MIKO
Tanging iyak ng kamatayan ang madidinig sa buong mundong nawalan ng sandata laban sa mga halimaw. Sapagkat ang kaninang laban ay naging walang awang patayan.
Lahat ng katalonan ay nawalan ng lakas para lumaban, at karamihan sa amin ay binawian na ng buhay. At silang natitirang may hawak ng armas ay desperadong prinotektahan ang kanilang sarili sa mga halimaw.
Hindi rin magawang ipaglaban ang mundo ito, dahil maski ang buhay namin ay hirap kaming protektahan.
"Ahh!" Nahampas ako ng mabilis na segben at nagpagulong-gulong sa batuhan.
Natigil ako sa paggulong nang tumama ako sa malaking paa ng kapre. Biglang tumaas ang paa niya para apakan ako nang gumulong ako palayo.
Buong lakas akong tumayo sa kabila ng sugatan kong katawan. At tuwid kong hinarap ang dambuhalang kapre habang hawak ang nabali kong braso.
Sa likuran ng mga halimaw na ito ay prenteng pinapanood lamang kami ni Taligatos.
Pinag-aalalyan pa rin siya ng bangkay ng tao hanggang sa maipon na ito sa kanyang paanan. At hindi magtatagal ay magiging gabundok na ang mga naipong bangkay.
Kung malalagpasan ko lang sana ang mga halimaw na ito ay matatapos na rin ang lahat.
Aapakan na muli ako ng kapre nang umiwas ako, kaso may malakas na puwersa ng hangin ang tumulak sa akin at natisod ako. Pag-angat ko ay nakita ko ang segbeng pabulusok muli sa akin, at ang paa ng kapre na pipitpit na sa akin.
Inangat ko ang aking sarili ng bumigay ang paa ko. Paglingon ko ay nahiwa pala ng segben ang binti ko!
Katapusan ko na ba?
Napapikit ako ng maaapakan na ako ngunit ilang segundo ang lumipas ay walang nangyari. Pagtingala ko ay isang batong pader ang sumalo sa paa ng kapre.
"Anong kapangahasan ang ginagawa mo?!" sigaw ni Taligatos.
Napalingon ako sa pinanlilisikan niya ng mata at natagpuan ko si Sumakwel na hawak ang pugot na ulo ng segben.
"Ang kasunduan natin ay hindi mo sasaktan si Miko!" sigaw ni Sumakwel pabalik.
Nag-crack ang batong pader na inaapakan ng kapre. Pinagsisipa pa niya ito at diniinan ng kanyang paa ang bato upang mabasag.
Tumayo ako para tumakas nang mapadaing ako pagkuryente ng sakit sa binti ko paangat sa buong katawan ko.
Muling bumulong ng inkantasyon si Sumakwel at may umangat ang matulis na lupa na siyang tumusok sa likod at tumagos sa dibdib ng kapre.
Napapalatak si Taligatos habang pinapanood niya kami. Mapanlisik ang kanyang mata habang kinakain ang alay na kaluluwa.
"Pagsisisihan mo ito, Sumakwel," banta ni Taligatos ngunit 'di siya pinansin ni Sumakwel.
Bigla na lamang tumakbo sa akin si Sumakwel at tumalungko sa harap ko. Magaan ang kamay niyang humaplos sa akin at inangat ang binti ko. Nang maitulak ko siya dahil sa sakit.
Nanlaki ang gintong mata niya sa pag-aalala. Samantalang ako'y tulala sa kanya sa kung bakit niya ito ginagawa.
Nagliwanag ang anito ni Bathala na lumilipad sa kanyang balikat. Bumigkas siya ng inkantasyon habang nakatapat ang palad sa binti ko, hanggang sa mapaghilom niya ang lahat ng sugat ko.
"Isa kang traydor," anas ni Taligatos.
Hindi siya pinansin ni Sumakwel at bumigkas siya ng panibagong inkantasyon. Ang inkantasyon para sa anito ni Taligatos.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...