MIKO
Tumingkad pa ang pulang liwanag na nagmumula sa loob ng napakalaking balete. At kalaunan ay sinakop din ito ng dilim nang matakpan ang pulang ilaw ng madaming halimaw.
Luminya ang mga halimaw sa tapat ng balete habang nakatingin sa namumuong usok sa may altar. At sa palibot ng itim na usok na ito ay may kumulog na kidlat.
Lahat ng halimaw na ito ay sabay-sabay na yumuko't lumuhod nang biglang pumasok ang usok paloob sa katawan ni Nigel. Nalapnos ang balat ni Nigel at lumagutok ang kanyang buto sa pagbabago ng anyo.
Hanggang sa matigil ito at siya'y kumalma. At hindi ko na makilala ang mukha ng estranghero sa laki ng pagbabago ng katawan ni Nigel. Hindi lang buong katawan kung hindi maging ang kanyang kasuotan ay nagbago.
Nang biglang kumilansing ang talim ng isang kampilan. Napatalon ako sa 'king kinatatayuan makaiwas lamang sa muntikan nitong pagtanggal ng ulo ko sa aking leeg.
Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Sumakwel na malamig na ang tingin sa akin. Tila robot ang mata niyang walang emosyon. Bumigkas siya ng inkantasyong nagpagalaw sa lupa, at humangin ng napagkalakas paibaba.
Hanggang sa mapaluhod na kaming lahat: mga tao at mga halimaw.
Lahat ay napaluhod sa tapat ng isang diwatang dahan-dahang nagmulat at nilibot ang tingin sa amin. Hanggang sa mahinto ang tingin niya sa akin.
Ako na naman? Ano ba ang trip ng mga diwata sa akin?
Lumipad siya palapit na nakaangat ng ilang pulgada ang paa mula sa lupa. Gaya ng hulma ng anito ay mayroon siyang puting kapa, topless siya kaya kitang-kita ang batik sa katawan niya, nakabahag siyang asul, nakayapak, at mahaba ang puting buhok na umabot talampakan.
Hindi mawawala ang palamuting ginto sa kanilang katawan, ngunit ang diwata na ito ay may nakapaikot na ginto lang sa kanyang kaliwang paa, at maliit na hikaw sa kanang tenga.
Mukha siyang kasing edad ko lang ngunit sigurado akong hindi na mabilang ang edad niya.
Pagtapat niya sa akin ay hindi man lang siya yumuyuko habang tinitingnan ako. Mababa lang ang kanyang tingin, at siya'y taas noo pa rin.
"Ikaw ba ang lalaking pinadala ng mga diwata upang patayin ako?" Gumapang ang malalim niyang boses na nakakapanindig balahibo.
Ito ang unang pagkatataon na makaharap ko ang isang diwata. At ang diwata pa na ito ay ang may pakana sa lahat ng kaguluhang ito.
"Ako nga." Tumayo ako at pinantayan si Taligatos ng tingin.
Hindi ako nagpadala sa paggalaw ng lupa o sa malakas na hangin na binabagsak ni Sumakwel.
Taas noo din akong ngumisi sa tapat ng isang diwatang kalmado lang ang tingin. Nang bigla rin siyang ngumiti na parang tuwang-tuwa sa akin.
"Ikaw ang katalonang may abilidad ng Devour, ang may abilidad na gayahin ang kapangyarihan ng nakaing halimaw," sabi ni Taligatos.
So . . . pake mo?
"Sa loob ng pitong tao na nasa balete ka ay umabot na sobrang lakas at sobrang dami ng kapangyarihan mo. Ngunit ngayon ay isa ka na lamang simpleng katalonan."
Guwapo sana siya, pero mukhang gago rin.
"Kaya kong ibalik ang lahat ng iyon at ikaw ay magiging pinakamalakas na katalonan sa buong mundo. Hindi ka na pagsasabihan na halimaw pa at wala ng tatalikod sa iyo kapag ikaw ay nasa puder ko." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "Umanib ka sa akin, Miko. At ibibigay ko ang lahat ng kahilingan mo."
Siya ang diwata ng karma. Kapag ikaw ay gumawa ng tama, ikaw ay mabibiyayaan. Kapag ikaw ay gumawa ng mali, ikaw ay mapaparusahan.
Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...