Xinn's Pov
Kasalukuyang nasa isang bar kami dito sa BGC para mag chill out gayung malapit na ang pasukan. Kasama ko ang mga tropa kong sila Tyler , Gino at Hans na umiinom ngayon ng alak habang ako naman ay nakatanaw lang sa nagpi perform sa gitna.
"Hey pretty girl! Wanna go out with me! You'll forget who you are after dating a handsome guy like me! I'll give everything that you want if you stay by my side!" Wika ni Tyler habang hinihithit ang sigarilyong hawak hawak niya at tsaka panay pa ang kindat sa babaeng natitipuhan niya na sumasayaw sa gitna ng stage.
"Damn you Tyler! Dinaig mo pa manyak dyan sa pinagsasabi mo ngayon!" Natatawang saad naman ni Hans sa kanya na sa dahilan upang bigyan siya ng tuon ni Tyler.
"Ang pogi ko namang manyak hans. Maniwala ka man o sa hindi , maikakama ko yang babaeng yan mamaya!" Confident na wika nito saka nilagok ang isang bote ng tequila , sunod sunod ang paglagok nito na ikinatawa na lamang nila Gino at Hans.
"Mukhang malakas ang tama mo dyan tyler ah? Hopefully hindi mo mabuntis ang babaeng yan kagaya nung nakaraang binasbasan mo" nakatanggap naman ng isang mahinang batok si Gino kay Tyler na muntikan pang mabilaukan dahil sa sinabi nito.
"Loko loko ka! Hindi ako ang tatay nun! Sa dami ba naman nang bumasbas sa babaeng yun , malabong ako ang nakabuo!" Pagtanggi naman nito sa akusasyon sa kanya.
"Hmm maiba tayo , Xinn baka naman gusto mong magsalita? Ikaw ang nag aya dito ngunit wala ka man lang sinasabi ni isa." Tapik naman sa akin ni Hans saka inabutan ako ng alak na kaagad kong tinanggihan.
"I just need to chill out without drinking any liquor hans" mahinang sagot ko sa kanya saka nag unat ng kamay para pagmasdan ang bagong performer.
"Why? Is your dad at home?" Tanong naman nito sa akin pabalik saka ininom na lamang ang iniabot niya sa akin na alak.
"Yeah he's at home and I don't want to get in any trouble since he is running for Vice President this year" tugon kong muli , isang maimpluwensiyang tao si Dad that's why nag iingat ako kapag nasa labas ako but when I'm at school? I can do anything that I want cause I know someone will be there to protect me.
"Owshii! Mr. Wright Angelo Montenegro for Vice President of the Philippines! What a good tactics , I envy your Dad bro! That's a smart move , being a CEO of a lot of companies in local and international and now running for politics!" Hangang hanga na turan ni Tyler saka napapa palakpak pa habang hawak hawak ang bote ng tequila.
"Yeah it a good tactics after having a scandal this year , he wanted to bury it by doing good deeds. What a bastard man!" Mahinang bulong ko lang sa aking sarili nang sa ganun ay hindi na nila maungkat pa yun at maging topic ngayon.
"Anyways change topic! I heard from Dad that you passed the examination and you're a part of the Golden Section in Golden Infinix University! Grabe kana smart guy!" Masayang pagkukuwento naman ni Gino na nakaupo na sa ngayon , pulang pula na siya at mukhang anytime ay matutumba na ng lubusan.
"He is indeed a smart guy! Baka nakakalimutan mo Gino , Valedictorian yan sa Ateneo noong gumraduate tayo ng Elementary at High School!" Pagmamayabang naman ni Tyler saka kumuha ng tobacco upang sindihan iyun.
BINABASA MO ANG
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee