20 ( THE BULLIES )

110 15 0
                                    

Cole's Pov

Unang araw ng eskwela namin at sobrang init na init talaga ako sa classroom namin , dinaig pa ang disyerto sa sobrang init dito. May electric fan naman ngunit yung iba ay sinosolo ito. Hindi naman ako makapagreklamo gayung mga anak mayaman ito at rinig ko na mga bigating bullies ito na galing sa mga magagandang paaralan noong senior high school pa lamang sila.

"Cole grabe talaga yung init dito. Mukhang nagkamali tayo na mag enroll dito ah? Sana pala sa Pamantasan nalang tayo nagtiis , doon may aircon pa kahit papaano" wika naman ng kaibigan ko , nasaktuhan kasi na magkaklase kaming dalawa.

"Mari mas di hamak naman na maganda ang paaralan na ito kumpara doon. May kinabukasan na nag aabang sa atin kapag nakatapos tayo ng pag aaral dito. Pagbutihin nalang natin sa susunod na examination nang sa ganun ay umangat ang section natin" mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya , napabuntong hininga naman siyang napatango sa akin.

Kinuha ko na lamang ang aking libro nang sa ganun ay makapaglibang ako kahit papaano , nakapag introduce na kasi yung mga professors namin at kasalukuyang vacant time na namin.

3pm pa ang next class kung kaya'y tumambay na lamang kami sa classroom at yung iba naman ay nasa labas at nagpapahanginIsang ingay naman ay nakakuha ng aking atensyon gayung nagkakalampugan na sa may likuran banda dahil sa mga bullies.

"Ano? Hindi ka talaga susunod ah? Baka gusto mong pilayan ka namin! Mamili ka? Magiging aso ka namin o magiging pilay ka pag uwi?" Galit na wika ng isang lalaki habang sinasabunutan ang isang lalaki na nakasalamin at nakaluhod sa harap nila.

Natatandaan ko na ang pangalan ng lalaking yun ay Tibby Miguel Suarez , gaya ko ay mukhang hindi siya galing sa mayamang pamilya. Tapos napagtripan pa siya ngayon ng mga buliies.

Tinitignan ko naman ang mga kasunod na gagawin nila , bale yung nakaupo at mukhang master ng mga bullies ay nagngangalang Xavier Duke Pinlac , Unico Iho ng mga Pinlac na kilalang kilala sa pagiging mayaman na pamilya.

"Ano hindi ka sasagot ah? Ang sabi ko kanina gumulong ka sa sahig , hindi mo ba ako naririnig ah! Hindi kana nga makakita tapos bingi ka pang matabang baboy ka!" Pang iinsulto ni Trevor dito habang nakangisi naman yung isa nilang kasama na si Renz na may hawak pang bottled juice.

"Wala naman po akong ginagawa sa inyo , bakit niyo ako ginaganito?" Mangiyak ngiyak na saad ni Tibby na dahilan upang mapahagalpak ng tawa ang mga ito.

"Bakit ka namin ginaganito? Kasi nga nakakairita yang pagmumukha mo! Hindi ka pa marunong sumunod sa amin , gumulong kana!" Pagmando pa ni Renz ngunit nagpumiglas naman si Tibby para mabitawan ni Trevor yung pagkakahawak sa buhok niya na successful niya namang nagawa.

Ngunit noong akmang tatakbo na ito palayo ay pinatid ito ni Duke na sanhi upang bumagsak sa sahig si Tibby na nagdurugo ang bandang ilonganTumayo naman si Duke at saktong dumating ang professor namin na kaagad kong tinignan para man lang matulungan nito si Tibby sa ginagawa nung tatlo sa likuran.

"Okay class , tumingin na kayong lahat sa pisara at magsisimula na ako ng klase ngayong hapon" wika nito na ikinakunot ng noohan ko gayung dinidedma niya lamang ang nagaganap sa likuran.

Isang malakas na tunog naman ang muling nakakuha ng atensyon namin gayung hawak na ni Duke sa may kwelyuhan si Tibby at ibinabangga nito sa may bandang locker na dahilan upang maglikha ng malakas na tunog.

"Hindi po ba kayo tutulong Sir? Binubugbog na nila si Tibby kanina pa , hindi niyo ba sila aawatin?" Tanong ng isa naming kaklase sa professor namin na walang emosyon , naliligo na sa dugo si Tibby dahil sa ginagawa nung tatlo ngunit siya na professor namin ay parang walang pakialam.

"Mr. Suarez? May nagaganap ba na bullying dyan? Lakasan mo ang iyong tinig ginoo" tanong nito kay Tibby na kasalukuyang pinagsasampal pa nung mga lalaki.

"W-wala po , nagba bonding lang po kaming magkakaibigan" hinang hina na saad nito at tinitignan pa siya nung mga lalaki habang nagsasalita siya.

"Mukha ba silang nagba bonding?! Bulag hu ba kayo Sir?!" Tumayo na si Paul dahil sa inis nito , maging ako ay inis na inis na din sa mga sinasagot ng bobong professor namin.

Hindi niya ba alam kung paano gumawa ng aksyon sa nangyayari ngayon? Hindi porket mayaman at heridero ang mga lalaking yan ay hahayaan niya na lamang na gawin nila ang nais nila sa isang estudyante na wala namang ginawa sa kanila.

"Mind your own business Mr. Castillo. Maupo ka na sa iyong upuan ngayon din!" May diing sambit nito na ikinagulat ng lahat. Wala naman nang nagawa si Paul kundi ang maupo kahit na namumula na siya sa sobrang galit.

"Mr. Pinlac , ituloy mo na lamang ang ginagawa niyong bonding sa labas dahil magsisimula na ang klase ko" saad nito na mas lalong ikinakunot ng noohan ko at ikinanlaki ng aking mata gayung hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.

"Okay! Roger that Sir! Tara na tibby , gugulong ka pa sa hagdan." Pagsalute pa nito habang tuwang tuwa na kinakaladkad si Tibby palabas ng classroom kasama ang kanyang mga kaibigan na mala demonyo ang ugali.

"Okay so let's proceed sa discussion ko kaya makinig kayong mabuti" dagdag niya pa saka nagsulat na sa pisara , grabe napakadaya ng mundo sa mga katulad ni Tibby , hindi niya deserved na makaranas ng ganun dahil lang sa anyong meron siya.

Nais ko mang tumulong o maging ang mga kaklase namin ay takot naman ang nananaig sa amin gayung baka sa amin mangyari ang nararanasan nito sa ngayon.

Talagang kapag may kapit ka o mayaman ka ay hawak mo ang batas sa iyong palad , kawawa ang mga katulad namin kung sakali gayung kahit kami ang naagrabyado ay dehado pa din kami sa mata ng batas.

Sinubukan ko na lamang magpokus sa sinasabi sa harap ngunit ginagambala padin ako ng aking isipan gayung hindi ako makapagpokus sa pag aalala na baka may nangyari nang hindi maganda kay Tibby.

"Cole? Ano sa tingin mo ang ginagawa nila kay tibby" nag aalalang bulong naman sa akin ni mari. Napakibit balikat na lamang ako gayung maging ako ay hindi alam ang nasa utak ng mga lalaking iyun.

Sana lamang ay buhayin pa nila kahit papaano si Tibby , dahil sa mga aksyon na ginagawa nila ay mapag aalaman ko na kaya din nilang pumatay ng tao kung gugustuhin nila.

"Hindi ko din alam mari pero sana lang ay hindi ganun kalala ang gawin sa kanya ng mga yun" tugon ko sa kanya saka nagsulat na lamang upang hindi ko masyadong maisip ang mga bagay na iyun.

Ang hirap maging mahirap gayung walang makakapitan sa oras ng kagipitan.





Kindly vote and follow , Thank you!

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon