Jaydee's Pov
Alas syete na at saktong kakapasok ko lamang sa New Building , binati naman ako ng mga staff dito sa may entrance at tsaka inassist ako patungong elevator. 8th floor daw yung classroom namin kaya nung pinindot ko na yung 8 na button ay napapikit na lamang ako gayung nagsarado na yung pintuan at tsaka mabilis ang pag andar nito na ikinatakot ko.
Mga 30 seconds pa lang at nakarating na kaagad ako sa 8th floor nang walang ka hustle hustle , pagkaalis ko doon ay hinanap ko na kaagad yung Class 1 - Golden Students na tatak sa classroom.
At mabilis ko din naman itong nakita , napahinga muna ako nang malalim at tsaka nilakasan ang loob na pumunta sa may pintuan. Akmang hahawakan ko pa lamang ito nang biglaang bumukas na siyang ikinahanga ko , pagpasok ko ay samot saring mga tinginan naman ang nakita ko mula sa mga estudyanteng naroroon sa kwarto.
May iba naman na nakapatong ang uluhan sa may arm chair nila na tila bay natutulog. Napalunok na lamang ako ng aking laway saka mabilis na nagtungo sa may likuran gayung ayun na lamang ang may vacant na upuan.
Halata sa mga kaklase ko na galing silang lahat sa mayamang pamilya at mukhang ako lamang ang naiiba ang estado sa amin. Isang babae naman ang lumapit sa akin na may malawak ang mga ngiti saka inabot ang kanyang kamay.
"Hello! My name is Angela Kate Sy , Rank 7. How about you?" Tanong nito sa akin , hindi naman ako nag alinlangan pang kuhanin ang kanyang kamay at akmang magpapakilala na ako nang biglaang may pumasok na lalaki sa loob ng classroom.
At mukhang ito na nga yung professor na naka assign sa amin.
"You'll tell me later okay?" Aniya niya sa akin saka naupo na sa kanyang upuan na nasa unahan ko lang naman.
"Good Morning and Congratulations to the 12 of you , who has been selected and passed the qualifying examinations! From now on , you'll be the Golden Students of Golden Infinix University!" Paunang wika nito sa amin saka nagbigay pugay pa sa pamamagitan ng pagpalakpak na sinundan naman namin.
"By the way I'm Mr. Vernon Go. Some of my students on the upper year called me Master V. Anyways , just call me anything that makes you comfortable" wika nito na may pag ka slang at tsaka ibinaba ang hawak hawak niyang gamit na.
Kinuha niya ang kanyang laptop habang tahimik lang kami na mga estudyante na nagmamasid sa kanya.
"Okay before I forgot! Kindly introduce yourself here in the front , state your name , age and your rank. That's it" wika niyang muli habang nakatuon ang kanyang mata sa laptop niya.
"Let's start here in the front , Hey miss , you'll go first" turo niya sa may bandang left side ko at tumayo naman ang babaeng na mukhang antok pa base sa kanyang mukha.
"Good Morning everyone , I'm Amanda Isidto , 17 years old and Rank 4!" Walang ganang pagpapakilala niya sa harapan tsaka mabilis ding bumalik sa kanyang kinauupuan.
Kasunod na tumayo nito ay ang katabi niya na nagtanggal ng airpods sa kanyang tenga , walang emosyong pumunta siya sa harap at tsaka nagpakilala.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee