Chapter 37

330 27 0
                                    

MIKO

Nandito ako ngayon sa isang bodega. Gawa ang pader at sahig nito sa metal. Habang ang magkabilang pader ay mayroong kadena na siyang nakagapos sa magkabilang kamay at paa ko, sa ulo ko, sa leeg ko, at sa bewang ko. At mayroon ding nakabusal na leather sa aking bibig.

Nakalambitin lang ako sa gitna ng madilim na bodega. At mayroon lamang kaunting sinag ng araw mula sa bintana para makita ko ang nakakaawang kalagayan ko.

Wala naman talagang dahilan para gawin nila ito dahil kahit anong pagpumiglas ko ay hindi ko na maramdaman ang dating lakas ko.

Dati ay tinatawag nila akong pinakamalakas na katalonan sa buong mundo, ngunit ngayon ay sigurado ako. Sigurado kong ako na naman ang pinakamahinang katalonan sa buong mundo.

Tanging poison immunity lang ang mayroon ako, at humina na rin ang attributes ko. Hindi lang basta pagtapon, kung hindi kinuha na talaga nila ang lahat sa akin.

Ano pang silbi ko?

Napatingala ako sa bintana nang mapansing unti-unti ng umaakyat ang buwan sa may araw. Gusto kong malaman kung anong nangyayari ngunit masyadong makapal ang pader para marinig ko ang nasa labas.

Gano'n na ba katagal ang lumipas dito at dumating na ang araw na kinatatakutan ko?

Ang pamilya ko? Ang kaibigan ko? Ang katrabaho ko?

Wala na ba talagang pag-asa para iligtas ko sila?

Binasura na ba ng lahat ang tiwala nila sa akin?

Masyado ba akong nagpakampante sa misyon ko?

Bakit?

Bakit wala ng nangyaring tama?!

Nag-init ang sulok ng aking mata habang nakatitig sa araw at buwan.

Padating na ang paglaho.

Ang eclipse na siyang kinatatakutan ng lahat mula pa no'ng sinaunang panahon. Dahil ito ang araw na lalamunin ng kadiliman ang liwanag.

At ayaw kong mangyari iyon.

Kaya parang awa mo na . . . Sumakwel.

Natulala ako sa namumulang kalangitan. Nanlulumong napayuko ako ng ma-realize kong siya nga pala ang may pakana nito.

Pero ginawa niya lamang ito para matigil na ang mga katalonan at ang utos ng mga diwata na patayin ako. Ang kaso ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikukulong nila ako ng ganito rito.

Kung hindi siya ang makakatulong sa akin ay . . ..

Napatunghay akong muli sa namumulang kalangitan; kung saan nagawang magkislapan na ng mga bituin.

. . . Diwata Yna Guinid.

Nagawa kong kumain ng mga halimaw ng dahil sa poison immunity. Nagawa kong iligtas ang madaming tao sa iba't ibang dimensyon ng dahil sa kapangyarihan ng mga halimaw.

Masyado akong nagmalabis no'ng una sa kung bakit ito lang ang abilidad na ibinigay ninyo sa akin. Ngunit ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit.

Ipinagkaloob ninyo sa akin ito dahil ito ang kailangan ko kahit na hindi ito ang gusto ko. Nang dahil sa inyo ay naging malakas ako at masaya akong nakatulong ako.

Kaya sa huling pagkakataon, muling ibigay ninyo ang kinakailangan ko.

Kahit anong kapalit ay tatanggapin ko, tulungan ninyo lamang akong matapos ang misyon kong ito.

Pakiusap . . ..

Naghintay ako. Umaasang may mangyayari. Ngunit paano nga naman malalaman ng diwata kung ano ang nasa isip ko kung hindi ko sasabihin.

Nanlulumong bumagsak ang balikat ko. Natulala ako sa makintab na metal na sahig kung saan naaaninag ko ang mukha ko.

Ang mukhang lumiit at namutla dahil sa gutom, pagod at uhaw. Punit-punit na ang aking white polo shirt at slacks nang dahil sa panlalaban ko. May magtitiwala pa kaya sa akin kapag ganito ako?

Habang nakatitig sa sahig ay biglang nagliwanag ang katawan ko. Napatingin ako sa sarili kong umiilaw at tila kinikiliti ako nito sa liwanag.

Nagliliwanag ako ngunit hindi ako nag-iinit. Wala akong nararamdaman na sakit kung hindi ay isang ginhawa. Tila nawala ang mabigat na kadenang nakagapos sa akin at lumilipad sa gaan ang katawan ko.

[Your Diwata has Restored your Health.]

[Your Health is Fully Replenished.]

Ang kaninang pagod at bigat ng katawan ko ay naglaho. At malaya kong nagalaw ang aking sarili dahil sa lakas ko.

Totoo ba ito?

Sa loob ng pitong taon ay ngayon ko lang nakita ang diwatang sumusuporta sa akin na nakasulat sa hologram ko.

[Your Diwata has given you a Personal Attribute.]

[Poison Transmutation: Transforms matter into poison.]

Ang lahat ng kadenang nakagapos sa akin ay umusok at natunaw. Hanggang sa malaya akong nakababa sa sahig na may mga tumutulong malapot na lason mula sa natutunaw na nagkakapalang kadena.

[Your Diwata has given you a Personal Attribute.]

[Acidic Area: Create an area of poison within 3 meter of radius.]

Nagtungo ako sa makapal na metal door. Wala man lang handle o lock ito dahil paniguradong ang lahat ng ito ay nasa kabilang bahagi ng pinto.

Gagawin talaga nila ang lahat para hindi ako makalabas.

[You have activated Acidic Area.]

Mula sa 'king kinatatayuan ay natunaw ang sahig at gumapang ito hanggang may pintuan. Tatlong metro paikot sa akin ay natutunaw ang lahat ng bagay: ang metal na sahig, pader at pinto. Maging ang leather shoes ko ay natunaw.

Karaniwan sa mga asido ay nakakapanuot sa ilong ngunit wala man lang akong maamoy rito. At parang tubig lang sa nakayapak kong paa ang likidong tumutunaw sa makapal na pintong bakal.

Pagtungtong ko sa labas ng bodegang ito ay bumungad sa akin ang malaking bakuran. Sa dulo ay may mataas na pader ngunit wala namang taong nagbabantay.

At alam ko kung bakit.

Dahil kahit nandito ako, natatanaw ko sa likod ng harang ang naglalakihang gisurab na nagwawala sa siyudad, ang nagliliparang manananggal at gabunan, ang mabibilis na tumatalong segben, at ang madami pang halimaw na siyang naghahasik ng lagim sa mundo namin.

[You Gained a Tremendous Amount of Mana.]

[You have Maxed Level your Mana.]

"Akala ko ay tinalikuran mo na rin ako." Matamis akong napangiti sa bituin at napaluha sa sobrang tuwa. "Maraming salamat, Diwata Yna Guinid." 

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon