MIKO
Kaunting kaluskos lang sa labas ng guest room ay napabalikwas na kami ni Sumakwel. Umugong ang pinto na nagpatalon sa akin paalis ng kama at napahablot ako ng punyal sa ere; samantalang si Sumakwel ay nakabuka na ang palad at bibig para sa kanyang inkantasyon.
Linuwa ng pinto si Ate na gulong-gulo sa amin. "Anong ginagawa ninyo? Gising na pala kayo."
Sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Sumakwel.
"Bakit ba?" iritang tanong ko kay Ate.
"Bumaba na kayo at kakain na."
Pagsara niya ng pinto ay dumaan ang katahimikan sa aming dalawa ni Sumakwel. Bahagya akong napasilip sa kanya nang matagpuan kong nasa akin na naman ang malamlam niyang gintong mata.
Kumikinang ito sa ilalim ng mainit na sinag ng araw; gayon din ang mahabang buhok niyang nakalugay.
"Magandang umaga, Miko," pagbasag ng malalim niyang boses sa katahimikan.
May kung ano na namang sumikdo sa puso ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Mukhang may side effects pa ang mana drain kaya hanggang ngayon ay mainit pa ang katawan ko lalo na ang mukha ko.
"Magligpit muna tayo ng pinaghigaan bago bumaba," utos ko.
Inayos ni Sumakwel ang comforter at unan, samantalang ako naman ay nagtiklop ng kumot. Matapos no'n ay nagtungo kami sa CR ng guest room na ito para maglinis ng mukha.
Habang nagkukuskos ako ng mukha ay panay ang paglaro ni Sumakwel sa handle ng faucet. Akala ko ay magbabanlaw na siya iyon pala ay maglalaro lang.
"Tigilan mo na iyan, magbabanlaw na ako."
Tumabi naman siya habang pinapanood akong magbanlaw ng mukha. Matapos ay ginaya niya rin ako na naghugas ng mukha.
May nakita akong dalawang toothbrush sa may cabinet kaya ginamit na rin namin ito. Bago lang sa kanya ang ganito kaya tinuruan ko na siya't sabay kaming nag-toothbrush.
No'ng mag-mouth wash na kami ay biglang dinura niya ito dahil daw sobrang lamig. 'Di ko mapigilang tumawa at binigyan na lang siya ng baso ng tubig pangmumog.
Nang matapos kami ay lumabas na rin kami ng guest room; sakto namang papadaan si Ate.
"Oh, anong ginawa ninyo? Kanina ko pa kayo hinahanap, kakain na."
"Nag-tooth brush lang kami."
"Nang sabay?"
I was about to answer nang pumilya ang kanyang ngiti at umarko ang kilay.
"Opo," sagot naman ni Sumakwel na ikinalaki ng ngiti ni Ate.
"Kayo ha!"
"Alam mo seven years kaming hindi nag-toothbrush noh, kaya wala ka ng pake kung sabay kaming mag-toothbrush."
"Yuck!" Nangingisay sa pandidiri na nilagpasan kami ni Ate at naunang magpunta sa lamesa.
Pagsunod namin doon ay nakahanda na ang lahat ng pagkain sa hapagkainan. Nakapuwesto na rin sina Mama at Papa, kaya agad na rin akong umupo.
"Sumakwel, halika na rito," aya ni Mama.
"Huwag kang mahiya," dagdag ni Papa.
Tipid na napangiti si Sumakwel habang palapit sa amin. Gaya kahapon ay naupo siya tabi ko, samantalang ako naman ay nagsasandok ng sinangag at itlog sa plato niya.
"Salamat," sabi niya matapos ko siyang sandukan.
Habang kumakain ay panay ang tanong nina Mama at Papa patungkol kay Sumakwel.
BINABASA MO ANG
Beast-Eating Hero
FantasyWattys 2023 Winner | Most Engaging World Award I'm Miko, an overweight chef, and a part-time mukbang livestreamer. And I believe that food is life. But one day, dungeons appeared inside the balete trees. And chosen people are transported in this dun...