Chapter One:
"Hala! Nagpagupit ka ng buhok!?" bungad na sambit sakin ni Danica pagkapasok at pagkapasok ko pa lamang ng classroom. I'm well aware na iba ang hitsura ko ngayon pero hindi ko naman inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya.
Lumapit ito sakin na nagpapakita ng ekspresyon na para bang nakapatay ako ng tao; nilakihan pa naman ako ng mga mata at ang mga kilay niya nakataas.
Huminga muna ako nang malalim, lumakad sa upuan ko at saka binaba ang aking bag sa lamesa bago tumingin sa aking mga praning na kaibigan. "Marami na ata akong split ends kaya nagpagupit na ako. Pangit ba?"
May halo naman na katotohanan ang sinabi ko. The fact that I couldn't control my hair's split ends just angers me to the core. Siguro dahil na rin hindi ako palaayos na tao. At kasi heartbroken ako. I'm not being too cliché, honest. A new hairstyle means a new beginning-a new person I wanted to be now. Pero kadalasan kasi sa mga babae ngayon ay nagpapaigsi ng buhok kapag nakipag break yung boyfriend at sobrang nasaktan-na gusto mag move-on. Ipapakita niya sa lalakeng nagwasak ng puso niya what he's going to miss on. Edi, diba, magpapakatanga ang ex ko kapag gumanda ako! Loss niya na 'yun at kawawa siya kasi pinakawalan niya yung tulad ko para sa isang babaeng malaki lang naman ang hinaharap pero walang laman ang utak.
Akala mo naman talaga may binatbat ako.
Sa ngayon, pinaiklian ko ang buhok ko and they're obviously making a big deal out of it! Bagay naman daw sakin ang sabi nung nag-gupit kaya confident ako sa sarili ko ngayon.
"Bes, para kang nakawalang manika!" hinawi-hawi pa ni Winona yung buhok ko sa kung ano-anong anggulong kaya nito. "Meron ka palang gandang tinatago, ha!"
Napangiti ako kahit papaano sa sinabi niya. Hindi ko naramdaman na maganda ako kasi walang pumapansin na mga lalake sa daanan, o nagsisitinginan na mga babae, kaya feel ko normal lang naman ang hitsura ko. Parang nandyan lang, nag-eexist lang sa tabi-tabi. At knowing na napakajudgmental ng mga kaibigan ko, it's nice to hear a positive remark from them.
Kung anong mga tanong ang hinampas sakin bago namin namalayan na dumating na rin si Irish at mukhang hindi siya masaya. Natanggal ang ngiti sa aking mukha at napalitan lang ng pagtataka ang nararamdaman ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ang hitsura ko mula ulo hanggang paa na para bang nanghuhusga siya sa isang beauty pageant. And it seemed na mababa ang score ko-no chance of making it to the top three!
"Hindi bagay, Lyra." aniya at umupo siya na walang ibang inimik.
Parang nahulog yung puso ko nang marinig ko mula sa kanya ito. I was really confused kasi hindi ganito si Irish, halos same nga lang ang personality naming dalawa at never ko siyang narinig o nakitang nakalungkot o galit ba, ewan ko. All I know is that Irish was not feeling herself today kaya bibigyan ko muna siya ng space. I know she needed it. Every time na may tampuhan kaming dalawa, lalayo muna ako sa kanya para makapagpakalma siya ng sarili at saka na rin ako gagawa ng aksyon. Eh sa klase, magkatabi kami kaya sinuyo ko na lang sina Winona na sila muna ang tumabi kay Irish at pupunta na lamang ako sa likod ng klase wherein may isang available seat katabi ni Jeremiah Chua.
Nag assemble na ang klase nang makarating ang terror teacher namin na si Ma'am Jimenez. Biglang nag-iba ang hangin sa loob, parang bumigat na lang bigla. Halatang-halata ang pressure ng mga kaklase ko kasi may quiz sa kanya. At knowing me, I didn't study shit. Ewan ko, bahala na si stock knowledge. Buti na lang at essay magpa-exam si ma'am kasi kung hindi, bokya na ako.
I was in the middle of writing my essay when my pen fell. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun pero nahulog talaga ballpen ko. Siguro sa sobrang lunod ko na sa pag-aalala kung ano ang mga pinagsasabi ni ma'am nun para may maisulat lang ako na sagot at hindi ko namalayan nabitawan ko lang siguro ang hawak dito. Kukunin ko sana ito nang mauna ang mahaba at putting kamay ng katabi na dumampot nito mula sa sahig at inabot sakin. Tiningnan ko si Jeremiah na naghihintay na kunin ko ito sa kanya. Nahiya naman ako at kinuha kaagad ballpen.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...