Chapter Twenty:
"Pwede ho bang makausap ang anak niyo?"
May narinig akong malalim at nakakatakot na boses na nanggaling sa pintuan. Nasa kusina ako na tinutulungan si mama magluto ng merienda dahil walang pasok si papa at pinagpapahinga namin siya.
May bigla na lang kumatok at ikinabigla ko naman na ako yung hinahanap. Binaba ko ang kutsilyo na ginamit at hinugasan ang mga kamay sa lababo para tingnan kung sino ba ang may kailangan sakin sa labas. Pumunta ako sa likod ni mama at sinilip ang tao. Nanlaki ang mga mata ko na may nakaharap saking tatlong pulis. Napunta sakin ang tingin ng isa.
"Kilala niyo ho ba si Irish Reyes?" tanong nito.
I hesitantly nodded at pinapasok sila ni mama sa loob. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. May masama bang nangyari kay Irish?
Bumalik saglit si mama sa kusina para ikuha ng maiinom ang mga hindi inaasahang bisita at pinaupo ko naman sila sofa sa salas.
"May nangyari ho ba?" tanong ko na kating kati na na malaman kung ano yung ganap.
"Patay na ho si Irish Gonzales. Nakita ang katawan niya sa quad ng eskwelehan niyo. Pinaghinalaan na tumalon siya mismo sa ikaanim na palapag ng main building at unang bumagsak ang ulo niya."
Parang hindi naman naiba ang tono ng pulis sa mga naririnig ko sa mga drama o sa telebisyon. Seryoso sila ngunit hindi nagpapakita ng simpatya. Sa paghuhula ko ay nasanay na silang hindi isama ang emosyon sa trabaho kaya hindi kaagad akong nakumbinse.
Napangiti lang ako pero nininerbyos sa loob-looban.
Kanina ko pa pinipilit sa isip ko na baka pinagtitripan na naman ako. Baka mga matatandang lalake lang 'to na kilala ni Irish para maawa ako sakanya. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang pagiging mag kaibigan namin ni Irish but did she ever think this is too much for me?
Alam naman niya hindi ako magaling mag cope up lalo na kapag ka close ko yung mga namamatay. She knows the shit I went through when my lolo died at pinapamukha niya sakin 'to? Hindi ko lang talaga matanggap na nangyari ito. Isa 'to sa mga panahon na hinihiling ko sa kalawakan na nanaginip lang ako.
My smile faltered when I saw seriousness in them.
"Paano nangyari yun?" tanong ko na nakunot ang noo. "I mean, wala naman siyang problema. Imposible naman na suicide 'yan."
Naglahad sila ng mga litrato sa lamesa ko at agad ako napalayo ng tingin.
Halos hindi ko nakilala ang babaeng nasa litrato. Lumalangoy siya sa lawa ng sarili niyang dugo. Hindi na normal ang posisyon ng kanyang mga braso at binti na pinakita sa imahe. Ang pinakadumiin sa utak at masaklap ay bukas ang mga mata niya na parang nagulat din siya sa pagkakamatay niya. Hot tears brimmed my eyes at sight of my once best friend dead.Alam kong hindi niya magagawa sa sarili niya 'to. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sakanya.
Siguro nga kasi hindi ko pala talaga ganun kakilala si Irish. Marami pala siyang tinatago. I should've pursuaded her more to tell me this kind of things. I never thought na magaling niyang itago 'to.
"Hindi ho. Naimbestigahan na namin ang katawan at hindi ito suicide. May bahid ng pagkaka suffocate sakanya ng lubid sa leeg. Kaya nais lang ho namin magtanong ng iilang tanong. Hinihingi namin ang kooperasyon ninyo."
Were they accusing me of murdering her? Did they think I was capable of killing someone innocent? Galit ako sa kaibigan ko, oo, pero hindi ako mapupunta sa ganun punto. Lumilipas na rin sng panahon at unti-unti ko nang tinatanggap ang sitwasyon.
Hindi nga ako marunong magtanim ng galit nang matagal. Natatakot nga ako humawak ng kutsilyo, pumatay pa kaya!
"Okay po, sir. Magtanong na po kayo." ang sabi ko nang makalma na ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Mystery / Thriller"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...