XVIII

135 3 0
                                    

Chapter Eighteen:

"Ano gusto mo; tubig juice o si Irish?" Tanong ko sakanya na diretso lang ang tingin pagkapasok pa lang sa bahay. Sa ibang tao siguro nakakatawa ang sinasabi ko dahil wala sila sa sitwasyon ko, pero seryoso ang naging tanong ko.

Umiling naman siya na halatang nagulat sa nasabi ko sakanya. "Gusto kong makipag-usap sa'yo."

"Okay, okay. Let's talk. Sit down." sabi ko sakanya at sinenyasan siya na umupo sa sofa habang umupo naman ako sa kabilang upuan. Sinasadya ko na halata na sarkastiko ang pagsabi ko. Nang hindi naman siya gumalaw, natawa ako. "Sus, wag ka na mahiya. Nagawa mo nga yun eh tapos mahihiya ka pa?"

Hindi naman akong masamang tao pero yung mga nababato kong mga salita, ang sasakit. Ginagawa ko lang 'to na defense mechanism para hindi ako maiyak sa harap niya. Wala pa nga sa limit ko yung binibitawan kong salita sa kanya! Panigurado kasi na iiyak ako pero hinintay ko muna ang sasabihin niya. Gusto kong malaman kung ano ang palusot niya para kanina. Baka practise lang pala, diba? Nadala lang ng halik?

"Wala akong excuse." sabi niya na napayuko ang ulo. "Wala akong excuse sa nakita mo."

I gave him the hand for being honest with me. Pero hindi naman ibig sabihin nun he was off the hook. It only made things more interesting for me. At mukha rin naman pinagsisihan niya yung nangyari kasi kung hindi, wala siya rito. Pero sino ba ang makakapagsabi na hindi niya na uulitin ito? Lalo na nanliligaw pa lang siya sakin. Ano pa kaya kung sinagot ko na siya at kami na? Mas masakit kesa sa nararamdaman ko ngayon.

"Okay." sagot ko. "Tapos anong gagawin ko? Wala naman tayo so... bakit kailangan mo magpaliwanag sakin?" tanong ko pa.

Kahit ako nasaktan sa sariling sinabi. Kasi totoo.

"A-akala ko gusto mo rin ako?" kumunot ang noo niya na nagtataka sa sinabi ko. Hindi niya siguro inasahan ito.

"Oo nga," ngumisi ako. "Pero wala naman akong karapatan na pagsabihan ka, diba? Hindi mo naman ako girlfriend. Hindi kita boyfriend. Wala akong dapat sinasabi sa mga pinggagawa mo. Kung nagsasawa ka na sakin, sana naman diba pinaalam mo kesa sa ganun paraan ko pa malalaman?"

"P-pero Lyra..."

"Saka iniiisp mo rin naman na kasalanan ko kasi pinwersa kita na gawin yung play. Kasalanan ko 'to. Okay?" tumayo na lamang ako at pumamaywang. "Yun lang ba? Pagod na ako, Je. Gusto ko nang matulog, magpahinga. It really had been a long day for me and I'm wasted."

Hindi ko pa rin kinayang tingnan siya. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko kaya pinili kong tumingin sa iba- sa paligid-ligid ko maliban sa kanya. Nang maramdaman ko ang yakap niya sakin, dun na bumuhos ang hinanakit ko sa kanya. Pinalo-palo, hinampas-hampas ko ang dibdib niya para lumayo siya pero wala naman 'tong nagawa sakanya. He didn't break. Dahil dito, mas humigpit ang hawak niya sakin.

"Sinira mo y-yung tiwala ko sa'yo, Je. A-akala ko iba ka." sambit ko sakanya. Wala rin naman akong magawa para mailayo siya sakin. I don't have enough energy. I wasted it all day. I let him stay where he was.

"I'm sorry... ang sabi niya kasi sakin practise lang... I'm sorry na nagpadala ako sakanya..."

It was a stupid excuse but it was good enough for me. Kahit na napaka nonsense ng rason niya. Good enough to at least think about letting him get a second chance. Hindi ko naman sinasabi na bibigyan ko na kaagad siya ng second chance- hindi. I'm not like that anymore. Ang gusto ko lang ay maging tapat siya sakin kaysa gumawa pa siya ng palusot na hindi naaman totoo at pag-iisipan ko naman kung ipapagpatuloy namin kung ano ang meron kami o tatanggalin ko na siya sa buhay ko like I did with Jake.

Kumalas na ako sa higpit ng kanyang yakap at pinunasan ang luha ko. "Bigyan mo akong oras." ang sabi ko sakanya.

"S-sige. Kahit anong gusto mo."

"Pero hindi ko masisiguro sa'yo na I will treat you the same way I did before. I don't think I can go back to that na alam ko na madali ka lang pala makuha sakin." inamin ko na dinirekta na agad siya kahit na alam kong masasaktan ko ang damdamin niya. "Masakit, Jeremiah.

"Nag back out na ako, Lyra." bigla niyang sabi. Nagtaka naman ako sa naging desisyon niya. "Hindi na kita nakikita."

"Baliw ka ba? Ilang linggo na lang tapos play na, ngayon ka pa nag back out? Ano sasabihin nila sa'yo?" pinagalitan ko pa siya.

Umiling siya. "Wala naman akong pake sa sinasabi ng ibang tao. Ikaw yung mahalaga sakin, sa'yo lang ako may pake."

"Sana inisip mo rin ako nung hinalikan mo si Irish. Sana inisip mo na masasaktan ako kapag nalaman ko. Pero mas masakit yung hindi ko alam, Je. Na may ginawa ka saking kasalanan behind my back. That's even more painful..." ramdam ko na naman ang sakit. "Anyway, late na. Baka hinahanap ka na sainyo."

Tinulak ko siya papuntang pintuan at sa labas na mismo ng gate ng bahay. I waved goodbye. Nang papasok pa lamang ulit ako sa loob, may narinig akong mga salita na galing sakanya na ikinatigil ng mundo ko.

"I love you..."

-

Kinaumagahan, pinilit ko talagang gumising nang maaga para hindi niya ako masundo. Ako na ang naghain ng pagkain ko kasi tulog pa sila mama at papa. Binilisan ko ang pag-ayos sa aking sarili na nag concealer nang kaunti dahil mukha akong binugbog kagabi sa bar pagkagising ko (akala mo naman talaga nagbabar, nagpapakapacool lang ako). Sinabihan ko naman sila mama kagabi na maaga ako papasok. Naasikaso ko pa nang sandali ang aso namin bago ako lumabas ng bahay. Sa inakala kong hindi ko siya makakasabay pagpasok, heto siya sa harap na medyo nakasandal sa kanyng motor.

"Morning." bati niya na parang walang nangyari kahapon.

"Magcocommute lang ako. 'Di mo na akong kailangan ihatid." sabi ko sakanya na nakaturo ang mga hinlalaki sa direksyon ng highway.

Naisip ko rin kagabi kung paano lang siya basta basta magsabi na mahal niya ako. Kung mahal niya ako edi sana hindi niya nagawa yun nung una pala lang! Hindi sana ganito ang hinahantungan naming dalawa.

Hinagis niya sakin ang helmet na palagi niyang ginagawa araw-araw tapos mawawalan ako ng choice kung hindi sumama sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang paandarin ang makina ng motor niya. I dragged myself towards him and climbed on the back to put the helmet on pero dumistansya ako sakanya. Imbis na humawak sa baywang niya, humawak na lang ako sa bakal sa likod para suportahan ang sarili ko. Hindi ko inasahan na binitawan niya ang manubela para lang kunin ang mga braso ko para iyakap sakanya.

Akala niya ba natutuwa ako sa ginagawa niya?

Kumunot ang noo ko na babalik sana sa pwesto kanina nang pinaandar niya ng biglaan yung motor kaya napakapit ako nang mahigpit sakanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa pagsakay sa motor at kung gaano siya kabilis magpatakbo. Napahinto ito nang mag red light. Dun lang ako umurong palayo sa kanya at kumapit sa bakal sa likod ulit. Ilang na ilang na ako sakanya. Parang panibagong tao ang kasama ko ngayon. Hindi ako sanay. Sana panaginip lang ang nangyari para mabalik kami sa kung ano ba kaming dalawa.

Lagi kong naaalala ang nakita kapag nakikita siya.

"Pagpapatuloy ko pa rin ang panliligaw sa'yo, Lyra." narinig kong sabi niya kahit na ang lalakas ng busina ng mga sasakyan sa paligid.

"Bahala ka." walang emosyon kong sagot na nangangati nang bumaba mula sa motor niya pero natatakot ako na baka bigla siyang umandar. Edi nagkasugat pa ako.

"Let me make it up to you."

"Bahala ka nga. Wala na akong pake sa gusto mong gawin." sagot ko pa rin na medyo nainis na. Sumasalubong sakin lahat ng kamalasan sa mundo, sinong hindi maiinis?

"Wala ka na talagang pake, Lyra?"

Wala akong imik na nakakunot lang ang noo. I want to stop caring pero siempre sinasabi ko lang, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili. Dapat nga wala talaga akong pake!

Ang tanga tanga ko.

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon