Jaydee's Pov
Kasalukuyang kasama ko si Angela gayung naglalakad na kami patungong dormitoryo namin. Wala namang nagbago sa kanyang mga galaw nung makita niya ang nilalaman ng kanyang bola. Ako naman ay nababagabag gayung hindi ko alam mangilatis ng tao. Hindi naman na ako nag expect pa na Civilian ang nakuha ko gayung talagang mas madami naman ang makakakuha nun kesa sa spy.
"Oum jaydee?" Pagtawag sa akin nito na dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
"Ano yun?" Tugon ko naman.
Napapansin ko sa kanya na tila bay parang nahihiya siya ngayon na sabihin ang nilalaman ng kanyang isipan gayung nakikita ko iyun sa kanyang mga mukha.
"Ah t-tungkol sa promenade sana.." tila kinakabahang wika niya.
"May makakadate kana ba? Kung wala pwede bang ako nalang?" Dagdag pa nito saka napayuko nang bahagya.
Natanaw ko naman sila Maxine at Sela na papasok na din sa kani kanilang dormitoryo at nginitian lamang ako nito.
"Oo naman , walang kaso sa akin iyun. Isa pa magkaibigan naman tayo" tugon ko na dahilan upang ngitian niya ako saka napayakap bigla. Pumasok naman na sila Maxine sa loob ng room niya. Sa ganda niyang yan sigurado akong may makakadate na siya sa prom.
Napabuntong hininga naman na ako at tsaka kumalas na din sa pagkakayakap ni Angela.
"O siya pasok na ako sa loob ah? Medyo hindi din kasi maganda ang pakiramdam ko" litanya ko dito.
Ramdam ko din na para bang humihina ang aking paghinga kanina. Siguro masyado lang ako napagod nitong mga nakaraan araw. Ni hindi ko na din napagpopokusan ang mga task na inatas sa akin maging sa mga major subject ko.
"Sige magpahinga ka nalang muna at tsaka uminom ka ng madaming tubig" huling saad nito saka naglakad na papalayo patungong room niya. Pumasok naman na ako sa room ko saka ibinagsak ang aking katawan sa kama.
Grabe bawat linggo na lumipas ay tila bay sinasagad nito ang enerhiya na meron ako. Ni hindi na nga ako makatulog ng maayos gayung sa dami naming aktibidadis. Nakakalungkot lang din gayung pabagsak ng pabagsak ang rank na meron ako. Hindi naman na sa akin mahalaga iyun ngunit nakakapagduda lang kung para saan nga ba ang rankings na yan.
May hindi lang ako magandang kutob sa mga nagiging kaganapan. Mukhang nagiging mas pisikal na ang labanan kung saan ay aking kahinaan.
Napapikit naman ako at inisip ang mga bagay bagay na aking ikinapag aalala ngunit nabagabag naman yun nung may marinig akong tunog na galing sa aking cellphone.
Agad ko naman na iyun kinuha at tsaka nakita kong si Tiyo Berting pala ang tumatawag ngayon. Sinagot ko na iyun gayung matagal na din nung huli naming pag uusap.
OTPC
"Tiyo Berting? Kamusta po. Oum , bakit napatawag po kayo?" Tugon ko rito saka nagpatuloy lang sa paghiga gayung nagpapaantok naman ako.
"Jaydee? Nais lamang sana kitang imbitahin sa aking kaarawan sa susunod na araw. Alam kong masyado kang busy sa paaralan ngunit sana'y mapaunlakan mo ang imbitasyon ko gayung kinabukasan nun ay lilikas na din kami pabalik ng probinsya." Mahabang litanya niya , nakalimutan ko na din na malapit na din pala ang kaarawan ni Tiyo. Ito din ang unang kaarawan niya na hindi kami magkasama sa iisang bahay.
"Tiyo? Susubukan ko ho gayung hindi ko pa po alam kung may actibidadis pa kami sa linggo." Pangangatwiran ko roon gayung minsan kasi extended ang task na ibinibigay sa amin kung kaya'y hindi namin nagagamit ang rest day namin na sunday.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee