42 ( THREAT )

96 11 0
                                    

Francese Pov

Today is the day kung saan maghahanap kami ng impormasyon para sa Golden Task namin , naalala ko pa na ang nakalagay sa may task card na ibinigay sa amin ay isang puzzle card and it consist of 15 missing cards na kailangan naming hanapin sa mismong building na kinatatayuan namin.

Kasalukuyang kakapasok lang ng sasakyan ko sa may parking lot dito sa basement 3 , dito ako palaging nagpapark gayung wala masyadong pumaparada dito. Maliwanag din ang lugar na mas lalo kong ikinakasaya , I'm not afraid of dark kung ganyan ang tingin niyo. I just want light to lift me up on my darkest nights.

Napabuntong hininga na lamang ako na kinuha ang chocolate milk na binili ko sa Foreign Cafe na nadaanan ko kanina saka bumaba na sa may sasakyan ko. Sinigurado ko na muna na naka lock iyun at tsaka naglakad na , habang nagmumuni ako ay natanaw ko naman sa malayuan ang sasakyan ng aking pinsan na si Maxine.

Akmang papasok na din ako sa loob nang mapahinto ako gayung nakita ko na may kasama ito at walang iba kundi si Jaydee. Napatago na lamang ako sa may gilidan nang lumabas silang dalawa , He looks pale kahit nasa malayuan siya at alam ko din na mukhang nanghihina siya. I wonder kung anong nangyari.

Tinanaw ko lang sila na nag uusap nang masinsinan sa ngayon medyo nagulat lang ako nang biglaang yakapin ni Jaydee si Maxine at kitang kita ko pa sa dalawang mga mata nito na masaya siya. Maging si Maxine ay nagulat dahil nakita ko iyun sa mukha niya ngunit mabilis itong napalitan ng matamis na ngiti na ibinahagi niya kay Jaydee.

Napahawak na lamang ako sa may bandang dibdiban ko gayung nakakaramdam ako ng kakaibang damdamin na hindi ko naman dapat maramdaman sa ngayon.

"Am I jealous? Damn it!" Mahinang bulong ko sa aking sarili saka nilisan na ang lugar na iyun. Ack nakakainis ka jaydee , how dare you hug her so tightly.

Mabilis ang lakad ko at hindi ko na iniisip pa kung sino ang mababangga ko habang papasok ng eskwelahan namin. Napahinto naman ako sa paglalakad nang biglaang may humarang sa dinadaanan ko na dahilan upang mapataas ako ng dalawang kilay.

"Oh chill therese , ako lang to! Long time no see bitch. You look great ah? Habang yung mga binully mo dati ay patuloy na nagsa suffer sa ginawa mo!" Wika nito sa akin saka itinaas pa ang kanyang kamay habang nakangiti nang peke sa akin.

"Stop trying to messed up with me , wala kang panama sa akin Dana! If you want to live and study here peacefully , tigil tigilan mo ako! Wala akong panahon sa mga joke time at mga sinasabi mong wala namang katotohanan" Pagbabanta ko rito na siyang ikinatawa niya na lamang biglaan. Para siyang baliw sa paraan ng kanyang pagtawa ngayon , mabilis naman nagbago ang ekspresyon niya na para bang may puot na nadarama sa kaloob looban.

"You can run but you can't hide the fact na nakapatay ka Therese. You didn't even blink an eye nung nakita mong nag aagaw buhay ang sarili mong kaibigan na binully for what reason? For you to be the first in class? Have some shame therese."  Madiing saad niya sa akin na dahilan upang mapakuyom ang aking kamao dahil sa inis , she's so consistent.

Kahit saang school ay nagagawa niya akong harasin without even knowing na kaya ko din gawin sa kanya ang lahat ng nais ko ngunit hindi ko ginawa gayung I'm just wasting my time kung ibibigay ko ang atensyon na nais niyang makamtan sa akin.

"Ako pumatay? Nagpapatawa kaba Dana. I'm still innocent unless you can prove it na may ginawa akong masama na dahilan upang bawian ng buhay si Kim" pagbalik ko ng salita sa kanya na ikinailing niya na lamang saka napapangiting may binunot sa kanyang bulsahan na hindi ko malaman kung ano.

"And to correct your allegations , She cheated that's why she became first in the class. Cheating is worst than bullying Dana , ganyan ang hindi mo naipaliwanag ng maayos sa kapatid mo" dagdag ko pa sa nauna kong sinabi sa kanya , maybe I'm just a way para ma spill out ang nangyaring pandadaya ni Kim sa class na dahilan upang ma bully siya sa La Salle na dahilan upang mag suicide siya sa mismong building namin at saksi ako sa kaganapang iyun.

I don't give a care kung nag suicide siya dahil sa pambubully namin sa kanya , She did some dirty stuffs kung kaya'y she deserves it.

"You keep on telling lies Francese! Ano kayang mangyayari sa kanya dahil sa patuloy mong pagsisinungaling , I know what you did but because of your Dad nakawala ka bitag na ikaw mismo ang may gawa!" Galit na turan niya sa akin saka dinuro duro pa ang bandang itaas ng dibdiban ko , hinawi ko naman siya kaagad na dahilan upang mapalayo siya nang kaunting distansya sa akin.

"Imbes na pag aksayahan mo ako ng panahon ay mabuti pang ituon mo na lamang ang sarili mo sa paghahanap ng totoong culprit sa pagkamatay ng kapatid mo Dana gayung wala kang mapapala sa akin" medyo may inis na katwiran ko sa kanya at akmang aalis na nang biglaang hilahin niya ako at may ipinakita sa aking litrato.

"I'ved been watching you all this time , Oum mukhang tama ka nga Francese. If you can't reveal the real culprit nor you can't be honest then maybe I'll need to become a culprit nang sa ganun ay maranasan mo din ang sakit na nadarama ko dahil sa pagkawala ng kapatid ko" bulong niya pa sa akin habang ipinapakita ang litrato naming dalawa ni Jaydee sa may 7/11 maging sa sasakyan noong nakaraang araw na umuulan at magkasama kaming umuwi na dalawa.

"Don't you even dare to touch him , gayung magkakaalaman tayo Dana! Huwag na huwag kang mandadamay ng ibang tao" pagbabanta ko sa kanya na dahilan ng kanyang pagtawang muli sa akin nang napakalakas , hinding hindi ko hahayaan na galawin o may gawin siya kay Jaydee gayung it will be the end of her kapag nangyari yun.

"Chill wala pa akong ginagawa ngunit halatang nakaramdam kana ng takot Francese. One of the cheapest pala ang nagugustuhan mo , I can't believe it!" Pang aasar niya pa sa akin na dahilan upang mas uminit ang uluhan ko , kung hindi lang ako nag iingat sa ngayon ay malamang sa malamang ay nakatikim na siya sa akin ng suntok.

"Ikaw ang matakot Dana gayung kapag pinalagan kita , Dadanak ang dugo" pagbabanta kong muli sa kanya saka mabilis na iniwanan siya roon , I waste my 15 minutes sa pakikipag usap lang sa basurang yun.

Magkaparehong magkapareho silang dalawa ni Kim , napakagaling sa pagsasalita ngunit kinukulang naman sa gawa.

"Let's see Francese , lalabas din ang katotohanan at hihintayin ko ang pagbagsak mo!" Sigaw niya pa sa akin na hindi ko na lamang pinansin pa at tsaka dumiretso na ako na pumasok sa new building gayung nag aantay na doon si Chino at Justin para sa pagpapaplano namin sa gagawing Golden Task.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon