Jaydee's Pov
"Are you sure about that jaydee?" tilay naniniguradong saad nila sa akin.
Nakatingin lang ako sa kawalan na para bang nawawalan ng pag asa.
"I'm not a spy , you all are not a spy? Then who's the spy? We need to trust each other. We should vote the game makers as the spy." seryosong litanya ko sa kanila.
"Then if that's the case , I'll trust you with this" gumaan naman ang nararamdaman ko nang isa isa silang napatango sa akin na bilang senyales na pinagkakatiwalaan nila ako sa task na ito.
"There's no spy with us" sabay sabay naming sigaw.
"The Golden task has officially ended" aniya ng tunog na nanggagaling sa speaker.
Napatingin naman ako sa paligid at napatakbo na lamang sa may pintuan ng cell room nang magbukas iyun. Sabay na naming sinuyod ang lugar at ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga bakas ng dugo na nasa sahig.
Maging ang mga kagamitan na narito ay sira at nagulo na.
Habang patuloy sa paghahanap ay natanaw na namin sila Xinn sa may duluhan. Napakaripas na ako ng takbo at dali daling nagpunta sa kinaroroonan nila.
"Please stop , will you? Our task has ended" isang malakas na sampal ang nakuha ni Xinn galing kay Maxine.
Napangisi lang naman ito na para bang wala sa sarili. At tsaka nagdire diretso lang patungo kay Justin na kasalukuyang naliligo na din sa sariling dugo. Buong katawan niya ay may sugat dahil sa walang awang paghampas sa kanya ni Xinn ng Golf bat.
"Damn you! Ako ang labanan mo asshole!" sigaw naman ni Wayne , napintig naman ang tenga ni Xinn na dahilan upang magtungo ito sa kinaroroonan ng binata.
"You better shut you damn mouth!" hinawakan nito ang buhok ni wayne at tsaka inumpog ang mukha nito sa sahig na dahilan upang dumugo iyun.
Nagtuloy tuloy lang ang kanyang ginagawa hanggang sa mapaluhod siya gayung sinipa siya ni Maxine at nileegan naman siya ni Frances na marami ding mga pasa sa ngayon.
Napadako naman ang tingin ko kay Chino at dali dali itong pinuntahan. Si Sela naman ay nagtungo sa kinaroroonan ni Justin sa may sulok. Napaluhod ako at inalam ang pulso ni chino gayung nakikita ko ang paghina ng kanyang paghinga.
"Kailangan natin madala sa hospital si chino" sigaw ko , dali dali namang nagpunta sila Angela at Amanda upang tulungan akong maalalayan si Chino palabas.
Isang lagapak naman sa sahig ang narinig namin at nakita kong nakahiga na si frances doon at dumadaing sa lakas ng impact ng pagbagsak niya dahil kay Xinn.
Nakita ko din ang sunod sunod na pag atake ni maxine na iniiwasan lang ni Xinn. Marahil ay ayaw niyang saktan ang dalaga kagaya ng kanyang ginawa kay frances.
Napatakbo ito sa kinaroroonan ni Justin hawak hawak ang golf bat na basang basa pa ng dugo nito. Napabitaw naman ako sa pagkakaalalay ko kay Chino at dali dali akong napatakbo sa kinaroroonan ni Justin at hinarangan ito sa posible niyang gawin.
"Tama na Xinn!" wika ko na dahilan upang mapahalakhak na lamang siya.
"Oh you want to be a hero again Garcia? I guess it will be better if I kill you than justin" nakangising saad nito , hindi naman ako nagpatinag sa kanya gayung nakaharang pa din ako sa harap nila Justin at Sela.
"Trust me? Matagal ko nang ginustong mamatay." matapang na tugon ko sa kanya.
Mahigpit na hinawakan niya ang Golf bat kasabay nun ay ang malakas na paghampas na hinihintay kong dumapo sa akin nang biglaang matumba ako gayung may tumulak sa akin.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee