Chapter Six:
It had been a little over a week nang matapos na ang acquaintance party. Surprisingly nag enjoy naman ako kahit sobrang tahimik ng kasama ko buong gabi. Dahil makapal din ang mukha ko at na trauma na umuwi mag-isa, nagpasabay ako kay Jeremiah nung pauwi na rin siya. Wala naman problema sakin na hindi niya dala yung motor niya kasi coding ang licence plate at magcocommute lang kami pauwi. Siempre hindi naman naalis ang mga tinginan ng mga taong kasama na nasa jeep nung mga oras na 'yun. Both nag overtime sila mama at papa sa trabaho nila, at hindi ko nadala ang cellphone ko dahil wala rin naman akong dalang bag so I practically had to beg on my knees to make him go and commute with me.
Masyadong mahal taxi.
Siguro na rin dahil sa mga suot namin at hindi pa ako masyadong nahaggard kasi hindi rin ako masyadong gumalaw. Ang ginawa lang namin nung event ay nag-usap, ako lang talaga, at kumain ng kahit anong makita namin dun. Hindi siya mahirap pakisamahan pero nawoworry din ako kung ano ang maisip niya tungkol sakin kasi ang daldal ko talagang tao pero dun lang sa taong kumportable kong kasama.
Nahiya muli ako sa kanya dahil hinatid niya ako hanggang samin. Nang sabihin niya na malapit lang naman yung bahay niya para maka sigurado lang at mapakali ako pero ako 'tong hindi na namataan ano pang hiya sa katawan at hiningi ang number niya. Hindi ako kaagad nanghihingi ng number nang may number pero ito lang ang magagawa ko kung gusto ko isuguro kung makakauwi siya ng safe and in one piece or anything. It's not like magiging textmates kami or something. Sobrang bad ko kaya sa pag reply kasi minsan hindi ko napapansin at minsan ayoko talagang pansinin, there was really nothing in between.
At ngayon, kung seswertehin nga naman ako sa tadhana sa kanya dahil kung sino raw ang nakuhang partner noon ay siyang magiging kapartner din sa auditions ng unang theatre play na gagawin namin.
Let me elaborate the story more na sinulat ng mga scriptwriters ang director mismo; tungkol ito sa isang babae may kakaibang kakayahan bilang tao at gagamitin niya ito para sa ikakabuti ng kanyang paligid pero nang nahulog ang loob niya sa isang lalakeng walang asal, walang modo at lalo na't hindi alam ang salitang 'kabutihan' ay bumaligtad ang mundo niya. Bali tanga yung babae at uto-uto pero madali lang akong makarelate lalo na ganun ang pinagdaanan ko. Ewan ko na lang kay Jeremiah kung susubukan niya na kasama ako o ako lang mag-isa but nevertheless I'm enthusiastic kasi first time kong mag-audition sa ganitong kalaking role.
Nang matapos na ang lesson ng teacher namin at lumalabas na ang mga kaklae ko para mag lunch, humarap ako kay Jeremiah para tanungin siya tungkol dito.
"Sasali ka ba?" ang tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya na nag-aayos ng gamit niya sa bag. "Sa theatre? Mago-audition ka?"
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako na tila ba may mga kustilyo siyang hinahagis sa diresyon ko. Nasanay na ako sa mga tingin niya dahil kahit saan at kahit kailan, hindi ko siya tinitigilan na patuloy lang pangungulit sa kanya. Kabisado ko na nga siguro anong klaseng mga tingin yung binibigay niya kahit kanino; ngayon ay inis lang talaga.
"No." ang tanging sagot lang niya.
I was getting used to his one word replies pero nag-iba bigla yung mood ko, yung pagka excite ko agad bumaligtad. Nahawa sa pinapakita niya sakin. Pero even though he was acting like this, I still forced a smile upon my lips.
"Sige na! Wala akong kasama mag-audition eh. Saka diba sabi nila yung kapartner nun yung kasama?" I pouted at him. Alam ko ang pagpapa cute ko ay walang magagawang epekto sa kanya but at least I'm actually trying to convince him kahit nagmumukha akong timang sa harap niya.
He shook his head slowly, nothing came out of his mouth. As expected.
"Hahayaan mo na stage crew ka lang? Yung hindi ka makaka perform sa harap ng maraming tao?" I still tried to pursuade him a little more pero mali ata ang nasabi ko kasi natandaan ko na hindi nga pala siya pala salitang tao and he sticks to his short answers.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Детектив / Триллер"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...