54 ( UNFAIR TREATMENT )

54 7 0
                                    

Author's  Pov

"You're fired!" Maigting ang galit ng lalaki habang pinupulot ni Berting ang kanyang gamit sa sahig , walang nagawa ang kanyang mga kasamahan kundi ang tignan lamang siya.

"Titiyakin ko din na dahil sa naging kaganapan at ginawa ng anak mo ay hindi kana makakahanap pa ng kumpanyang tatanggap sayo habang buhay!" Dagdag niya pa , wala namang naging sagot si berting ni hindi din siya nagtanong pa sa kanyang amo.

Tumayo siya saka dahan dahang nilisan ang lugar na iyun , ni luha at galit ay hindi makikita sa kanyang mga mata. Isa lamang ang nasa isipan niya kundi ay inaasam asam niya na nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak gayung nabalitaan niya ang balita mula sa kanyang amo. Habang nag aabang ng jeep ay hindi maipinta ang labis na pag aalala niya kung kaya'y nais niyang makauwi kaagad sa kanilang tahanan.

Maya maya pa ay nakasakay na siya sa  jeep patungong terminal at ilang minuto lang ay nakarating na siya. Bumungad naman sa kanilang tahanan ang anak niyang bugbog sarado at may iilang bandages sa mukha at maging kamay at tuhod.

May iilang pasa din na may kalakihan sa bandang balikat niya , alalang alala na nilapitan niya ang kanyang anak at nagulat naman ito nang makita si Jaydee sa may gilidan na ganun din ang sinapit.

"Hindi ko inakalang ganito..." Wika ni berting at tsaka ibinagsak ang kanyang dalang gamit sa sahig , nagsusumamong niyakap niya ang kanyang anak ngayon na humihikbing nakatingin lamang sa kanya.

"Tay... patawad gayung sinubukan ko namang magpigil ng aking galit ngunit hindi ko na nakontrol nang malaman ko ang pang aaping ginawa nila.." hindi na natapos ang sinasabi ni Cole nang humigpit lalo ang yakap ni Berting sa kanya.

"Wala kang dapat ipagpaumanhin anak. Naiintindihan ko" masinsinang sabi nito.

"Ngunit anong nangyari sa pagpupulong niyo sa guidance? Naparusahan ba ang may gawa niyan sa inyo? Batid kong anak siya ng Pinlac" bahagyang napayuko na lamang sila Cole at maging si Jaydee na inabutan ng yelo ni Klarylle.

"Tay...ipagpapatuloy ko na lang hu ang pag aaral ko sa susunod na taon." walang gana at tila bay mas lalong nangilid ang luha sa mata na aniya ni Cole.

"Paanong nangyari iyun?"  Kita sa mga mata ni Berting ang galit na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nalaman.

"Gaya hu ng sabi niyo Tiyo , isa siyang anak ng makapangyarihang pamilya. Patawad at wala akong nagawa upang mabago ang hatol kay Cole" paghingi ng paumanhin ni Jaydee.

"Mga wala silang hiya! Hindi ako papayag na ganituhin nila tayo!" Galit na galit na saad nito saka napatayo na dahilan upang mas matakot sila Cole sa gagawin ng kanyang Ama.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon