MIKO
Pikit mata kong ginagalugad ang buong kapaligiran. Pinapakiramdaman ko ang bawat sulok nito nang biglang mawalan ako ng balanse sa bigat ng tensyong dumagan sa akin.
Napasinghap ako pagmulat habang hinahabol ang kinakapos kong hininga. Shit! Mukhang malalakas na halimaw ang mabigat na tensyon na iyon, ah!
Delikado na 'ko rito.
"Mamamatay ka na ba?" nakatatangang tanong ng impakta.
Sa ingay ba naman ni Rula ay nakakatunog na ang mga naglalakasang halimaw sa palibot namin.
Tinalikuran ko na lamang siya at nagtungo sa kung saan ang may pinakamahinang halimaw.
"Hoy, sandali!"
Habang binabaybay ang patay na kagubatan ay napansin kong gumaan na ang pakiramdam ko. Epekto na rin ng pagkain ko ng halimaw ay tumaas ang health ko, at kusang naghilom ang aking katawan dahil sa recovery rate.
"Saan punta mo, ah?" kulit ulit ni Rula habang paikot-ikot sa ulunan ko habang nakasunod sa akin.
Gawa ng nagliliyab niyang ulo ay nagkaroon ng liwanag sa dinadaanan ko.
Abala si Rula sa paglipad at pasulyap sa mga patay na puno, gabundok na dahon at sa kung ano man ang nasa harapan namin dahil sa kapal ng hamog.
"Nako napakaduga talaga ng kapangyarihan mo, anong balak mo, ah? May halimaw kang pinupuntirya, 'no? Anong kakainin mo, ah? Nako," walang tigil niyang lintaya, "kakakain mo lang tapos kakain ka ulit. Ang takaw mo talaga!"
Natigilan ako sa ingay nang madurog ang tuyong dahon na natapakan ko.
Pinakiramdaman kong muli ang paligid pero nanatiling magaan ang katawan ko.
[You are using Monster Sensor.]
Mukhang wala naman akong nagagambalang halimaw.
[You've used 17% Mana.]
[Mana: 25/50]
Nagpatuloy ako at hindi na inabala ang ingay ng paghakbang ko. Basta ang mahalaga ay makarating agad ako sa patutunguhan ko.
"Malayo pa ba tayo?"
Nangasim ang mukha ko kay Rula.
Talaga ba?
Naghinang ang aming mata at bigla siyang nag-puppy eyes.
How to unsee?
Mariing nag-iwas ako ng tingin habang binubura sa aking isip ang nagpapa-cute na maligno.
Hay nako. Mas mabuting hindi ko na lang siya pansinin.
Nang malapit na ako kung nasaan ang mahinang halimaw ay naalerto ako. Kailangan ko nga pala ng weapon! Naghanap ako at nakapulot naman ako ng makapal na sanga ng puno na may talim ang dulo. Mas mahaba ito sa akin kaya para tuloy itong sibat.
Okay, na ito.
*****
Pagdating namin doon ay hindi namin inaasahan ang pangyayari. Gaya kanina ay wala man lang kahit na anong bakas sa nagkalat na tuyong dahon. Mapapansin mo talagang matagal ng walang dumadaan o nagpupunta rito. Inaasahan ko pa namang may nakakagimbal na atungal ng halimaw ang sasalubong sa 'min; nang nakabibingi naman ang katahimikang bumungad sa 'kin.
"Oh, ano na?" tanong ni Rula na paikot-ikot pa rin kaya natataboy niya ang mga hamog at malinaw kong naobserbahan ang paligid, ngunit wala.
Walang halimaw.
Pero sigurado ako, e.
Sigurado talaga akong may nararamdaman dito.
Hindi ako nagpakampante at inamba ang matulis na sanga. Lumapit ako sa magkatabing puno kung saan pinakamabigat ang tensyon at pinaghahampas ito.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...