MIKO
Pagkaalis ni Rula ay nag-meeting muna kaming apat. Pinag-usapan muna namin ang aming mga kapangyarihan at kung paano haharapin ang kalaban.
Si Allan ay katalonan ni Apolaki at mayroon siyang super strength. Si Chelsea ay katalonan ni Bathala at mayroon siyang healing ability. At panghuli ay si Pamela na katalonan ni Anitun Tabu at kaya niyang magpaulan.
Ako naman, inamin ko sa kanila na katalonan ako ni diwata Yna Guinid at tanging poison immunity lang ang mayroon ako.
Medyo na-disappoint sila pero sa huli ay napa-okay na lang din sila na dahil at least ay mayroon silang dagdag kasama kaysa wala.
Matapos ng tanungan sa aming kapangyarihan ay dumako naman kami sa boss ng baleteng ito—ang Marcupo. Pero walang nakakaalam sa amin; kaya dahil do'n ay sumugod kami paloob ng kagubatan ng hindi nalalaman ang halimaw na kakaharapin namin.
At habang tumatagal na papailalim kami sa kakahuyan ay mas kumakapal ang hamog hanggang sa hindi na namin makita ang dinadaanan.
"Allan?" tawag ko.
"Bakit?"
Napalingon ako sa kaliwa at sinundan ang boses niya.
"Na saan ka?"
"Nandito."
Lumapit ako sa kanya nang mapansin kong may kakaiba sa hamog. At bago ko pa mapansing may halong kulay berde ito ay nakalanghap na ako ng hamog.
[You have consumed a poison.]
Agad na sumigid ang panunuot ng asim sa aking lalamunan. Napasapo ako sa aking ilong at bibig upang hindi na makalanghap pa ng nakalalasong usok.
[Your Health dropped to 10%.]
Health dropped? Dahil ba sa nakalanghap ako ng lason.
[Health: 45/50]
"Huwag kang hihinga, Miko!" malabong sabi niya at mukhang tinatakpan na niya ang bibig niya ngayon. "Na saan ka?"
"Malapit na ako," garalgal kong sagot.
"Diyan ka lang, hahanapin kita."
Narinig ko ang pagkilansing ng espada at biglang nahawi ang hamog 'di kalayuan sa akin. Paglingon ko rito ay natagpuan kong nagliliyab ang espada ni Allan na kanyang ginamit na parang flashlight mahanap lang ako.
Nagtungo ako sa kanya nang biglang may umalingawngaw na nakakabininging tili ng dalawang babae.
"Pamela?" Napalingon si Allan sa pinanggalingan ng tili. "Chelsea!"
Kumaripas siya patakbo kung saan mas makapal pa ang berdeng hamog. Ang berdeng hamog na siyang lason na nagtutusok-tusok sa katawan ko ngayon.
[Poison Immunity have countered the poison.]
Maging ako ay napatakbo sa kanilang kinaroroonan.
"Allan? Chelsea! Pamela!" paghanap ko sa kanila.
Sinundan ko ang ingay ng mga yabag nila. Hanggang sa pumailalim na kami sa kagubatan kung saan matatayog na ang mga puno. Magkakadikit na rin ang mga ito at nahirapan na ako kung saan ako dadaan dahil sa dami ng puno.
Hanggang sa makalabas ako sa isang espasyo kung saan walang puno. Sa gawing gitna ng parang oval na ito ay nakaestatwa silang tatlo. Ang dalawang babae ay magkasama sa isang tabi at si Allan ay nasa pinakagitna.
Hindi ko maintindihan kung anong meron dahil sa kapal ng maberdeng hamog, at tanging likuran lang nila ang nakikita ko.
"Allan!" tawag ko sa kanya. "Anong nangyari?"
Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang wala pa ring reaksyon sa akin. "Ba't hindi ninyo ako pinapansin?"
Titig na titig ako sa kanila dahil sa kapal ng hamog ay nanlalabo sila sa aking paningin. Hanggang sa maaninag ko na ang malapot nilang pamamawis at pamumutla. Nanginginig na gumalaw ang kanilang mata paharap sa akin ngunit nanatili silang hindi kumikibo.
Ba't ayaw nilang gumalaw?
Dahil ba sa lason? Mabuti na lang ay may poison immunity ako.
Ngunit habang papalapit ako sa kanila ay tinatawid ko na pala ang daan tungo kay kamatayan.
Bumaon ang makapal na talim sa aking bewang at hinalukay nito ang aking tiyan na nagpabaligtad sa aking sikmura. Tumaas ang asido sa aking lalamunan hanggang sa mapaduwal ako ng sariling dugo.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng talim at bumungad sa akin ang dambuhalang ahas nakakagat sa aking bewang.
Ang ulo nito'y kasing laki ng kalahating katawan ko, at ang gintong mata nito'y may matulis na itim na tila nakakahiwang patalim.
"Haa!" sugod ni Allan. Hinampas niya ng nagliliyab ng espada ang Marcupo na niluwa ako at lumayo sa amin.
"Miko!" Inalalayan ako ni Allan palayo sa halimaw at dinala kay Chelsea.
"Chelsea," utos ni Allan.
"Oo," sagot ni Chelsea.
Inalalayan ako ni Allan paakbay kay Chelsea hanggang sa mapaghilom na niya ang sugat ko habang nakatayo kami.
Nang biglang bumuhos ang ulan. Paglingon ko sa pinanggalingan nito ay natagpuan kong malakas ang hanging pinapaulanan ni Pamela ang dambuhalang ahas.
"Makakaya kaya natin iyang Marcupo?" biglang anas ni Chelsea. Nanginginig na ang mga kamay niya, ngunit mabilis pa rin niyang napaghihilom ang sugat ko.
Kahit anong pilit niyang pagseryoso sa kanyang trabaho ay hindi niya maitago ang kanyang takot.
Gano'n din ako.
"I-Iyan ang Marcupo?" tukoy ko sa ahas na mas malakin pa sa matatayog na puno rito sa kagubatan. Higit siyang mas malaki, at mas malakas kumpara sa lahat ng halimaw na nakasagupa namin.
Tulala kami ni Chelsea sa laban ng dalawa sa halimaw. Nagawang i-distract ni Pamela ang Marcupo kaya naman nakalusot si Allan at hiniwa sa tiyan ang Marcupo ng mag-bounce lang ang tira nito.
"Pagnakalabas ako rito ay yayakapin ko agad ang baby ko," biglang kuwento ni Chelsea. Napalingon ako sa kanyang abala pa rin sa pagsasara ng butas sa aking tiyan. "Madalas pa naman siyang masugatan kaya araw-araw ay ginagamot ko siya. Kaya siguro ganitong abilidad ang ibinigay sa akin."
Napabaling ako kina Allan pero wala sila! Hinanap ko sila ngunit tanging palapit lang na Marcupo ang nasa gitna ng espasyong ito.
Lumabas ang dila nitong lumalatigo sa ere't pilit kaming inaabot ni Chelsea.
"Takbo!" alerto ko kay Chelsea.
Bumuka na ang bibig ng Marcupo na kasyang-kasya ang isang tao upang lapain kami.
Tumayo ako't hinatak si Chelsea palayo nang bigla niya akong itulak sa bingit ng kamatayan.
"Sorry! Mahal ko ang anak ko," paalam niya bago ako iwan kasama ang mabangis na dambuhalang ahas.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...