MIKO
Nakalinya kaming lahat sa bungad ng kagubatan upang harapin ang aming pagsusulit na maging ganap na katalonan.
—
Balete Quest
[Prove yourself to your Diwata]
Kill one or more monsterCategory: Tutorial
Difficulty: F
Time limit: 3 hours
Penalty for Failure: Trapped in this Dungeon—
Tahimik na nagpakiramdaman ang lahat nang unang maglakas loob na pumasok sa hamog ang batang lalakeng pasyente na tila walang buhay—maputla ang kanyang mukha, maiitim ang ilalim ng kanyang mata, at patpating ang kanyang katawan.
"Saglit!" pigil ng nurse pero hindi man lang siya nito kinibo.
Nagkatanginan ang isa't isa sa amin sa kung sino ang susunod sa batang yaon ngunit walang naglakas ng loob.
Madilim ang mukha ng lahat at panay ang iwas ng tingin sa pagkubli ng kanilang takot.
Maging ako ay napayukom ng kamao habang pinipigilan ang pangangatog ng aking tuhod. Hanggang ngayon ay wala pa ring tigil na nagre-replay sa akin ang mga nasaksihan kong kamatayan kanina.
Ngunit hindi rin nagtagal ay sumulpot din ang batang pasyente sa harapan namin. Balot ng nagtalsikang dugo ang hospital gown niya na umabot pa sa kanyang pisngi.
At tulad kanina ay hindi pa rin siya makikitaan ng anumang emosyon. Samantalang lahat kami ay nakangangang sinusundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa balete ng hindi tumitilansik na bangkay.
Nagawa niya ang tutorial!
"Mas ligtas kung maggugrupo tayo," sushestyon ng isa.
"Ano munang kapangyarihan mo?"
"Sinong tutulong sa akin? Magbabayad ako paglabas natin dito."
Kanya-kanya silang diskarte sa paggrupo at matapos ay buong tapang silang pumasok sa kagubatan.
"Ano pang hinihintay mo, Miko?" Nilingon ako ni William na siyang papasok na rin. Paghanap ko sa iba ay ako na lang pala ang natitira.
Napahinga ako ng malalim at tumango. "Iyan na."
Pagpasok namin ay agad na hinalukay pabaligtad ang aking sikmura kaya napatakbo ako sa isang puno at doon nilabas ang mga kinain ko. Sinuportahan ko ang aking sarili ro'n habang pilit na binubura ang imahe ng tatlong katawan. Katawan ng dalawang tumakas kanina at ng isang pulis kung saan butas na ang kanilang mga sikmurang nawalan na ng lamang loob.
"Okay ka lang?" tanong ni William at hinagod ang likod ko.
"Okay lang." Naduwal ulit ako.
Para sa iyo talaga, okay lang ako.
Nagbigay siya ng panyo sa akin na agad kong tinanggap. "Thank you."
Abala ako sa paglilinis sa aking sarili habang siya naman ay inuusisa ang tatlong bangkay.
"Mukhang nagkatotoo na ang mga aswang," saad niya.
Nangunot noo ko. "Paano mo nasabi?"
"Iyong burulakaw kanina para siyang bulalakaw 'di ba? Tapos iyong mga diwata, sila iyong katumbas ng mga gods and goddesses sa Philippine Mythology na madalas kong mabasa sa internet. Tapos itong mga bangkay na ito ngayon, para siyang gawa ng aswang na dating nasa TV lang."
Tama siya ro'n. "Ako rin, hindi ako makapaniwala."
Ang hirap tanggapin pero sa dami nang nangyari ay ang hirap nang hindi maniwala.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...