Francese Pov
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos na sa wakas ang sinasagutan ko , napatanaw naman ako kay Amanda na kanina pa natutulog habang si Ella naman ay halatang kinakabahan sa pagsasagot.
Nakakadismaya lang ganuong ibang iba ang lumabas sa pagsusulit at hindi ko talaga lubos akalain na more on personal development ang laman nito. May iilang science , mathematics , english ngunit mas lamang pa din ang PD.
Napabuntong hininga na lamang ako saka tinignan ang apple watch ko , nagmessage pala si Dad sa akin and he said that "Goodluck Sweetie".
Nakakatuwa lang gayung he's always there for me no matter what the circumstances is. Ganun din naman si Mom but ibang iba yung feeling kapag kay Dad nanggaling iyun.
"Okay last 10 minutes for those na hindi pa natatapos sa pagsusulit!" Aniya naman ng proctor namin , may iilan nang nakatapos ngunit mas madami pa din ang hindi.
"Amanda?? Amanda??" Tawag ko rito gayung nagriring ang apple watch nito na ikinatingin ng lahat ng estudyante sa room maging ang professor namin.
"Oum sorry for disturbing all of you. Sir if you mind , I'll just answer this call outside. Thank you!" Magalang na wika nito at napatango nalang ang professor na nagbabantay sa amin.
Rinig ko naman ang mahinang pagbuntong hininga ni Amanda , It was her dad who's calling her right now.
Tinignan ko na lamang siya hanggang sa makalabas siya ng silid at tsaka inilapag ang ulohan ko sa may arm chair at umidlip na muna saglit.
++
Iilang ingay ang narinig ko nang magising ako sa aking pagkakatulog dito sa silid na ito at unti unti na silang naglalabasan.
"Buti naman at gising kana frances. Tara na at tignan na natin ang resulta ng ating pagsusulit sa hallway" bungad ni Ella sa akin , napatingin naman ako sa gilid niya at hindi ko nakita si Amanda.
"Where's Amanda? Hindi pa din siya nakakabalik simula nung nag phone call siya?" Humihikab na tanong ko rito at tsaka chineck yung apple watch ko kung may nag message.
"Actually bumalik siya upang kunin yung bag niya. There's an emergency daw kaya need niya na pumunta ng International Medical Center" pagbabalita nito sa akin , sino na naman kaya ang naospital sa kanila
"Eh si Collins?" Tanong ko ulit.
"Sumunod siya kay Amanda gayung nais niya itong damayan. Hindi na din siya nakapag paalam kasi nga nakatulog kana" mahabang litanya ni Ella habang inaayos yung mga gamit niya.
"Oum okay. O siya tara na" aya ko rito saka tumayo na sa aking pagkakaupo. Nang makalabas kami ay medyo madami pa din ang tao rito kung kaya'y minabuti na lang namin na sa ibang floor na hallway na lang kami tumingin ng results.
Gayung every hallway naman ay may nakapaskil na results para sa sections at sa nakapasa sa pagsusulit. Sumakay na kami ng elevator at tsaka saktong bumungad sa amin sila Maxine at ang mga kaibigan niya na papunta din upang tignan ang results.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee