Chapter Seven:
Hindi ko alam kung ano nagawa o nasabi ko kay Jeremiah, baka nga may napakain ako ng hindi dapat pero nakumbinse ko talaga siya na sumali at mag-audition na kasama ko. Tuwing uwian ay sabay na kaming pumupunta samin dahil duon kami nagpapractise ng mga linyang aming bibitawan sa mismong araw. Wala namang issue si mama o si papa sakanya dahil hindi rin naman siya nagpapakita na may motibo siya sakin at hindi naman siya nagsasalita kahit kinakausap na siya; kailangan ko pang i-explain nang maigi sa mga magulang ko kung paano siya kapag hindi na ako ang kausap -mahiyain sa ibang tao.
Sa kabila nito ang pag-iwas sakin ng mga kaibigan ko. Araw-araw na akong pinupuno ng texts na layuan siya at bigla na lang tumigil nang hindi ko rin tinigilan si Jeremiah. Like I said before, I am my own person and people shouldn't dictate on what I should do. Kung magiging honest ako talaga, kahit na bihira lang ako makarinig sakanya, mas gugustuhin ko pa siyang kasama keaya sa mga kaibigan kong hindi rin natitigil yung bunganga. At least yung pagiging madaldal mo gamitin mo sa nakakabuti, you don't go around judging other people when you personally don't even know their story.
I'm personally a victim of that kaya ayokong gawin sa kapwa ko rin kasi alam ko ang mararamdaman nila. Being misunderstood because of issues that surround you? Your name? Your appearance.
Bullshit.
Maraming tao ipinapangalan akong parang alaga nilang tatlo dahil palagi akong nasa likod, tuta kung baga; ako gumagawa ng mga projects and assignments nila at ginagawa ko lahat ng pinapagawa nila. But that was before ako mapuno at nag pa-fight back para sa sarili ko. Narealise ko na hindi kailangan tapak-tapakan ang dignidad ko para lang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan ko pa rin naman sila at naging mas maayos naman ang trato nila sakin to my surprise.
Nang makakita ako ng nagtitinda ng kwek-kwek, agad akong lumapit dito at kumuha ng stick at tumusok ng tatlo bago magsawsaw. Hindi kasi ako nagpapalipas ng street food kapag nakakakita ako. Tiningnan naman ako ni Jeremiah na parang napaka kadiri kong tao. Binayaran ko na lang si kuyang nagbebenta kasi medyo na offend ako sa expression niya sa mukha. Kinakain ko na lang ito nang tahimik tutal ganun din naman ang gusto niya.
Nakarating na rin kami ng bahay na walang umimik saaming dalawa. Siya na mismo nagbukas ng gate dahil madalas naman siyang nandito and as I recall, siya daw kasi yung lalake. Nakakasakit ata sa ego niya na ako magbukas ng gate eh bahay naman naming 'to. I mean hindi naman maiiwasan ang judgement at baka laking burgis din itong lalake na 'to na ni minsan hindi napakain ng magulang ng mga pagkain sa labas.
"Ma! Nandito na kami!" paalam ko kung sino man ang nasa bahay.
"Sige 'nak!" rinig ko ang sagot ni mama na nasa kusina. "Paghahandaan ko na kayo ng meryenda!"
Day-off ni mama. That means magagawan kami ng makakain, as always.
"Okay po!" ang sabi ko na lang na dire-diretso na sa taas para makapag umpisa na ulit ng practise para sa auditions.
Tahimik na sinundan ako ni Jeremiah patungo sa rooftop kung saan madalas kaming nandito na dalawa. Buti na lamang at naitaas ang tent dahil mainit pa rin ang sinag ng araw. At nahihiya naman ako sa skin colour niya, akala mo hindi talaga na-a-arawan. Ang puti, he's like a blank canvas, waiting to be painted on.
Ibinaba ko na ang bag sa gilid at umupo, kasama na ang script. I guess nasanay na ako na walang usapan na nagaganap saaming dalawa kaya I was reviewing kung nasaan na kami nagtapos the last time we were rehearsing.
"Huling scene na pala tayo." ang sabi ko sakanya nang binabasa ang mga linya na susunod. "Parang ang bilis naman natin, bukas siguro isang bagsakan na lang tayo tapos ayun na."
Parang nalungkot naman ako nun. If he doesn't insist to keep practising, hindi ko na siya makakasama nang ganito sa susunod na mga araw.
Nakita kong nakabuka na ang bibig ni Jeremiah, may sasabihin ata, nang biglang dumating si mama na may dala-dalang tray ng pagkain, dalawang baso ng juice at isang malaking pitsel. Umupo siya sa tabi at ngumiti.

BINABASA MO ANG
The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]
Детектив / Триллер"The quiet ones are always the most mysterious ones." Lyra's life turned around when she decided to speak to the quiet boy at the back of the class. She wouldn't know the things that were coming even if it hits her in the face. 1st Installation i...