MIKO
Hindi ako nagpatinag kahit na idiin pa ni Sumakwel ang talim ng kanyang kampilan sa 'king leeg.
[You are now poisoned.]
[Your Health dropped to 1%.]
[Health: 495/500.]
"Alam mong isa akong katalonan, 'di ba? Protektado ako ng aking diwata kaya hindi ako magiging aswang," giit ko pero hindi pa rin siya nakikinig.
[Poison Immunity has countered the poison.]
[You gained +1 Recovery.]
[Death: 2/5]
"Sumakwel!"
Nang wala pa rin siyang imik ay sinalo ko na ang talim ng kampilan at itinulak ito palayo sa akin. Habang siya'y patuloy pa rin sa pagdiin hanggang sa bumaon na 'to sa palad ko.
[You gained 13% Health.]
[You have replenished your Health.]
Dumudulas ang kampilan sa malapot na dugong bumalot dito ngunit parehas kaming ayaw na magpatalo. Kahit na nanginginig na ang kamay ko sa hapdi ay maiigi ko pa rin itong nilalayo sa leeg ko.
"Sumakwel, hindi ako ang kaaway mo rito. Nandito ako para tulungan kayo."
"Hindi! Isa kang halimaw."
[Death: 3/5]
"Habang pinipigilan mo ako ay mas madami ang namamatay. Wala na tayong oras!"
Tinadyakan ko siya sa tiyan nang agad siyang nakaiwas. Sa paglayo niya ay nabitawan ko ang kanyang kampilan kaya agad akong tumakbo patakas nang biglang bumaon ang kampilan niya sa aking balikat.
"Fuck!"
[Your health dropped to 10%]
[Health: 450/500]
Sa bilis niya at sa abala ko sa pagtakas ay hindi ko na napansin ang pagwasiwas ng kanyang kampilan.
[You have been poisoned.]
"Hsss!" isang sagitsit ko ay natulak siya palayo at maging ang kampilan niya ay nahugot sa akin. Pabalyang nahugot niya ito kaya lumaki pa lalo ang sugat at napunit pa ang alampay ko.
[You have used Hissing Song.]
[Hissing Song: Super loud high pitch hissed that can cause temporary deafness and migraine.]
"Ah!" Napaatras si Sumakwel habang sapo ang kanyang sentido.
Kinuha ko itong tiyansa na makatakas mula sa kanya nang biglang may magliwanag sa lupang kinatatayuan ko at lumitaw ang lumilipad na maliliit na holen.
Sa liit at lakas ng liwanag na nanggagaling dito ay hindi ko man lang maaninag ang tunay na itsura ng mga nilalang na ito.
Bastang kumapit sila sa iba't ibang parte ng aking katawan hanggang sa dumami nang dumami at hindi na ako makagalaw pa sa naipong bigat nilang dumagan sa akin.
Pagbagsak akong napaluhod sa lupa at napatunghay kay Sumakwel. Nakatayo na siya sa harapan ko't muling idiniin sa aking leeg ang kanyang kampilan.
[You have been poisoned.]
"Sumuko ka na, aswang," banta niya na animo'y hawak na niya ang buhay ko sa kanyang mga kamay.
[Your poison immunity has countered the poison.]
Ngunit sa halip na katakutan ay mapang-asar na nginisihan ko lang siya. "Nakalimutan mo na ba kung sino ang diwata ko?"
Nanliit ang mata niya sa akin at nangunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
ФэнтезиWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...