Chapter 7 - Trust

9.3K 601 638
                                    

LOST IN TIME FOUND IN LOVE

Wanderlust, at last
Setting aflame, open hearts
Across the sand, trust

WE POPPED into a convenience store and pharmacy to purchase food, essential supplies, and some medication for her pain. I wasn't sure where our destination was, but I had this strong urge to explore the world with her and experience all the amazing places, which eventually led us to the seaside outside the city. Inisip ko pa rin kung ano'ng mas makakabuti sa kanya at 'yon ay ang mailayo siya sa mga bagay na maaari niyang ikapahamak.

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa Cambridge kanina ay hindi na ito nasundan pa. Hindi na rin ako nagdaldal dahil gusto ko siyang makapagpahinga dahil ilang oras din itong umiyak.

"Before the gel ice pack melts, let's put it to use."

Nakaupo ito sa coat ko over the sand. Ang sprained foot niya ay dahan-dahan kong ipinatong sa aking travel pillow upang ma-elevate ito.

"I don't know why I'm stuck here with you," biglang sambit niya saka niya bahagyang iginalaw ang kanyang injured foot kaya hindi ko na muna ito hinawakan.

Sinasabi niya talaga ito ngayon?

"I can't believe I actually listened to you too," bira ko sa sinabi niya.

Nagtaas siya ng kilay. Pagkatapos niyang umiyak kanina at magmakaawa ay tatarayan niya ako nang ganito?

"Gano'n lang ako kanina because I wanted to leave that place so bad," pahayag pa niya. "I was just putting on an act to get what I wanted, maganda ako pero hindi talaga ako 100% na mabait. You were such an easy target to trick, I thought you're a genius."

To be honest, I think she was just trying to save face by being rude and brat now after realizing how desperate she was when she begged me to bring her along and now she's here... with me.

"Napilitan lang din ako kanina kasi mukha kang kawawa. Kuhang-kuha mo nga inis ko ngayon kasi wala kang ibang ginawa ngayong araw kundi sayangin ang oras ko," bwelta ko rito kahit hindi naman totoo.

Naiinis lang ako, 'yon lang, and it's not because she's wasting my time. The thing is, she's acting all immature once again, refusing to put her pride and ego aside and acknowledge that the person she hates has been going out of her way to help her and doing her countless favors.

Could you believe she actually tried to move para umalis, and I had to hold onto her knee? What was she thinking? Did she really believe she could just walk away like that?

"Layuan mo na lang ako kung napipilitan ka lang sa pagtulong sa 'kin!" may hinanakit niyang sigaw. "Shoo away! I don't need you anymore!"

Napakagat lang ito sa ibabang labi nang hindi ko pansinin ang pagdadrama niya, siguro upang pigilan ang sarili sa pagdaing dahil sinimulan ko nang tapalan ng ice pack ang kanyang dehadong paa. Or it could be her way to hold back tears or emotions after our argument, where she was clearly defeated but unwilling to accept it.

"Pwede akong umalis, as long as kaya mong bumalik sa inyo na gumagapang lang."

She glared at me. "Kung hindi lang ako pilay, kanina pa kita nilayasan."

"Ikaw naman nauna. Is it really necessary to use those words? Why not just acknowledge that it's a decision you've made? Na kusa kang sumama sa 'kin and instead of complaining ay magpasalamat ka na lang?"

Lost In Time, Found In Love [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon