Chapter 30

372 28 1
                                    

MIKO

Lamukos ang aking mukha hanggang sa matapos kaming magpapalit ng piloncitos to cash sa may bangko rito sa mall. Hindi ko akalaing 1,000 pesos din ang halaga ng isang piloncitos.

Umaasa akong mas higit pa ro'n ang matatanggap ko dahil ginto rin ito. Pero dahil na rin sa pagdami ng katalonan ay dumadami ang supply ng ginto kaya bumababa ang presyo nito.

Wala namang problema sa akin dahil sa dami ng quest na na-clear ko ay ang dami ko ring naipon na piloncitos. Kaya nagpapalit na lang muna ako ng kung magkano ang kakailanganin ko ngayong buwan.

Napakibit balikat ako habang nakasunod kina Ate papuntang grocery store. Magkatabi sila ni Nigel habang ako naman ay katabi si Sumakwel.

Panay ang paglibot ng tingin ni Sumakwel sa iba't ibang store at maging ako ay hindi maiwasang mamangha sa dami ng pinagbago ng mundong ito.

Napadaan kami sa department store nang biglang lumihis si Sumakwel papasok doon.

"Sumakwel!" Bigla akong napasunod sa kanya at hinawakan ang pulsuhan niya.

Napahinto siya at mapagpasensyang napangiti.

"Bibili na ba kayo ng damit?" tanong ni Nigel na hinihintay kami.

Napalingon ako kay Sumakwel na nagniningning ang mata.

"Hintayin na lang namin kayo pagkatapos ninyo," sabi ni Ate.

Umiling ako sa kanila. "Huwag ninyo na kaming hintayin, kaya ko namang mag-teleport."

"Kadaling maging tamad kapag ganyan ang kapangyarihan," kantyaw ni Ate.

"Sige, mag-iingat kayo," paalam ni Nigel.

"Maraming salamat," sagot ni Sumakwel at agad akong hinatak papunta sa department store.

Naging mabilis ang takbo ng oras habang magkasama kaming dalawa. Bumili kami ng damit, sapatos, tsinelas, bag, at kung ano-anong necessities na kailangan namin.

Tapos kanina ay may couple na nakita kami na magterno ang damit. Kaya matapos no'n ay kung anong kuhanin ko ay kumukuha na rin siya ng para sa kanya.

Habang magkasama kami ni Sumakwel ay napansin kong paunti-unti ay dumadami ang matang nakatingin sa amin. Nang pakinggan ko sila ay kilala pala nila kami dahil sa nangyaring pagligtas namin sa mga tao no'ng balete outbreak.

Hindi naman sila nanggugulo at minsan ay kinukuhanan lang kami ng picture kaya hindi ko na lang din sila pinansin.

Matapos ng madami naming pamimili ay hindi ko na alam kung paanong pagbubuhat ang gagawin ko kaya binaba ko na muna ang mga shopping bags sa may baggage counter.

"Anong susunod nating bibilhin, Miko?" tanong niya habang naglilibot kami.

"Nabili na natin ang kailangan natin. Kaya maglibot na lang tayo."

"Masusunod," tugon niya.

Sinundan niya ako paikot sa mall hanggang sa makarating kami sa itaas. Nang madaanan namin ang sinehan ay napahinto si Sumakwel.

"Bakit?" tanong ko.

Pagsilip ko ay nakatitig siya sa isang BL movie poster. Kung saan may dalawang lalaking naka-close up at magkadikit ang noo habang nababasa ng ulan.

"Napakalinaw at napakaganda ng larawang ito na nagpapakita ng kanilang pagmamahalan," sabi niya habang hinahaplos ang glass frame. "Nakakamangha talaga ang imbensyon sa inyong mundo. Nais ko rin na manatili ang memorya ko na kasama ka tulad nito, Miko." Bigla siyang lumingon sa akin pagkasabi ng pangalan ko.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon