Chapter 35

354 25 0
                                    

MIKO

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas. Nagtago ako sa may kagubatan kung saan may madaming puno at malalaking damo.

[You have entered the state of hunger.]

Kasalukuyang naghahanap ako ngayon ng makakain pero wala akong mahanap na bungang prutas o halamang pagkain. Panay lang ang lakad ko sa pagbabasakaling may mahanap akong makakain.

Hanggang sa makarating na ako sa paanan ng burol, at kumaunti na ang mga puno.

[Your Health dropped to 3%.]

Sa loob ng isang linggo kong nandirito sa may kagubatan ay may isang halimaw akong naaalala—ang Marcupo.

Ang mga panahong nagtatago rin ako sa loob ng malaking puno at walang makain; at ang mga panahong inabandona rin ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Iyon din ang panahong kumain ako ng aswang para lang hindi ako mamatay sa gutom.

[Your Health dropped to 5%.]

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng makakain. Malayo na rin ako sa siyudad at mukhang wala ng taong naninirahan dito.

Ngunit akala ko lang pala iyon dahil sa likod ng bundok na ito ay may maliit na bayan. Pinapaikutan ito ng maliit na kabundukan kaya hindi ko aakalaing may kabahayan pala rito.

Nagtungo ako ro'n at mukhang tahimik lang ang mga tao rito. Abala ang mga kababaihan sa paghahabi at ang mga kalalakihan ay nagtatanim. Wala rin silang kable ng kuryente kaya parang nagbalik ako sa makalumang panahon.

Tuloy-tuloy lang ako paloob sa maliit na bayan hanggang sa marating ako sa isang manukan.

"Inventory." Kinuha ko ang aking punyal at tahimik na nilapitan ang isang nakawalang manok.

Nang mahablot ko ito ay agad kong ginilitan ito sa leeg. Hilaw pa ang manok pero dahil sa abilidad kong cannibalism ay hindi ko na ito nalalasahan.

[Cannibalism Activated.]

[Your Health gained to 3%]

Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Habang ginigilitan ko sa leeg ang pangatlong manok ay nakuha ng atensyon ko ang batang nakatayo sa may pintuan ng bakurang ito.

Isang batang lalaki na mukhang magpapakain ng manok niyang kinakain ko.

"Pa . . . " Nabitawan ko iyong manok. "Pasensya na, babayaran ko na lang ang kinain ko," sabi ko na parang kumain lang ako sa karinderya.

Tulala siya sa akin, lalo na sa dugong nagkalat sa baro, pisngi, at kamay ko.

"Mayroon pa po kaming babuyan sa may gilid." Tinuro niya ang gilid ng kanilang bahay kubo. "Kung nagugutom pa po kayo ay iyon na lang kainin ninyo."

Tumabingi ang ulo ko sa pagtataka. Hindi ba't siya ang dapat na magtaka kung bakit ako kumakain ng hilaw na manok?

"Hindi ka ba natatakot na kumakain ako ng ganito?"

Bata, hindi normal ito.

"Bakit naman po? Pare-parehas naman po tayong aswang dito," sagot niyang humulog sa puso ko.

Bayan ito ng aswang?

Nilibot kong muli ang aking tingin sa mga taong tahimik na ninirahan sa bayan na ito.

[You are using Monster Sensor.]

At bumagsak ang tuhod ko sa bigat ng tensyon.

[Your Mana dropped to 10%.]

Sa dami nilang aswang nandirito ay sobrang kapal ng tensyong dumagan sa 'kin. Napakagat labi ako nang manikip ang aking dibdib.

Hanggang sa 'di ko namalayang nalasahan ko ang dugong nasa 'king labi.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon