38 ( SMALL FIGHT )

59 12 0
                                    

Klarylle's Pov

Habang nagsisimula pa lamang ako na sagutan ang aking mga takdang aralin ay bigla na lamang akong nakaramdam ng uhaw kung kaya'y inilapag ko na muna ang lahat ng hawak ko sa may lamesa at tsaka nagtungo na sa kusina.

Pagkadating na pagkadating ko mismo sa kusina ay kumuha na ako ng isang basong tubig at tsaka ininom iyun kaagad , kumuha akong muli saka akmang dadalhin na sa kwarto nang makita ko na bukas ang pintuan ng kwarto ni Kuya Jaydee.

Babaliwalain ko na lang sana gayung baka kakarating niya lang din at tsaka nagbibihis pa ata siya nang makarinig ako nang yapak galing sa labas at bumungad kaagad si Kuya na mukhang basang basa sa ulan.

Dahil doon ay nagtaka ako kung kaya'y dali dali akong pumasok sa kwarto ni Kuya Jaydee at nagulat ako sa aking nasaksihan.

"Kuya Cole anong ginagawa mo dyan! Bakit mo pinakikialamanan ang pag aari ni Kuya Jaydee!" litanya ko sa kanya na dahilan upang maalarma siya , mabilis na ibinulsa niya ang perang nakuha niya at tsaka inilagay sa baba ang hawak hawak niyang box na pinagkuhanan niya ng pera ni kuya jaydee.

"Anong pera pinagsasabi mo? Akin to klarylle kaya huwag kang mamintang! May inaayos lamang ako dito kaya ako naparito at isa pa aalis na din ako" pagtayo nito saka akmang aalis na nang biglaang dumating si kuya jaydee na gulat na gulat.

"Anong meron dito? At anong ginagawa mo sa aking silid Cole? May kailangan ka ba ah?" Walang muwang na tanong nito saka ibinaba ang kanyang gamit na malapit sa may upuan na brown.

"Wala , may naririnig kasi ako na tunog kaya akala ko may tao. Guni guni ko lang pala yun kaya matutulog na ako" mahinahong turan nito pabalik ngunit napabuntong hininga naman ako at alam kong rinig na rinig niya yun.

"Huwag ka magsinungaling kuya cole , akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo ah? Isauli ang hindi mo pag aari!" Sigaw ko na dahilan upang mapatingin si kuya jaydee sa akin at napagtaasan naman ako ni kuya cole ng kilay , halata na din sa kanyang mukha na inis na inis na siya ngayon ngunit ang kanyang ginawa ay hindi makatarungan.

Kahit gaano siya kainis kay Kuya Jaydee ay hindi pwedeng nakawin niya ang para kay Kuya Jaydee gayung pinaghirapan niya ang lahat ng meron siya sa ngayon.

"Alam mo klarylle manahimik ka nalang , may assignment ka pa diba? Kaya gawin mo na. Baka ikabagsak mo pa ang pagiging pakialamera mo" may diin ang bawat salita na sinabi niya sa akin at mukhang wala talaga siyang balak na umamin ngayon.

Naglakad na siya at akmang lalabas na talaga ng silid na ito nang pigilan ko siya at hawakan nang napakahigpit ang kanyang palapulsuhan.

"Bitawan mo ako klarylle , hindi mo nanaisin na pagbuhatan pa kita ng kamay bago ka tumigil sa pinanggagagawa mo ngayon" pagbabanta niya sa akin ngunit hindi naman ako nagpatinag sa kanyang sinasabi sa halip ay mabilis kong kinuha ang pera sa loob ng kanyang bulsa na ikinaalarma nito kung kaya'y mabilis niya akong itinulak , nang matumba ako ay mabilis din akong bumangon at tsaka sinugod siya.

"Klarylle tama na! Cole bitawan mo ang kapatid mo! Parang awa niyo na tama na! Wag na kayong mag away!" pag awat ni Kuya Jaydee sa amin gayung sinasabunutan ko na si Kuya Cole na ngayon ay mahigpit na inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon