Chapter 33

337 24 0
                                    

MIKO

Sampong taon sa nakaraan nang huli kong gawin ito. Sa tuwing nanlulumo ako ay may isang bagay akong ginagawa upang maibsan ang aking lungkot—ang kumain.

Ang kumain ng matatamis na panandaliang magpapakalimot sa akin ng mapait kong karanasan. Kay tagal ko ring nahayok sa matatamis na pagkain dahil sa tindi ng aking stress at pagod noon.

Ngunit ngayon . . . ngayon ay kakaibang tamis ang nagpapalamig sa aking lalamunan. Sa tuwing kumakagat ako sa mainit at pamilyar na laman ay tila naabot ko ang kalangitan dahil sa kakaibang kumikiliti sa aking lalamunan.

[Your Mana gained to 60%.]

[You have fully replenished your Mana.]

[Cannibalism deactivating . . ..]

Naibagsak ko ang malamig na bangkay. Napatingin sa kamay kong balot ng dugo. Napapunas sa pisngi hanggang baba kong may tumutulong malapot na likido.

G-Ginawa ko ito?

Napatulala ako sa bakas ng aking ngipin sa balat ng bangkay.

It felt familiar yet strange.

Sanay akong kumain ng bangkay ng aswang, ngunit ito ang kauna-unahang beses na kumain ako ng bangkay ng tao.

"Miko?"

Nagising ang aking diwa sa pagtawag ni William. Lumuwa ang kanyang mata, at gayon din sa nakapaikot na bangkay sa 'kin.

"A-Aswang!"

Hinugot ni William ang kampilan niya't sinugod ako. Sinalo ko ito ng kalis at nagitgitan ang talim ng aming espada.

"Halimaw," anas niyang pumutol sa 'king natitirang pasensya.

Naitulak ko siya ng buong lakas at lumipad siya padausdos sa batuhan.

Sa kamalas-malasan pa ay sumakto ang bagsak niya sa tapat ng Hukbo na papalapit sa amin.

Napatakbo si Hazel kay William na nawalan ng malay. "William, ayos ka lang?"

Samantalang si Robert ay walang pagdadalawang isip na itinuro ang palakol sa akin.

"Kinain mo sila," nakamulagat niyang tukoy sa mga bangkay.

Hindi patanong at hindi pagtataka. Buong kasiguraduhan niyang dinudol sa akin ang kasalanan.

Gusto kong magdahilan. Ngunit tuwing naaalala ko kung gaano ako nasarapan ay umuurong ang dila ko.

Mula sa malayo ay tuloy-tuloy niyang winasiwas ang palakol. Tila posporo niya itong kinukuskos sa hangin at may nagniningas na apoy. Sa lakas ng paghawi ni Robert ay bumulusok sa akin ang sunod-sunod na apoy na lumalabas sa palakol niya.

Hindi ko inalis ang tingin ko rito't walang kahirap-hirap na umiwas. Mabilis na nilamon ng apoy ang mga bangkay; at ang itim na usok mula rito ay humaplos sa paa ko pataas nang pataas.

Nanghihigop ito't maging ang kinatatayuan ko ay naglaho. Hanggang sa 'king inaasahan ay nahulog ako sa kawalan, at lumitaw sa ituktok nina Robert.

[You have used Emergency Escape.]

I was about to counter attack nang mabilis na nakabawi si Abigail.

Pinaulanan niya ako ng nagliliwanag na pana na biglang lumilitaw sa tali ng palaso niya. Hindi pa ako nakaka-recover sa pag-teleport ko kaya ay nahagip ang pakpak ko't nawalan ng kontrol.

I can't run in the air. I can't fly with a damage wing. I can't teleport anymore.

Habang pahulog sa lupa ay may tumubong halaman na sumalo sa 'kin. Pumaikot ito sa katawan ko at may nakakamatay na tinik ang tumutok sa leeg ko.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon