Wayne's Pov
Bago pa man namin maisuot ang electric bracelet ay napatakbo na si Chino habang dala dala ang isang baseball bat na kasalukuyang minamataan naman ni Xinn na parang baliw na ngumingisi sa gilid. Mukhang masama ang binabalak nito at hindi ko din alam ano ang gagawin ko.
Batay sa sinabing rules ay hindi pwedeng hindi namin galawin si Chino gayung kapalit nun ay ang kuryenteng manggagaling sa suot naming bracelet.
"Hide well Chino! Kahit anong gawin mo ay natitiyak kong makakalabas ka nang naayon sa larong ito" pagbabanta naman ni Xinn saka mabilis na tumakbo upang habulin si Chino.
Napatingin naman ako kay justin at maging siya ay hindi handa sa punishment na kakaharapin ni Chino at maging kami.
"Anong gagawin natin bro?" walang muwang na tanong ko gayung gulong gulo na ang aking isipan.
"We should do kung ano man ang rules ng larong ito" nakikita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan habang kumukuha ng kagamitan dito sa cell room. Bago pa man siya tuluyang makaalis ay nakita ko namang may dala dala siyang lubid na ikinapagtaka ko.
Dali dali ko naman siyang sinundan at nakita naming magkaharap na si Chino at Xinn. Kitang kita ko din kung paanong nanginginig ang mga kamay ni Chino habang nakahawak nang mabuti sa baseball bat at pinipilit na labanan si Xinn.
"Do you think that you could beat me with that? What a childish man you are!" pagmamayabang pa nito tsaka mabilis na sinugod si Chino na binigyan siya nang malakas na palo ngunit nailagan niya iyun. He is really good in terms of fighting.
Sunod sunod na suntok ang ibinigay nito kay Chino na dahilan upang magkalat ang dugo nito sa may sahig. Nangingilid ang luha na napaluhod ako nang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan na siyang ikinapanghina ko maging ni Justin.
" I hate your damn face , you're so full of yourself!' muling wika niya pa, nang mawala ang kuryenteng dumadaloy sa katawan namin ay napatayo naman ako saka akmang susugurin na si Xinn nang biglaang matumba ako dahil sa pagkakasipa ni justin na labis kong ikinagulat. Mabilis niya akong tinalian sa paa at maging sa kamay gayung nakatalikod ako sa kanya.
"I'm sorry bro , I need to do this" pagpapaumanhin niya na labis kong ikinagalit. Ano ang gagawin niya at bakit niya naisipang itali ako.
"Justin let me go!" sigaw ko rito ngunit kaagad niya namang sinipa si Xinn na dahilan upang maalis ito sa pagkakadagan kay Chino na ngayon ay naghihingalong gumagapang na sa sahig. Mabilis naman siyang itinayo nito at tsaka inilapit iyun sa kinaroroonan ko nang biglaang kinuha ni Xinn ang baseball bat at hinampas niya sa may bandang likuran si Justin na dahilan upang matumba ito.
Naisin ko mang tumulong ay hindi ko magawa gayung napakahigpit nang pagkakatali sa akin ni Justin.
"You know what Justin? Lagi ka nalang umeepal sa mga ginagawa ko." paunang wika nito at nagpupunas ng kanyang labi na kanina pa nagdurugo dahil sa naunang kaguluhan kanina.
"Sorry chino" litanya niya bago sinipa si chino nang mahina para magreset ang electric bracelet. Doon ko napag alaman na hindi kailangang mauwi sa sakitan kung pwede namang dahan dahanin ang pagsagawa ng punishment.
Nang makatayo siya ay nakangiti niya kaming hinarap saka kinuha ang golf bat na nasa sahig.
"Let's both end this Xinn. One of us should die today para matapos na ang lahat." hamon niya na dahilan upang manlamig ako maging si Chino na naniningkit na ang mata dahil sa pagkakabugbog sa kanya ni Xinn.
Napangisi naman si Xinn na tila bay sang ayon siya sa nais mangyaro ni Justin.
Jaydee's Pov
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee