Chapter 23 - Done

13.7K 752 2.2K
                                    

LOST IN TIME FOUND IN LOVE

(A/N: UNEDITED. Henlo, mahaba 'to pambawi. September na ang next UD kasi. 10 chapters na lang. I'm writing an exciting part na pala. For those inquiring about Switched Sensations naman, I'll get to it once I'm done with ILM (kwentong pahinga with 30 chapters). Astral Projection tayo kay SS, sci-fi romance na talaga. Bakit ILM muna? I do consider it as a breather after LITFIL, tapos may simula at ending na kasi 'yon, naka-design na rin. Inagahan ko lang release ng disclaimer para non-negotiable na siya >< Update naman kay Tamed PC since marami pa ring nagtatanong, kung 'di aabot sa taong 'to, baka next year na or after next year jk. What's meant to be, will be 🤞🏻❤️

WE DIDN'T have much conversation after that because she had an early morning meetup with her sister, and I had to make my way back to Cambridge. Si Lis lang ang nakausap ko and I seriously asked her to keep a close eye on Cash, and I covertly checked if they were actually doing their job with a little help from Isadora. Naging busy ang Zpeed Vipers sa laro kaya wala na raw interaksyon sina Nikiro at Cash pagkatapos nilang magkasagutan sa gitna ng event.

"I don't fully trust Hash, and I'm worried that if he becomes obsessed with you baka hindi ka na niya tigilan. Makakasagabal pa siya sa mga plano natin."

"You know when you told me to stay away from him? Well, I actually listened and kept my distance."

Nabanggit pa nitong ipinagpipilitan ni Hash na binata na ito dahil divorced na sila ng kanyang asawa na pinagtawanan na lang namin.

"What did you do to him para habulin ka niya nang ganyan?"

"Hello? Face card pa lang, Saint Visha," mayabang at nakangiting tapik pa niya sa kanyang baba gamit ang likod ng palad niya.

Namamasyal kami ngayon dito sa Cambridge University, naki-sit-in pa siya sa ibang mga klase ko't agad siyang nagkaroon ng mga kaibigan dahil talaga namang nakakaagaw ng atensyon ang talino at kagandahan niya.

"I've got a meeting scheduled with Cash later, and her bodyguard tipped me off. Tingin ko tungkol na 'to sa pabor na hinihingi ko kaya pakiusap, huwag kang masyadong mabait and don't let Hash come near you again."

Alam kong tungkol na 'to roon dahil nabanggit ni Lis na importante ang pag-uusapan. Wala naman kaming agenda na ganito kaseryoso dahil panay bardagulan lang naman kami kung nagkakataong magkita.

"Cash? The friend you had in Liechtenstein, is she the one you're talking about?" tanong niya.

"That's right, and I hope you'll get the chance to finally meet her once you begin working at SciTell. Tingin ko magkakasundo kayo kasi sa 'kin lang naman masungit 'yon, she's very friendly."

People were right in saying that Cash has a welcoming nature that easily attracts others. She's easy to approach, but her social interactions with people and friends have become slightly restricted after she started having bodyguards.

Sa 'kin lang siya masungit siguro dahil hindi naging maganda ang una naming pagkikita. I didn't make a good impression on her, mainly because of the tattoo she hates so much at malas para sa kanya. Minsan pakiramdam ko pa nga ako ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang buhay niya.

"Can I get some donuts to go?"

Midway through the process of mixing chocolate syrup and walnuts, Cash stopped and raised her eyes towards me upon hearing my voice.

Lost In Time, Found In Love [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon