MIKO
Siniksik ko ang aking sarili sa may loob ng malaking punong pinagtataguan ko. Malalim na ang gabi, at ang tanging ilaw ko ay ang pasulpot-sulpot na hologram.
[You gained +1 recovery.]
[Your poison immunity has leveled up.]
Dahil sa nagliliwag na asul na hologram ay naging malinaw sa akin ang nagbabadyang peligro sa labas ng puno. Sa laki ng gumagapang nitong makaliskis na katawan ay paniguradong ako na ang susunod niyang hapunan!
"Character Status," bulong ko at muling lumitaw ang hologram sa ere.
Simple lang ang hologram: medyo transparent na kulay blue at mayroong white border.
---
[Character Status]
Name: Miko
Age: 25Level (1)
Health (20/50)
Mana (30/50)Supporting Diwata: Yna Guinid
Personal Attribute: Poison Immunity (Lv. 4)Strength (Lv. 1)
Defense (Lv. 1)
Speed (Lv. 1)
Intelligence (Lv. 2)
Recovery (Lv. 7)
Mana (Lv. 1)---
Tahimik kong binasa ang character status ko. At kahit ilang beses kong basahin ito ay hindi ko pa rin matanggap na sobrang hina at napakawalang kuwenta ng kapangyarihan ko!
Biglang may makapal na berdeng usok ang bumalot sa pinagtataguan ko. Napatikom ako ng bibig nang magbuga na naman ng nakakalasong usok ang halimaw.
Napatingala ako ngunit kahit saan ako lumingon ay may berdeng usok! Shit. Binalot na ng usok ang punong pinagtataguan ko!
[You have consumed a poison.]
[Health dropped to 25%]
[Health: 15/50]
Sa tagal kong nagpipigil ay kinapos din ako ng hininga. Nalanghap ko ang maasim na usok na tila humawak sa aking baga't piniga ito nang paulit-ulit.
Mabilis na sinalakay ng nakalalasong usok ang kinukumbulsyon kong katawan hanggang sa tila sinusunog na ako sa init.
Napakislot ako sa sakit ng panibagong hapding sumalakay sa bawat himaymay ng aking katawan.
Tila hiniwang muli ang bumuka kong sugat sa tagiliran na nagpading sa akin. Pagsapo ko rito ay binalot ng malapot na likido ang aking buong palad sa dami ng dugong tumatagas.
[Poison Immunity has countered the poison.]
Dahan-dahang gumaan ang paninikip ng aking baga at ang lason pa ang nagsilbing init na nagpaginhawa sa kumikirot kong sugat.Nakahinga ako ng maluwag ng umepektong muli ang kapangyarihan ko.
[You gained +2 recovery.]
[Health: 17/50]
Hindi nagtagal ay naglaho ang nakakalasong usok nang dumagundong naman ang nakakarinding sagitsit ng Marcupo. Agad akong napatakip ng tenga, at alerto ang tingin sa gintong mata ng dambuhalang ahas.
[You are Stunned with Marcupo's Hissing Song.]
[Hissing Song: Super loud high pitch hissed that can cause temporary deafness and migraine in one minute.]
Gumapang ang kuryenteng nagpanginig sa bawat himaymay ng aking katawan. Dumoble ang aking paningin pero pilit ko pa ring dinederetsyo ang aking atensyon—alerto sa pulang ahas na sinusubukan akong lapain.
Kinagat ng Marcupo ang punong pinagtataguan ko nang bumaon lamang ang matalim niyang ngipin sa makapal na punongkahoy.
Sa wakas....
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...