Chapter 13

455 29 5
                                    

MIKO

Gabi-gabi (kasi wala namang araw rito) palaging kong inaasam ang araw na — gabi pala, na makakaalis ako sa ibang dimensyong ito, at magawa kong mabuhay muli ng normal at mapayapa. Walang gulo. Walang laban. At walang halimaw.

No'ng una ay naging mahina ako pagtungtong ko sa dimensiyong ito. Masyado akong nagtiwala sa ibang tao sa halip na magtiwala rin sa sarili ko.

Kaya ngayong ako na lamang ang natitirang tao sa loob ng dimensiyong ito, kasama ang mga halimaw at ang guide na si Rula ay unti-unti kong na-realize na kaya ko naman palang maka-survive ng mag-isa.

Habang nanatiling lumilipad sa himpapawid ay halos takpan na ng malaking paniking pakpak ko ang tinitirhan ng dambuhalang sawa. Nag-level up na rin kasi ako ng todo kaya halos tabingan na ng pakpak ko ang lahat ng sikat ng buwan.

"Character status," usal ko.

[Character Status]

Name: Miko Madrigal
Age: 25

Level (7)
Health (350/350)
Mana (300/350)

Supporting Diwata: Yna Guinid
Personal Attribute: Poison Immunity (Lv. 35)

Strength (Lv. 23)
Defense (Lv. 50)
Speed (Lv. 15)
Intelligence (Lv. 38)
Recovery (Lv. 65)
Mana (Lv. 15)

Personal Ability: Aboominal (Lv. 6), Aninoxic (Lv. 9), Bat Wings (Lv. 15), Counterillumination (Lv. 1), Devour (Lv. 15), Emergency Escape (Lv. 1), Fireball (Lv. 2), Flash Blind (Lv. 8), Galloping (Lv. 9), Horsepower (Lv. 5), Monster Sensor (Lv. 13), Pigified (Lv. 13), Shapeshifter (Lv. 3)

No'ng una ay gusto ko sanang kainin si Rula kasi nga may fire ability siya pero mayroon naman akong nakuhang Fireball sa isang Numputul, kaya kahit 'wag na lang pala. Tapos iyong shapeshifter naman ay galing sa isang kapre.

Sa iba ay wala na akong nakuhang bagong ability, kasi kapag kinakain ko sila nagle-level up na lang iyong ability ko na may similarity sa ability nila. Tapos wala na rin naman ng bagong klaseng halimaw rito kaya wala na akong makuhang bagong ability.

For example, iyong aswang, sa dami ng nakain kong aswang ay naging more than level 10 na ang ability kong Monster Sensor at Pigified. Pero itong Bat Wings pa rin ang pinakamataas kasi nga ito ang madalas kong gamitin at saka iyong Devour.

So far, level seven ang pinakamataas na overall level na na-acquired ko dahil wala naman na akong makain, at ang kasama ko na lang ngayon sa dungeon na ito ay ang Marcupo at si Rula na hindi ko na matagpuan dahil kaharap ko na ang boss ngayon.

Nasa himpapawid ako at tinatanaw ang Marcupo na nakapaikot sa kanyang sarili habang mahimbing na natutulog at walang kamalay-malay na nagbubuga ng berdeng usok mula sa kanyang ilong. Mas kumakapal tuloy ang lason sa kanyang paligid.

Halos same ability nga lang din pala kami kaya hindi siya nalalason sa lason niya. May self-immunity siya gano'n.

Malamang. Sino ba naman ang matinong nilalang ang maglalason sa sarili niya?

Ang kakaiba nga lang sa lason ng Marcupo na ito ay sobrang asim na nanunuot na ang ilong ko kahit na ang layo ko't nasa himpapawid.

Hmmm. Parang naamoy ko na ang ganitong amoy, ah?

Bahagya akong bumaba palapit at inamoy kong muli ang lason.

[You have inhaled a poison.]

Paglanghap ko ay nangasim agad ang mukha ko. Maasim nga siya, kung ganoon ay madaming asido?

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon