Chapter 4

659 32 4
                                    

MIKO

Dalawang taon na rin ang nakalipas nang maging chef ako. Umalis na ako sa madaming part time job ko noon dahil sapat na rin naman na ang kinikita ko ngayon bilang chef. Sa laki na rin ng kinikita ko ngayon ay nagagawa ko na ring mag-ipon kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako.

Though, nandyan pa rin ang masamang bunganga ni head chef. Pero okay lang dahil alam kong pare-pareho lang din naman kaming stress.

Still, umuuwi akong masaya dahil sa alam kong hindi na ako nag-iisa ngayon, at nagawa ko na ring mahalin ang sarili ko dahil sa pagpapahalagang pinakita sa akin ng mga kasahaman ko sa restaurant.

Hanggang sa lumipas ang madaming araw at nasanay na akong nasa restaurant.

Umaga pa lamang at naghahanda palang din kami sa opening. Nagtungo ako sa storage room para kumuha ng mga ingredients. Kaso sa dami ng bawang at sibuyas ay hindi ko ito lahat mahawakan kaya isinilid ko na lamang ito sa 'king apron.

Habang nakayukong binibilang kung sakto na ba ang nakuha ko ay binuksan ko ang pinto palabas. Dirediretso ako sa lakad habang hindi tinitingnan ang dinadaan nang mapansin kong biglang nagdilim sa cooking area.

Paktay tayo kay head chef nito!

Hinanap ko ang switch ng ilaw nang matagpuan ko na ang sarili ko sa gitna ng kagubatan.

What the—

Nasaan ako? Paanong biglang naging gabi kung umaga palang kanina?

Nilingon ko ang pintong pinanggalingan ko pero tanging mga taong naguguluhan lang din ang aking nakita. Panay ang kanilang pagbatuhan ng mga tanong sa isa't isa; ngunit 'ni isa ay walang nakasagot kung papaanong napunta kami rito ng isang kisap mata sa isang hindi pamilyar na nakakatakot na lugar.

Nag-teleport ba ako?

Nakakumpol kaming lahat paikot sa napakatayog na balete. Sapagkat walang naglakas ng loob na pumasok sa nakakapantaas balahibo na kagubatan sa palibot namin.

Malalim pa naman ang gabi at hindi ko maintindihan kung papaanong nangyari iyon. Nakakapangilabot sa lamig ang makapal na hamog na siyang kumukubli sa kung ano mang kababalaghan ang nasa estrangherong lugar na ito.

"N-Nasaan ba tayo?" reklamo ng highschool girl na kulot ang buhok at pahimas-himas habang yakap niya ang kanyang sarili.

Iyon ay...hindi ko rin alam.

"Who dared kidnapped us?" asik ng isang may katandaang lalaking naka-barong pa.

Tingin ko ay may importanteng lakad siya kaya gano'n na lang ang galit niya ngayon.

"Hindi na nakakatuwa ang prank niyo na ito, ah!" sigaw naman ng lalaking mukhang tambay sa kanto—naka-basketball short lang siya at hubad baro ang malaking katawan. Agad akong napaiwas sa kanya ng maamoy alak siya.

Tanghali tapat pa lang kanina tapos naglalasing siya.

Tsk. Tsk. Tsk.

Pero sige na lang dahil biglang gabi naman na ngayon.

Inabala ko ang aking sarili sa pangingilala ng lahat ng mga kasama ko ngayon. At tulad ko na nakasuot ng uniporme kong black chef's uniform ay madali ko silang nakilala depende sa kasuotan nila.

May mga highschooler, housewife, policeman, businessman, teacher, nurse, patient (Okay lang ba siya?). Mayroon ding nakapambahay tapos iyong katabi niya ay naka-gown.

Ayos, ah.

Well, mukhang magkakaiba nga kami ng estado, edad, at personalidad. Kaya bakit kami ang napiling magkakasama rito ngayon?

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon