Chapter 25

366 24 2
                                    

MIKO

Ang malaking bahay pala na tinutukoy ni Sumakwel ay isang mall kung saan madaming nagtitilian na tao makatakas lang palabas at patago sa mga amalanhig.

Mukhang mahirap ito, ah.

Napabuntong hininga ako at muling itinapat ang kalis sa akin. Nakatutok ang dulo nito sa kalangitan at palapad naman sa gitna ng aking mukha.

[Celestial Divine Cut Activating . . ..]

Huminga ako ng malalim bago kumuha ng enerhiya sa aking paligid. Naipon ito sa talim ng kalis hanggang sa maipon nang maipon, at kumapal ang liwanag at puting usok dito.

[Celestive Divine Cut Activation 30%.]

Pigil hininga ako habang mabilis na iniipon ang mana sa aking kalis dahil sa bawat minutong dumadaan ay mas dumadami ang taong nagiging amalanhig.

[Celestial Divine Cut Activated.]

Nang makumpleto ay nagmulat ako at matalim na hinarap ang kabuuan ng mall. Lumipad ako paitaas at humiwa ng sobrang laki sa ere hanggang sa lumabas mula sa talim ang napalaking liwanag na sumakop sa buong mall at tumagos dito.

[Critical Hit!]

Kulang na lang ay maski kaluluwa ko ay lumabas sa dami ng Mana na naibuhos ko at saglit pa ngang natigil ang pagtibok ng aking puso.

[Mana dropped to 68%]

[Mana: 125,134/500,000]

Nanigas ang buong katawan ko at marahas na napalipad nang mabagal.

Saglit na tumigil ang hiyawan ng biglang may tumili sa likuran ko.

"Ahh!" Paglingon ko ay nakasunod pala sa akin iyong babaeng estudyanteng kanina pa nagbi-video sa phone niya. "Okay, mga guys, nakikita ninyo naman pinagkakaguluhan na ako ng mga amalanhig ngayon."

Nasa may ituktok siya ng sasakyan at pilit na lumalayo sa mga amalanhig na nakapaikot sa kanya.

Ano bang ginagawa niya rito? Aspiring reporter ba siya?

"Tulong! Tulungan mo ako, kuya katalonan!" Itinutok niya ulit sa akin ang camera.

"Tss." Walang kahirap-hirap na winasiwas ko ang kalis at namatay ang lahat ng amalanhig sa liwanag.

[You have used Divine Cut.]

[Mana: 124,884/500,000]

"Tingin mo ba naglalaro kami rito?" Binabaan ko ang aking lipad upang mapantayan siya. "Ano bang ginagawa mo rito? Ba't ka umalis sa safe zone? Nagpapakamatay ka ba?"

"P-Pero nandyan ka naman," prenteng sabi niya habang dahan-dahan siyang bumababa sa ituktok ng sasakyan.

"Hindi lang ikaw ang nililigtas ko! Dalawa lang kami ni Sumakwel dito tapos iisang baranggay kayo. Tingin mo ba—" Natigilan ako ng itutok niya ulit sa akin ang kanyang cellphone.

Ilang tao ba ang nanonood at kinakausap niya sa kanyang phone?

Marahas akong napabuntong hininga at sinapo ang aking sentido. Mangmang pa ako sa bagong sistema ng mundong ito. Seven years din ang nakalipas nang mawala ako, at higit na naging moderno na ang mundo ngayon.

"Alam mo ng magkasilbi ka palabasin mo lahat ng tao sa may mall tapos papuntahin mo sila kay Sumakwel."

"Sige po. Pero—"

"Lumayo kayo sa bandang kanan at doon," tukoy ko pinadulas kong sasakyang kinatatayuan niya kanina at pinangharang ito sa kalsada.

"Huwag kayong lalagpas sa harang na iyon. Naiintindihan mo ba?"

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon