MIKO
Sa ilalim ng mga bato ay nadatnan ko ang duguang katawan ni Sumakwel. Namumutla ang mukha at nanunuyo ang labi niya sa dami ng kapangyarihang ginamit niya.
"Shit," anas ko pagkakita sa masaganang pagsirit ng dugo sa kanyang tagiliran.
Agad akong napatalungko sa tabi niya habang hinuhubad ang aking alampay. "Anong nangyari sa iyo?" tanong ko.
Pinangtapal ko ito sa kanyang sugat ngunit hindi tumitigil ang pagsirit ng dugo. Sa lagay nito ay mauubusan pa siya ng dugo!
Inilihis ko ang kanyang yuvuk o shoulder bag na gawa sa kawayan at hinabing sanga. Kanina pa ito nadadantay sa sugat niya at ayaw pa naman niyang nadudumihan ang mga anito.
"Sumakwel, naririnig mo ba ako?" Tinapik ko ang kanyang pisngi ngunit wala siyang kibo. "Shit naman."
Maging ako ay bumigat ang paghinga at nanginginig ang matang napatunghay kay Datu Lakas.
"Mayroon ba kayong albularyo? Nasaan ang albularyo ninyo?"
Agad na napayuko si Datu Lakas at bumagsak ang balikat. "Patawad, wala kaming albularyo."
"Shit," muling anas ko at ikinulong sa aking bisig si Sumakwel.
Nakaluhod ako sa kanyang uluhan habang nakaunan siya sa akin. Kung mayroon lang sana akong healing ability, pero tanging si Sumakwel lang ang mayroon no'n sa aming dalawa.
Sa bawat segundong pumapatak ay mas naninikip ang dibdib ko. Hindi ko magawang silipin ang sugat niya dahil mas lalo nitong pinapaalala na baka mawala siya sa akin.
"Ako."
Napalingon sa reyna ng mga bubuyog na biglang lumuhod sa tabi ko.
"May kakayahan akong magpagaling."
"Tulungan mo kami," agad kong sabi. Nakahinga ako ng maluwag sa tuwa at dumasog ng bahagya upang ipakita ang sugat ni Sumakwel sa kanya. "Parang awa mo na."
"Huwag kang mag-alala. Papagalingin ko siya."
Muling nagliwanag ang mata ng reyna at sumunod ay ang kanyang kamay na nakalapat sa tagiliran ni Sumakwel. Walang anumang pagbigkas ng inkantasyon ay nagawa niyang unti-unting isara ang sugat ni Sumakwel.
Habang ako naman ay nanatiling nakayakap kay Sumakwel at nakaunan siya sa aking bisig.
Nang masara ng reyna ang sugat ni Sumakwel ay bumalik na rin sa normal ang paghinga niya. Nagkakulay na rin ang namumutla niyang mukha at nawala na rin ang pangungunot ng kanyang noo.
"Sumakwel?" Tinapik ko ang mukha niya ngunit wala pa rin siyang kibo.
Marahas akong bumaling sa reyna at pinanlisikan siya ng mata. "Pinagaling mo ba talaga ito?"
Kalmado lamang siyang tumango at tumayo. "Sa iyong nakikita ay naisara ko na ang sugat niya."
"Tss." Muli kong binalingan si Sumakwel na nakaunan pa rin sa aking bisig. "Sumakwel?"
Sa halip na magmulat ay sumiksik pa ang mukha ni Sumakwel sa aking dibdib. Hindi lang iyon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pasimpleng pagtaas ng sulok ng kanyang labi.
Gago ba ito?
Sinalo ko ang ilalim ng kanyang balikat at walang habas na binato siya paitaas.
"Wahh!" hiyaw niya kasabay ng mga mandirigmang napahiyaw rin sa gulat.
Ilang metro ang inabot niya paitaas pero kaya naman niyang lumipad kaya nakababa rin siya ng matiwasay.
Pagtapat niya sa akin ay nakahalukipkip lang ako at hindi siya pinapansin, samantalang siya ay mukhang batang guilty na napapakamot ng batok.
"Master, natapos na natin ang ating misyon!"
Inirapan ko lang siya at muling hinarap ang reyna. Sinsero ko siyang nginitian at yumuko sa paggalang. "Salamat sa pagtulong ninyo sa amin."
Maging ang reyna ay yumuko sa amin. "Ako ang dapat na magpasalamat sa inyo sa pagligtas ninyo ng aking buhay at ng bayang ito."
Pagtayo namin ng tuwid ay muli kaming nagkaharap. Ngayong hindi na kami nakikipaglaban ay nagawa ko ng makita ng maayos ang mukha niya.
Maitim ang balat niya na may mga puting batik na nakaguhit. Nakakamangha ito dahil mas naging angat pa ang kanyang kagandahan. Lalo na ang kanyang bilog na mata, matambok na pisngi, maliit na mukha at mapulang labi.
Natigilan lamang ako ng biglang umabante si Sumakwel at inabot ang kamay ng reyna.
"Ako nga pala si Sumakwel, isa akong katalonan." At walang paalam niyang hinalikan ang kamay nito.
"Hoy, Sumakwel!" Hinatak ko ang buntot ng bahag niya at tinago siya sa likuran ko.
Natawa naman do'n ang reyna habang nakatingin sa aming dalawa. "Ako naman si Malariya, ang reyna ng mga bubuyog."
"Ikanagagalak kong makilala ka." Muling lumapit si Sumakwel nang ipagaspas ko palipad ang pakpak ko.
"Master?"
"Tss. Bahala ka diyan."
'Di ko siya pinansin at iniwan na siya ro'n. Lumipad na ako patawid ng dagat para makabalik sa baleteng pinaggalingan namin.
Nang mapansin kong hindi siya nakasunod sa akin ay napalingon ako sa isla. Nang makita kong humalik pa ulit siya sa kamay no'ng Malariya!
"Paalam na sa iyo, binibini."
Mas binilisan ko ang aking paglipad lalo nang makarinig ako ng malakas na ihip ng hangin sa 'king likuran.
"Master!" Sunod na niya sa akin.
"Tss."
Binilisan ko pa ang paglipad hanggang sa mauna na akong makapasok ng balete.
At dahil sa mas nauna akong pumasok ay kinailangan ko pang lumikha ng bolang apoy sa kamay ko para lang may ilaw kami sa loob.
"Master"—pagsunod niya—"galit ka ba sa akin?"
Nang malapit siya sa likuran ko ay lumikha siya bolang apoy kaya pinatay ko na ang nasa kamay ko.
"Master!"
—
Congratulation on clearing this quest!
You will now return to Earth.
—
Paglabas ng notification ay nahinto na rin ako.
"Master, ano bang kinagagalit mo?" Humarang siya sa harapan ko kaya bumaling ako sa kanan.
Napasinghap siya at hindi makapaniwala. "Master, ano bang problema mo?"
Hinugot kami pababa ng balete hanggang sa mahulog kami sa loob ng panibagong balete.
Sa gitna ng kadiliman ay may panibagong liwanag ang sumulpot sa kabilang bahagi ng balete. Sinundan namin ang ilaw na iyon hanggang sa makalabas na kami sa balete.
Nakahalukipkip pa rin ako, at mabigat ang dibdib sa 'di ko malamang dahilan; nang mabato ako sa aking kinatatayuan sa karumaldumal na quest na sumulpot sa tapat ko.
—
Balete Quest
[Protect the remaining 13 people on Earth.]
Bring back humanity
Category: Main
Difficulty: S+
Time Limit: None
Penalty for Failure: None—
Dahil sa ika-777th Balete Quest ko ay nakabalik ako sa 'king mundong namumula na ang kalangitan, nangingitim na ang paligid sa dami ng halimaw na nagkalat, sira-sira ang mga building, at wala ng anumang buhay ng tao at kalikasan ang matatagpuan.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...