MIKO
Mataas ang aking lipad habang hinahanap sina Pamela at Chelsea sa kagubatan. Nanatili akong nasa ituktok habang iniisa-isa ang tabi ng mga patay na puno.
Saan na ba sila napunta?
Ang hirap maghanap dahil ang kapal ng hamog. Mabuti na lang ay malaki ang aking pakpak kaya bawat pagaspas ko ay nahahawi ang hamog. Nadamay na rin ang apron kong umaalon sa himpapawid sa bawat hampas ng pakpak ko.
Sa lakas ng hangin ay tila pamaypay ito't dumagdag pa sa malamig na simoy ng hangin. Pinapawi ng lamig na ito ang init mula sa 'king kalbaryo kanina.
Hindi ko akalaing nagkasakit sina Allan nang dahil sa tikbalang na iyon. Kung sabagay nga naman, mabilis at matalino ang tikbalang. Muntikan pa nga akong bawian ng buhay kanina.
Nagpatuloy ako sa pag-ikot sa kagubatan hanggang sa kalaunan ay nakakita ako ng pamilyar na green shirt. Agad akong nagtungo ro'n nang matigilan ako pagkahawi ng hamog.
Wakwak na ang kanilang tiyan at mulagat ang matang lumuluha ng dugo. Nakaawang ang tuyong labi at namumutla sa karumaldumal nilang kamatayan.
Hindi ko mapigilan ang galit ko sa kanila dahil sila ang nang-iwan sa akin sa Marcupo. Ngunit...sila pa rin ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa tulong nila ay malamang na una pa akong lumisan sa mundong ito.
"Sorry," anas ko sa dalawa at hinaplos ko ang kanilang mata papikit.
Una kong pinangko si Pamela at dinala sa may balete kung nasaan si Allan, ngunit pagdating ko ro'n ay wakwak na rin ang tiyan niya.
Napabuntong hininga ako at mabilis na binalikan si Chelsea. Papangkuin ko na siya nang bigla kong maalala na sinubukan nga pala niya akong patayin.
Malakas ang loob niyang itulak ako sa bunganga ng Marcupo, kaya bakit hindi ko na lang siya ipakain sa mga aswang dito?
Naggitgitan ang ngipin ko na sinabayan pa ng pagkulo ng aking dugo. Agad akong napatayo para iwan siya nang biglang pumasok sa aking isipan ang imahe niyang binubuhos ang lahat ng kanyang lakas para sumara lang ang sugat ko sa binti.
Pero hindi ibig sabihin na gumawa sila ng kabutihan ay tama lang na kalimutan ang kasalanan nila. Hangga't maaari ay ayaw kong tumulong sa maling tao.
Pero....
Ayaw ko rin naman sisihin ang aking sarili nang dahil sa silakbo ng aking damdamin. Lalo na't hindi matatahimik ang konsensya kong iwan siya rito.
Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niyang kasalanan, pero hindi sa ganitong paraan na magiging mas masahol pa ako sa halimaw.
Pinangko ko si Chelsea at dinala rin siya sa may balete. Gumawa ako ng hukay sa tabi ng balete upang ilibing sila ro'n.
Nang matapos ang lahat ay napasinghap ako pasalampak sa batuhan sa pagod kong ibaon ang katawan nila.
"Ako na lang ang mag-isa rito ngayon," anas ko.
"Kaya nga, ikaw naman ang susunod tapos failed quest na ito." Biglang sulpot si Rula na nakaupo pala sa ugat ng balete. "Kapag gano'n ay makakalabas na ang mga halimaw rito tungo sa mundo ninyo." At malademonyo pa siyang tumawa.
Napapalatak ako. As if!
"Character Status."
—
[Character Status]
Name: Miko Madrigal
Age: 25Level (1)
Health (50/50)
Mana (50/50)
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasíaWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...