ipalunok ko sayo" madiing wika nito habang si Trevor ay tumatawa lamang dahil sa pang aasar nito sa kanyang pinsan na kasalukuyang naiinis na at namumula sa galit.

"Nako vanessa hindi naman lahat ng mayaman ay kailangan nakapanamit ng mamahalin o may dalang gamit na pang yayaminin , kung nagpapanggap man siya ay tiyak na mauubusan siya ng pera sa ginagawa niya. Si duke nga na sobrang yaman nalibre niya ng pagkain na mahigit kumulang na dalawang libo" dagdag naman ni Princess sa usapan na siyang inagreehan naman ng lahat gayung tumatango tango sila.

"Oo nga babe no? Imaginin mo yun? Nakatanggap pa kami ng libre sa kanya nung nakaraan. Si Duke na isang anak ng haciendero nakatanggap ng burger sa subway at isa pa wala na tayo dun kung titiba tiba man siya , ang mahalaga ay makinabang tayo sa kanya." natutuwang pagkukuwento ni Vince na ikinawalang bahala ko na lamang. Kung hindi lang ako gipit ngayon ay baka hindi ko din naman tinanggap ang offer ng lalaking iyun.

Kasalanan tong lahat ni Francese eh , napaka epal talaga ng babaeng yun. Lagi na lang siya ang bida sa bahay. Kaya hanggang ngayon yung allowance ko dinaig pa ng mga taong naghahanap buhay sa gilid gilid.

Ni hindi man lang ako mabubusog ng kakarampot na perang laman ng wallet ko. Ni isang cards na meron ako ay hindi naaaccess. At tanging si Mom lang ang palihim na nagbibigay ng pera sa akin na hindi naman kakasya ngunit kailangan kong pagtiisan gayung kapag nalaman ni Dad na nagbibigay din sa akin si Mom ay baka mas madagdagan ang galit niya at madamay pa si Mom.

"Eh paano ba naman hindi magiging tiba tiba yan gayung base sa nasagap kong balita ay anak siya ng CEO ng Panasiatic Corpotel Incorporation. Pumapangalawa yun sa pinakamayamang Corporation" dagdag pa ni Hannah na dahilan upang mapakunot ang noohan ko gayung kilala ko ang may ari ng Panasiatic at ka sosyo pa yun ni Dad sa negosyo.

"Ano? Panasiatic ba kamo?" Tanong ko dito gayung hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"Oo , Panasiatic" pag ulit niya sa akin.

"Saan mo naman nasagap yan? Mukhang na fake news ka Hannah gayung kilala ko at bestfriend ko ang nag iisang anak ng CEO ng Panasiatic?" pagsingit ko sa usapan na siyang dahilan upang manlaki ang mga mata nilang lahat.

"Oh diba sinasabi ko na eh!" wika namang muli ni vanessa habang nakatingin pa din sa kinaroroonan nila Cole.

"Aba aba mukhang kahina hinala nga yan boss ah? Baka naman mali yang nasagap mo Hannah. Minsan pa naman sa chismis iba ang kumakalat kapag sa iba't ibang tao na dumaloy yung impormasyon" napakunot naman ang noohan ni Trixie dahil doon at tsaka umiling iling pa na tila bay sigurado siya sa kanyang narinig.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon