Chapter 27

377 24 0
                                    

MIKO

Kung kanina ay walang kabuhay-buhay na pumasok si Keeno sa hospital room; ngayon ay ginagapang na siya ni David palabas nang takasan na siya ng kaluluwa nito.

"Miko?" bati ni Ate pagsilip niya mula sa pintuan.

"Ate, makakauwi na ba ako?" tanong ko.

"Maayos ka na ba?"

Tumango ako't ngumiti sa kanya na parang walang nangyari. "Isang araw lang naman ang Mana Drain. Maayos na 'ko. At saka na-heal na rin ako ni Sumakwel."

Hangga't hindi ako nakakasiguro sa misyong ito ay mananatili akong tahimik. Ayaw ko ring ilagay sila sa kapahamakan.

"Anong sabi nila kanina?" tukoy ni Ate kina Keeno at David. Naupo siya sa tapat ko na kaninang kinauupuan ng mga inspector kanina.

Nakakapanibago. Ang huling kita ko kay Ate ay nag-aaral pa lang siya sa hospital. Mahaba pa ang buhok niya noon ngunit ngayon ay maikli na kaya bumata pa ang itsura niya.

Pero mukhang tumaba si Ate dahil sa katandaan. Hindi tulad ng fit na katawan niya noon ay medyo lumapad na ang kanyang braso at may belly fats na rin siya.

"Nagtanong-tanong lang sila. Tapos ang sabi nila ay sila na raw bahala sa registration ko at ni Sumakwel bilang katalonan. May gano'n pa pala rito," paliwanag ko pero nakatingin lang si Ate kay Sumakwel.

Bumaling ako kay Sumakwel na nakatitig lang sa akin na may ngiti sa mga labi.

"Ah, Sumakwel." Tinapik ko ang balikat niya. "Siya nga pala ang Ate ko." Nginuso ko si Ate na kanyang sinulyapan saglit. "Patrice Madrigal ang pangalan niya."

"Kahit Pat na lang," sabi ni Ate. Pagngiti niya ay umarko ang kanyang mata at gumuhit ang wrinkles dito. "Actually, Patrice Saringan na ako. Mayroon na akong asawa."

"Oh? Pakilala mo naman," sabi ko.

"Mamaya. Susunduin niya tayo rito."

Humarap si Sumakwel kay Ate at seryosong tumango. "Ako si Sumakwel, isang alipin ni Miko."

"Alipin?" Hindi mapintang mukha niya.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan na siyang pagak kong tinawanan.

"Masyado ng na-adik si Sumakwel dahil sa tagal naming nasa loob ng makalumang panahon. Ganyan talaga siya. Sinasabi niya lang na magkaibigan kami."

Napa-ahh si Ate habang kunot noo pa rin kay Sumakwel. "Halata nga, ang lalim mo na rin magsalita. Pero sure ba na as friends talaga kayo?"

"Oo."

Nandilat ang mata ni Ate sa akin.

"Bakit?" tanong ko nang mapalabi lang siya habang patuloy pa rin sa pandidilat ang mata.

Ano namang ine-expect niya?

"Hindi kayo mag-boyfriend?" tanong niya pa.

Marahas akong napaubo nang may humagod pabaligtag sa 'king sikmura.

"Master." Tinapik ni Sumakwel ang likod ko habang malapit ang mukhang inusisa ang kalagayan ko. "Anong nangyari?"

Napayuko ako habang takip ang aking bibig sa pag-ubo. Nang biglang hagudin ni Sumakwel ang bangs ko paitaas.

"Sumakwel, okay lang." Magaan ko siyang tinulak palayo at pinukulan ng tingin si Ateng mapaglaro ang ngisi.

"Huwag mo nga kaming lagyan ng malisya. Magkaibigan lang kami ni Sumakwel."

Ngiting tagumpay pa siyang nang-aasar. "Okay, sabi mo, eh. Pero alam mo walang magkaibigang ganyan ka-close."

"Wala ka lang close friends!"

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon