MIKO
Sumisigaw ng kamatayan ang buong mundo mula sa: pagpalahaw ng sampung dosenang higante, sagitsit ng daan-daang dambuhalang ahas, tiktik ng libo-libong aswang at atungal ng milyon-milyong halimaw.
Mabuti na lamang ay nandito kami sa ituktok ng burol at hindi nila kami napapansin. Sapagkat lahat sila ay nagmamartsa tungo sa kabilang direksyon, at sa bawat dinadaan nila ay gumuguho ang mga gusali.
Nahihirapan akong kilalanin ang mundong napuntahan namin ngayon. Naglalakihan ang apoy sa mga gusali sa siyudad, at ang nasusunog na kagubatan sa katabing burol namin ngayon. Ang itim na usok at abo nito ay abot hanggang sa namumulang kalangitan. At sa ituktok ng baleteng pinanggalingan namin ay ang magkadaupdop na araw at buwan.
Habang iniisa-isa ko ang pagbabago sa mundong ito ay nanlalambot ang tuhod ko.
Ibinuka ko ang aking bibig para kumpirmahin kung anong misyon ang gagawin ko para sa mundo kong ito nang walang boses ang lumabas mula sa akin.
Nagsimulang mag-init ang sulok ng aking mata habang sinusundan ng tingin ang mga halimaw patungo sa gabundok na bungo.
Mga bungo ng tao.
Tila ba kay tagal na nilang pumanaw at naging buto na lamang sila.
Bago ko pa makita kung ano ang nasa ituktok ng mga bungong ito ay napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Sumakwel.
"Miko." Si Sumakwel ang unang nakabawi ng huwisyo sa amin. Nang bigla niyang hapitin ang aking bewang at inalalayan ako patayo ng tuwid. "Nasaan tayo? Papatayin ba natin ang lahat ng halimaw rito?"
Napatunghay ako sa kanyang hindi makapaniwala. "K-Kaya ba natin?"
Siya naman ang umurong ang dila, umiling at napaiwas ng tingin. Sa lapit naming dalawa ngayon ay nakalimutan ko na ang sama ng loob ko kanina.
"Nasa mundong kinagisnan ko tayo."
Marahas niya akong nilingong muli nang may nanlalaking mata, samantalang ako ay napayuko at hindi matanggap ang mundong dinatnan ko.
"Ito ang mundo kung nasaan ang mga magulang ko."
Nabasag ang aking boses sa pagpigil na kumawala ang aking hikbi.
"Patawad." Mas humigpit ang pagkakakapit ni Sumakwel sa akin hanggang sa mapasubsob ako sa kanyang dibdib.
"P-Patayin ko sila," sambit ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
"Miko." Malumanay niyang tinapik ang likod ko.
Nagbago ang aking timpla at kumulo ang aking dugo sa namumuo kong galit.
"K-Kakainin ko silang lahat," madiing giit ko at tinulak si Sumakwel palayo.
Agad kong hinanap ang gabundok na bungo, upang tapusin ang pasimuno ng lahat ng ito.
[You are using Monster Sensor.]
"Inventory." Kinuha ko ang aking punyal at tutunghayan na ang ituktok nito nang masilaw ako sa biglang pagliwanag ng balete sa may tabi namin.
"Miko!" sigaw ng pamilyar na matinis na boses.
Palingon pa lang ako sa kanya nang biglang may kakaibang tumusok sa loob ng aking puso. Napaubo ako ng dugo kasabay ng pagluwa ng aking mata sa init.
[A tremendous amount of Monster Aura has been detected.]
[Monster Sensor has been canceled for the player's safety.]
Nagdoble ang aking paningin at muling tutunghayan ko pa ang ituktok. Nang biglang may isang pader na apoy ang humarang sa aking paningin.
"Pumasok kayo rito. Bilis!"
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasíaWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...