Chapter 3

704 30 0
                                    

MIKO

Umaga pa lamang kaya kaunti palang ang tao sa restaurant. Wala pa akong masyadong uurungan at naghahanda palang din ang lahat para sa peak hours kaya chill lang din muna ako sa resting area namin.

Nang biglang natunugan ako ng aming sous chef. "Miko?"

"Po?" Napatayo ako ng tawagin niya ako. Nasa mid 30's na siya, may ilang puting buhok, at mukhang istrikto. Mahahalata mo ring eksperto na siya sa trabaho lalo na bilang vegetable chef, kaya hindi nakapagtatakang siya rin ang naging sous chef or assistant ni head chef.

"Paki bantayan nga muna iyong crab and corn soup sa saucepan? Halu-haluin mo lang tapos kapag nakita mong kumukulo na, tawagin mo ako."

"Po?" Hindi sa ano...pero hindi ko trabaho iyon. Bakit niya inuutusan ang isang dishwasher na bantayan ang soup?

"Hindi ka ba makaintindi? Nakitang mong wala si head chef dito, 'di ba?"

Ang ibig niyang sabihin ay kailangan niyang gawin ang naiwang trabaho ni head chef kaya ako muna ang papalit sa trabaho niya ngayon.

"Sige po. Babantayan ko po ang soup," sabi ko at agad na nagtungo sa cooking area para bantayan ang soup.

Habang abala ako sa paghahalo rito ay pahapyaw-hapyaw kong tinitingnan ang cooking area pero tanging si Joshua lang na snob ang nakikita ako.

Nang mapansin kong kumulo na ang soup ay tatawagin ko na sana si sous chef pero hindi ko siya makita. Hininaan ko muna ang apoy hanggang sa bumaba ang pag-alsa nito.

Paalis na ako para hanapin si sous chef nang biglang humarang sa akin ang waitress na si Ayrha.

"Okay na ba iyang soup?"

"Po? 'Di ko po alam. Tatawagin ko muna si sous chef."

"Nako naman. Paano na iyan? Wala rito si sous chef dahil inasakiso niya iyong nagkamaling delivery na ingredients natin. Baka puwede na iyan."

Wala si sous chef?

"Ahh." Napakamot ako ng batok at papalit-palit ang tingin sa tarantang mukha ni Ayrha at sa soup.

"Tawagin ko na lang si Chef Joshua para maayos, galit na rin iyong customer, eh," sabi ni Ayrha.

Napalingon kami kay Joshua na abala sa pagluluto sa tatlong istasyon dahil siya lang ang nag-iisang chef na nandirito. Nagkatinginan tuloy kami ni Ayrha na mukhang napaurong na rin ang dila sa paghingi ng tulong sa kanya.

"Ako na lang ang bahala rito. Nagluluto naman ako ng ganito sa bahay." Tumalikod ako sa kanya at tinikman ang crab and corn soup.

"Sure ka?"

Kulang pa. Nangingibabaw pa rin ang lansa ng sea food.

"Ayusin ko po mga five minutes."

"Sige, salamat. Kalmahin ko lang customer doon."

Naglagay pa ako ng cornstarch and water at saka ko hinalo ng mabuti. Nagdagdag pa ako ng pepper ang salt, then egg. Pahapyaw-hapyaw akong tumitikim hanggang sa sumakto na ang timpla.

Hinanda ko na rin ito agad sa bowl na agad namang kinuha ni Ayrha.

Sa kaba ko ay napasilip ako sa lounge nang makita kong nasiyahan naman iyong costumer ay at saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Hindi pa doon natapos ang kalbaryo dahil naubos na ang soup at wala pa rin si sous chef o kahit si head chef.

Tinanong ko naman si Joshua at ang sabi niya ay siya na raw ang bahala at mag-urong na ako.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon