XII

200 8 0
                                    

Chapter Twelve:

"Tigilan mo nga ako!" pagsusungit ko kay Jake na kanina pa ako hindi tinatantanan.

Pilit pa rin niyang kinukuha yung braso ko but I wasn't having any of his bullshit today. Malakas siya pero mas malakas naman yung urge ko na malayo sakanya kaagad na baka ano lang masabi ko sakanya at lalo nang magawa. Hindi na ako takot lumaban- hindi na ako yung babaeng kaya niyang i-manipulate gamit ang mga salita naman na hanggang dun lang at hindi marunong mapanagutan. I'm not his toy anymore.

"Sandali kasi, Lyra, mag-usap muna tayo." narinig ko naman ang pagmamakaawa sa boses niya.

Lagi na lamang ganito. Kapag nasasaktan niya 'ko, bibigyan niya 'ko ng ganitong mukha tapos maaawa ako. Not today! I'm not falling for it.

Hindi ko naman napansin na nasa harap ko na siya kaya napahinto ako sa paglalakad at kumunot ang noo ko sa nakakarindi niyang hitsura. "May lima kang minuto at kapag hindi mo nasabi lahat, pasensyahan tayo." I crossed my arms against my chest, still feeling the pain in my chest the day he left me.

Agad naman siyang tumango sa kompromiso ko. "Alam ko naman 'yung ginawa ko pero pinagsisisihan ko ang lahat; hanggang ngayon hinding- hindi pa rin kita matanggal sa isip ko, kahit napapalibutan na ako ng ibang babae, hindi ko kaya. Ikaw pa rin laman ng puso ko- ikaw lang sinisigaw nito. Alam kong sinasabi nila na bata pa tayo pero siguradong sigurado na ako sa'yo, Lyra. Sorry, sorry at nagawa kong mangaliwa na alam ko naman na may babaeng nagmamahal sakin at papatawarin ako sa kahit ano man kasalanan na nagawa ko. Sinamantala ko ang pagmamahal mo. Hindi naman ako umaasa na papatawarin mo ako kaagad pero ngayon, gusto kong patunayan na nararapat ako ng isa pang pagkakataon sa'yo... kung bibigyan mo ako."

In the corner of my eye, I saw a familiar figure standing just a distance away from us habang pinoproseso pa ang pinagsasabi ng lalake na nasa harapan ko. Hindi maganda ang ekspresyon niya sa mukha pero nakikita ko ang lungkot at galit.

Agad ako tumingin kay Jake at tinanggal ang kamay niya nakahawak nang mahigpit sa braso ko.

"Pag-isipan mo muna nang mabuti kung gusto mo makipagbalikan sakin." wala man lang kahit anong emosyon ang nasa tono ng boses ko. "Kasi ako, naisip ko na nawala ka ng lugar sa buhay ko. Nakaraan ka na na hindi na dapat balik-balikan lalo na't napakasakit ng ginawa mo sakin. Hindi ulit ako magpapakatanga sa'yo, Jake."

Iba ang inaasahan kong magiging reaksyon niya ngunit naging agresibo siya saakin nang itulak niya ako papunta sa isang pader at masakit na ang paghawak niya sa mga balikat ko. Hindi naman ako makatingin sakanya dahil natatakot ako sa kaya niyang gawin at dahil sa alam ko rin kung ano ang pwede niyang magawa sakin.

He was capable of hurting me. Kahit sabihin niya pa na mahal niya ako. When his anger gets the best of him, hindi na niya na didistinguish ang mali sa hindi- he'd get blinded by his own emotions. He seriously has some anger issues na kailangan niyang ipakonsulta. It's terrifying. Nasaksikahan ko kung paano and I don't want to relive those moments.

"Hindi ako nagkakamali sa'yo, Lyra. Ang cheap mo!" lumalim ang boses niya na ikinataas ng mga balahibo ko. "Dun ka ba sa intsik na 'yun? Napakababa naman ng standard mo!"

Namuo ang galit sa aking katawan at tumingin ako sakanya na para bang kaunti na lang ay malapit ko na siya kunin sa leeg niya at patayin. I had dealt with his abuse na hindi pa rin nawawala ang trauma ko kapag pinagtataasan niya ako ng boses, o di kaya magbitaw ng mga nakakasakit na salita na dinidibdib ko kaagad at ayoko nang maulit yun. I'm fighting back.

"Nakakasakit ka na, tama na 'yan." may narinig kami pareho ni Jake na mahina na boses na sinusubukan naman magtapang tapangan.

Napatingin ako sa likod ni Jake at nakita si Jeremiah na nakasimangot.

Humarap naman si Jake sakanya. "Wag kang mangialam dito, intsik, kung hindi mo gustong dagdagan ko 'yang mga pasa mo."

Tumingin ako sa likod ni Jake na nanlaki ang mga mata sa narinig. Sinaktan niya si Jeremiah! Siya yung nagbigay ng pasa sakanya. Tama lang hinala ko tungkol sakanya. Hinding-hindi na siya magbabago.

Hinila ko pabalik si Jake na naramdaman na malapit na siyang magpaulan ng mga suntok kay Jeremiah. Matangkad si Jeremiah, no doubt about that, pero mas malaki pa rin ang katawan ni Jake na malaki kung ikukumpara sa kaibigan ko. And I have a feeling kung anong ikakalabas nito and I don't want any of that to happen especially to Jeremiah. Wala akong halos na maibigay na pake kay Jake.

"Hindi mo pa rin ba maintindihan na ayaw na ni Lyra sa'yo?" tanong ni Jeremiah na lalo naman pinoprovoke si Jake kaya hindi ko napigilan ang mas malaking lalake sa pagsuntok kay Jeremiah.

Malakas ang impact ng suntok ni Jake na nawalan ng balanse si Jeremiah at natumba na nakahawak sa mukha niya kung saan siya nasuntok. Agad naman akong kumilos at dumapa sa tabi niya at para hindi na rin makaisa pa si Jake.

"Ano!?" tumingin ako kay Jake na galit na galit. "Kung ganito pakikitungo mo sa ibang tao, sa tingin mo babalikan pa kita!? Mag-isip ka nga! 'Wag ka mag maang-maangan! Gamitin mo naman, for once, yung utak mo! If you have any!"

Kumunot ang noo niya at naibaba niya ang kamao niya. "Pipiliin mo talaga 'yan kesa sakin? Kesa sa mga kaibigan mo? Baka ikaw yung kailangan gamitin yung utak, Lyra. Mag-isip ka rin." sambit niya bago tuluyang umalis.

Agad naman napunta kay Jeremiah ang atensyon ko. Umuungol lang naman siya sa sakit na natamo ng kanyang mukha. Dumagdag pa yung pasa niya. Pinatayo ko naman siya at wala nang ibang sinabi dahil alam naman niyang dadalhin ko siya sa clinic. Medyo nagtatampo ako sakanya bakit hindi niya sinabi na si Jake pala rin yung nagbugbog sakanya. But I let that slide for now.

Nakapasok na kami sa clinic at agad naman siyang natuunan ng pansin ng isang nurse at pinapasok kami pareho sa isa pang kwarto kung saan duon siya gagamutin. Umupo ako sa harap niya habang tinatanong ng nurse kung ano ba ang nangyari sakanya. Wala pa rin siempre na masabi si Jeremiah dahil hindi siya sanay sa pakikipag-usap kaya ako ang sumagot para sakanya.

"Gusto lang naman po ako tulungan ni Jeremiah pero siya naman yung nabugbog." sumimangot ako nang makita na gaano agad kalala ang pasa niya sa mata.

Binigyan siya ng nurse ng yelo at idinikit niya sa mata niya. "Tsk. I-report niyo kaagad kung sino 'yun para masuspend."

Tumango ako at iniwan na muna kami ng nurse dahil may ibang pasyente na dapat tulungan. Lumapit ako sakanya ng upo pero hindi siya makatingin sakin.

"I appreciate the help pero sa susunod, leave it to me? Kaya ko naman si Jake eh." humawak ako sa kamay niyang nakalagay sa kandungan. Ang lamig ng kamay niya.

Nalipat ang tingin niya sakin. "Papatayin ka na niya, hindi mo pa rin ako hahayaang tulungan ka?" tanong niya na nakataas ang kilay.

"Hindi mo nga sinabi sakin na siya pala yung nagbigay sa'yo nung pasa." napanguso ako. "And I don't think he will. Subukan lang niya."

"Kinakampihan mo pa." bulong niya na narinig ko pa rin naman.

Nagbuntong hininga ako. "Hindi ko siya kinakampihan. Gusto ko lang naman na hindi ka madawit sa gulo naming dalawa."

"It was hard, wasn't it? Dealing with that asshole." biglang sabi niya.

"Sobrang hirap, kung alam mo lang. But I really prefer you, Je. I'm really glad you came into my life."

"Technically ikaw yung nagpupumilit na mainvolve ako sa'yo. Pero hindi rin naman ako nagrereklamo." ngumiti siya nang kaunti.

"Ikaw naman yung daldal nang daldal diyan." biro ko na rin.

Wala na siyang ibang nasabi sa sinabi ko. Ramdam ko na may nasabi akong he wasn't too happy about what happened but I was glad he was making a joke out of the situation, somehow and at least.. Naguilty naman agad ako nun kasi hindi ko naman sinasadya. Mas lalo na lang ako lumapit sakanya at hinalikan ang kanyang pisngi.

The Quiet Boy: The Prologue [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon