Chapter 36

344 22 0
                                    

MIKO

[You are using Counterillumination.]

Mataas pa ang sikat ng araw pagdating ko sa may siyudad. Dahil do'n ay nagawa ko pang gamitin ang abilidad ng segben na maging invisible kapag nasisikatan ng araw.

Habang lumilipad ay naghanap ako ng prospect ko hanggang sa mapansin ko ang isang dalaga. Maganda ang hubog ng pangangatawan niya, matangkad, may itsura na mapapatitig ka ng matagal at maalon ang buhok. Nagustuhan ko rin ang navy blue dress at leather jacket niya kaya siya ang pinili ko ngayon.

Sinabayan ko sa paglalakad ang dalagang ito habang invisible ako. At hawak ko ang balikat niya habang kinakabisado ang kabuuan niyang anyo.

[You have equipped Camouflage.]

[Camouflage: Copy the appearance of someone you touched for 30 seconds.]

Matapos ng pakay ko sa kanya ay lumihis na rin ako pakabilang direksyon. Tuloy-tuloy lang ako paglakad sa intersection kung saan nagkakasalisihan ang madaming tao.

Humalo ako sa kanila nang hindi nila nakikita.

[Counterillumination's Remaining Time: 5 seconds.]

Hanggang sa 'king paglabas sa kumpulan ng tao ay hindi pa rin nila napapansin ang bigla kong pagsulpot sa pedestrian lane.

Pagtawid ko sa kabilang kalsada ay nagtuloy-tuloy na ako sa sakayan. Sumakay ako ng taxi at sinabing dalhin ako sa National Katalonan Association.

Pagdating namin sa tapat ng malaking building ay wala pa akong cash. Kaya binigyan ko na lang siya ng pilocintos na masaya naman niyang tinanggap.

Bumaba ako ng taxi at nagtungo paloob ng harangan ako ng guard.

"Ano po iyon, Maam?" madiing tanong niya.

Napahinto ako. "Kuyang guard, mayroon lang po akong ire-report na sumulpot na balete."

Ngumiti ako ng napagkatamis at tingnan mo nga naman nag-blush pa nga si kuyang guard.

Gumilid agad siya upang bigyan ako ng daan at iginaya pa ako paloob. "Dumiretsyo na lang po kayo sa Balete Inspection and Detection Room."

Bago pumasok ay nginitian ko ulit siya ng sobrang tamis. "Thank you, Kuya."

Mabuti na lang talaga ay pinili ko ang katawan na ito.

Pagpasok sa loob ay tinawag pa ako ng babaeng nasa information desk. Tinanong niya ang pakay ko at sinabi ko rin kung anong sinabi ko sa guard.

May tinawag na lalaki iyong babae na siyang naghatid sa akin sa may Balete Inspection and Detection Room. At pagpasok namin sa opisina ay halos puno na ang lahat ng cubicle.

"Maghintay na lang po kayo rito." Iginaya ako ng lalaki sa upuan sa waiting area.

Masunurin akong naupo ro'n habang nililibot ang tingin sa bawat empleyado rito.

Nasaan ba siya?

"Next!"

Abala ako sa paghahanap ng pakay ko rito dahil siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.

"Miss, next!"

May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako sa nanay na nasa tabi ko. "Kanina ka pa tinatawag, miss."

Dinuro ng nanay ang empleyadong umuusok na ang ilong sa akin.

"Thank you, nay," paalam ko.

Pagtayo ko ay kumakamot batok akong naupo sa tapat ng inspektor. Samantalang siya'y abala sa kanyang laptop na nakapaibabaw sa nakapagitang lamesa sa 'min.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon