05 ( THE CHEATERS )

103 15 0
                                    

Duke's Pov

@Matthew's House

"Sigurado ka ba dito Matthew? Hindi bat parang delikado naman iyang balak mo?" Wika ni trevor dito at sang ayon ako roon gayung mapanganib nga naman ang nais nitong gawin.

"Kaya nga bro! At hindi tayo basta basta makakapasok sa University na yun gayung madaming nakapalibot na guards. Umaga man o gabi" dagdag pa ni Trevor sa nauna niyang sinabi , nakikinig lang naman ako nang masinsinan sa kanilang tatlo.

"Kaya nga bubuo tayo ng plano eh nang sa ganun ay mapaghandaan natin" rebat naman ni Matthew at tsaka ipinakita pa sa amin yung mga papasukan namin.

Nakakapagtaka lang kung bakit siya nakakuha kaagad ng mapa about sa bawat sulok ng university.

"Bro! Napakalaking risk niyan. I'm still doubting na magwowork yan kahit na may mapa kang dala" aniya naman ni Renz na nakisali na sa usapan nung dalawa.

"Ano aatras kayo? Akala ko ba ay nais niyong mapasama sa Golden Section gayung ayun din ang nais ng mga parents niyo kagaya nung akin" tugon niya pabalik , aminado ako na nais kong makapasok sa Golden Section gayung napipressure ako sa mga taong nasa paligid ko ngunit malala naman na na magnakaw kami ng Answer key sa Dean's office nang sa ganun ay pumasa kami sa pagsusulit.

"Masyadong delikado ang nais mo Matthew. Paano na lamang kung mahuli tayo? Edi mas lalala ang galit ng mga magulang natin gayung pangalan na naman nila ang madadawit"  nag aalalang sambit ni Renz gayung mahalaga para sa mga magulang namin ang magandang reputasyon. Lalo na sa angkan namin gayung ako lamang ang tanging pasaway sa amin kung kaya'y lagi akong napupuna sa mga maaari kong gawin na hindi maganda.

"Yeah tama si Renz at tsaka hindi basta bastang ilalagay yung mga answer key sa office nang walang bantay. Gayung alam naman nila mismo na may gagawa ng ganitong cheating"  dagdag ni Trevor rito , napatingin naman sa akin si Matthew na tila bay naghahanap ng sasang ayon sa mga plano niya.

"Sorry bro! Pero I can't mess up , gayung malaki ang chance na mahuli tayo" saad ko na ikinadismaya niya naman kung kaya'y napalagok na lamang siya ng alak at tsaka nagsalita.

"Ang hihina niyo naman. Kung ayaw niyo akong samahan edi wag! Ako ang gagawa nun nang mag isa kahit wala ang tulong niyo!" Galit na saad niya tsaka tumayo sa kanyang pagkakaupo , napailing naman ako gayung susundan sana nila Trevor at Renz ito.

"No one else knows this kind of plan. Nakukuha niyo bang dalawa?!" Seryosong litanya ko sa kanila , if he wanted to do it. Then wala kaming magagawa kundi ang magmalinis and let him take all the blame.

"Roger that!" Sabay nilang sambit saka ipinagpatuloy na lamang namin ang pag inom kahit na umalis si Matthew.







THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon